CHAPTER ONE

14 3 0
                                    

Chapter one

~brizk~brizk~brizk~

Nagising nalang ako, hays, kulang pa tulog ko, huhubels yung mata ko neto, hays

Maghihilamos na sana ako kaso lang may biglang kumatok

*Tok*tok*

"Nicolette! Labas na dyan! Late ka na sa school, tsk, sabay pa naman tayo!" ayan na naman tayo, yung kuya kong asungot na gagalit na kakahintay sakin, haha, parati kasi akong late magising tsaka matagal pa akong maligo, kaya inis na inis si kuya sakin

"Eto na oh! Papasok pa nga lang ako sa cr!" balik sigaw ko sa kanya, ganyan convo namin

"Bilisan mo kung hindi ka pa tapos nang 30min iiwanin kita dito sa bahay!" tsaka ko narinig yung mga yabag nang paa ni kuya na paalis na, sigurado akong inis na inis yon kung matagal pa akong lalabas sa cr

Natapos ko na yung pagbibihis ko, para inabot ako dun nang more than 30min, nakasanayan ko na kasi yung naliligo nang matagal, di ko na tinali yung buhok ko kasi wavey na parang kulot yung buhok ko, syempre nagsuklay din ako

Palabas na ako sa kwarto ko nang makita ko si kuya na papunta sana sa kwarto ko, nainip na seguro

"Oh, buti naman at nakalabas ka na, kanina pang nandito yung service, tsk" sabi ni kuya habang papunta sa sofa namin para kunin yung bag niya

Sayang di pa naman ako nakakain, hays, iba talaga kung nagmamadali yung kasama mo

"Oh, nak, kumuha ka nalang nang sandwich tas nang pera sa bag ko doon sa sofa" biglang sulpot ni mama na nanggaling sa kusina

"Ok, ma, bye"

Agad ko namang kinuha yung pera at yung sandwich na dalawa, baka kasi humingi yung anak at apo ko, char, haha, sa magkakaibigan kasi is ako yung ginawang lola nilang dalawa tas si Em yung anak ko tas si Chrissy yung apo ko, huhu, dalagang bukid pa ako

"Nicolette, tara na! Late na ako!!" sigaw ni kuya sa labas, hays, kung di lang siya snob sa mga kaschoolmate namin baka pinagkamalan ko na siyang may ka-date

Agad naman akong sumakay sa tricycle namin, sa tricycle kami sumasakay kahit may kotse kami, wala kasing maiiwan sa dalawa kong kapatid na maliliit, haha

Nagtaka ako kung bakit di pa umaandar yung tricycle namin, baka may hinihintay, hays

Umandar na yung tricycle nang may sumakay na dalawang babae, ahh, sila pala yung kapitbahay namin, tsk, matatagalan kami neto, kanina stress si kuya ngayon nag mumusic na, lakas naten pre, ahh

Huminto naman yung tricycle namin sa may waiting shed, merong sasakay na taga Saint Dominic, dalawa yung sumakay isang bata at isang highschool ata toh, umandar ulit yung tricycle at maya-maya huminto na naman

Nang malapit na kami ni kuya sa school namin kaya tinext ko si Chrissy na malapit na ako sa kanila kahit alam ko naman na di niya mababasa.

Pinababa na kami nang driver namin sa main gate, tinignan ko si kuya dere-deretso lang yung lakad walang lingon-lingon, haha, this is it pansit!

Dali-dali akong pumunta sa bahay ni pan--ayt ni Chrissy, hehe, Chris, peace tayo dyan, so pumunta ako sa bahay nila, haha, ang aga pa naman kasi, hays, late naman kasi yan kung gumising, mga quarter to eight na yan gigising, ehh, yung klase namin magsastart nang eight, tsk!

Habang naghihintay ako nagbasa muna ako sa tab ko nang Wattpad, haha, binabasa ko ngayon yung isa sa mga sikat na stories sa Wattpad, di ko pa kasi natatapos kahit one year na yang nakatambay, tsk, habang nagbabasa ako nakita kong lumabas si Rewil, pinsan ni Chrissy, at yung lalaking yun di man lang ako tinapunan nang tingin, aba!

COMPLICATED LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon