Chapter sixteenNicole's P.O.V.
Kakalabas palang namin nila Chrissy sa room namin at papunta kami ngayon sa locker area nang meron kaming narinig na dalawang tao na parang nag-aaway sa bandang dulo nang hallway, at dahil kami na curious pumunta kami doon at nagtago kami sa likod nang mga locker, mwehehe
"Guys, baka mahuli tayo" bulong samin ni Em
"Oo, nga baka makita tayo nila" segunda naman ni Chrissy pero sure akong gusto niya rin na marinig yung dalawa na nag-aaway
"Tumahimik nga kayo, baka makita talaga tayo at tayo yung makalagot sa kanila" saway ko sa kanila, ang ingay naman kasi nila
Aangal sana sila nang meron kaming narinig na umiiyak agad naman kaming sumilip sa dalawa na nag-aaway doon ko lang nakilala sila, omg!
Sila Bianca at Jozhua nag-aaway! Si Jozhua nakatayo lang at nakatalikod samin habang si Bianca ay nakaluhod at umiiyak, parang nasa palabas lang, ehh
"Please, Jozhua! Please, w-wag mo a-akong iwan" nagsusumamong pakiusap ni Bianca habang inaabot ang mga kamay ni Jozhua pero agad na umatras si Jozhua
At sa sinabi ni Jozhua ay doon ako na nagulat
"Sorry, hindi na kita mahal may iba na akong mahal" walang pag-aalinlangang sinabi ni Jozhua kay Bianca kahit nga kami nagulat pati si Bianca
"Omegerd! May chance ka na, 'nay!" Mahinang tili ni Em
Sinenyasan ko siyang manahimik para hindi kami bisto nila Jozhua pero agad akong nanigas sa kinakatayuan ko nang may narinig akong yabag papunta sa kinakatayuan ko
"Anong ginagawa niyo dito?" Malamig na sabi ni Mark samin
Agad kaming natigilan at unti-unti akong lumingon sa kanya, ngumiti ako sa kanya pero naging ngiwi na iyon dahil sa nakikita ko sa kanyang mga mata ang blanko niyang expression
Lilingonin ko sana yung pwesto nila Jozhua nang bigla akong niyakap ni Mark at meron siyang ibinulong
"Please don't leave me no matter what" mahinang bulong niya sakin kaya agad akong nagtaka
'Bat niya yun nasabi? Ano ang ibig niyang sabihin? Ang dami-daming tanong sa isip ko at siya lang ang makakasagot sa mga tanong ko kung bakit niya yun ibinulong
"Bakit ko naman ikaw iiwan? Isa ka na kaya sa bestfriend ko" sabi ko sa kanya at pinilit kong ngumiti pero ang mga nakikita ko sa kanyang mga mata ay kalungkutan
Agad naman akong nalungkot at niyakap ko nalang siya para hindi siya malungkot
"Don't worry, hindi kita iiwan" sabi ko sa kanya
"Ehh, pano kami?" Sabi ni Em
"Syempre kasama kayo!" Sabi ko at nag group hug kami
Aambang makikiyakap sana yung mga tropa ni Mark nang agad naman na binato nang notebook ni Chrissy si Jeric kaya hindi sila natuloy na makisali, haha
Binalewala ko nalang muna yung away nila Jozhua kasi hindi ko naman yun problema pero ang kaso lang ay ang dami kong mga tanong. Sino yung totoong mahal ni Jozhua? Bakit hindi niya minahal si Bianca? Hay nako!
Nawala nalang yung mga iniisip ko nang biglang tumabi sakin si Mark at inalok niya ako nang ice cream
"Gusto mo? Kanina ka pa tulala" sabi niya sakin
Ano kaya kung sabihin ko kay Mark at tanungin siya? Wag nalang siguro pano niya naman malalaman kung sino yung mahal ni Jozhua kung hindi naman sila close, diba?
BINABASA MO ANG
COMPLICATED LOVE STORY
Teen Fiction"Mahal kita" ayan ang sabi ni Nicole pero hindi niya alam kung totoo nga bang mahal niya ang lalaki o hindi dahil nalilito siya kung sino ang kanyang mahal Merong isang babae na nagmahal pero hindi siya ang mahal nang minamahal niya pero sa isang ig...