Chapter twelveEto na naman tayo! Tampo-tampo yung dalawa kasi daw meron na daw akong ipinampalit sa kanila, heler?! Si Mark? Ipapalit ko sa kanila?!
Iba talaga sila mag-isip! Babawi na lang nga ako sa kanila, hmn.... ano kaya yung pwede kong pambawi sa kanila??
AHA!
Alam ko na! Ililibre ko sila nang pagkain mamaya! Mwehehehe, Food is life din kasi yung motto nang dalawa kaya alam ko kahinaan nila, nyehehe
Mag-iisip pa sana ako kung anong pagkain yung ililibre ko sa kanila nang biglang may kumalabit sa braso ko nung nilingon ko yung kumalabit sakin si Mark pala
"Bakit?" Tanong ko sa kanya habang inaayos na niya yung ibang kalat namin
"Yung dalawa nagalit ata sakin at sa'yo, suuyin mo! Wag ko akong idamay sa away niyo!" Sabi niya sakin sabay sarado nang box na dala niya
"Aba! 'Bat ako lang? Kasama ka, uyy!" Sabi ko sa kanya na akma nang aalis nang hawakan niya yung braso ko, tinaasan ko siya nang kilay. Hah! Kala mo, ha!
"Ahm, ililibre kita nang milk tea whole week basta sabihin mo na ikaw nag-aya sakin na makipaglaro" sabi niya sakin
Aba! Ginamit pa nang kumag yung kahinaan ko!
Milk tea yun, gohrl! Sayang yun!
Kung makapagdesisyon yung utak ko kala niya susunurin ko yun! Hah! Gusto ko whole month! Mwehehehe, walang hiya na kung walang hiya! Pagkain pinag-uusapan dito
"Ayoko, gusto ko whole month" sabi ko sa kanya at hinablot ko yung braso ko na hawak niya
Napakamot nalang siya sa batok niya. Kala niya, ha! Wise to men, wise!
"Kalahating buwan" sabi niya sakin
Hmn..... Siguro ok na yun baka mabutas pa yung bulsa niya nang dahil sakin, hehe
"Sige, basta yung milk tea ko, ha?" Sabi ko sa kanya at kumaway na kasi baka malate ako sa first subject ko
Kumaway naman siya pabalik sakin at pumunta muna siya sa CR
Halos takbuhin ko na yung room namin kaso nakita ako ni Mrs. Lopez, yung principal namin, huhu, lagot ako neto
"Why are you still here? You must be inside your room now!" Sermon sakin kaya napangiwi nalang ako
Tumango nalang ako sa kanya di ko masagot, ehh, baka tawagin pa niya si mudra
Nang nakapasok na ako sa room lahat sila sumasagot na sa libro yung iba nakapasa na nang mga libro nila. Hala! Di ko naabutan yung lesson? Huhu
Pumunta na muna ako sa upuan ko at kinuha yung libro ko, kailangan kong basahin yung mga lessons na hindi ko naabutan, huhu
Buti pa sila Mark excuse, ehh ako hindi kaya nawala akong ma-late
Natapos ko na basahin yung lessons nang nilingon ko yung mga classmates ko lahat sila wala nang ginagawa kundi makipag-usap, maglaro nang mga cards at matulog, huhu. Alam niyo ba yung feeling na naiiwan ka na? Ayan feeling ko ngayon, feeling ko maiiyak na ako, huhu
Nang matapos ko na'ng sagutin yung mga pinasasagot halos takbuhin ko si Teacher kasi malayo-layo na siya sa room, huhu, muntik na yun
Dumating na yung sunod namin na teacher kaya nagsibalikan na yung mga classmates ko sa mga upuan nila
Habang naglelesson yung teacher namin hindi ko kayang makinig di kasi ako nagkakaroon nang interes, hehe
Nakakaboring naman yung lesson siguro matulog muna ako, mwehehe. Pero kailangan ko nang magco-cover sakin, mahirap pa naman 'to sa unang helera pa naman ako nakaupo
BINABASA MO ANG
COMPLICATED LOVE STORY
Teen Fiction"Mahal kita" ayan ang sabi ni Nicole pero hindi niya alam kung totoo nga bang mahal niya ang lalaki o hindi dahil nalilito siya kung sino ang kanyang mahal Merong isang babae na nagmahal pero hindi siya ang mahal nang minamahal niya pero sa isang ig...