CHAPTER THIRTEEN

3 1 6
                                    


Chapter thirteen

Nicole's P.O.V

Mga putik talaga yung tatlo na yun! Gawin ba namang drawing book yung mukha ko?!

Kung ako nakatyempo! Lagot talaga sila sakin! Nakatulog lang ako yun na ginawa sakin!

Nang sumuko na ako sa habulan namin kinuha ko agad yung bag ko malapit sa upuan ko, kinuha ko doon yung alcohol ko at tsaka meron akong cotton balls. Hah! Kala niyo, ha! Advance to men!

Agad kong nilagyan nang alcohol yung cotton habang sila tawa nang tawa! Hmp! Kung ako ngayon pinagtatawanan niyo pwes sa susunod ako naman ang tatawa sa inyo! Humanda kayo! Matitikman niyo ang lupit ni Nicole, bwahahahaha!

Ayt! Bad na ni Selp!

"Luh! Mukhang may sapi siya! Tawa nang tawa, haha" sabi ni Mark, dun ko lang napansin na kanina pa pala ako tawa nang tawa, hmp!

"Mga luko kayo! Humanda kayo sakin sa susunod neto!" Inis na sabi ko sakanila habang sila halos maiyak na sa kakatawa!

Hintay-hintay lang kayo sa tapang panahon makakabawi rin ako!

Nang mawala na yung mga drawings nang Kumag kong kaibigan binalik ko na yung cotton, alcohol at yung maliit kong salamin tsaka ko sila hinarap at sinamaan nang tingin!

"Humanda kayo sakin!" sabi ko sa kanila tapos yung boses ko ginaya ko yung boses ni Golumn tapos tumawa ako nang parang mangkukulam

"Luh! Sinapian na siya!" Takot na sabi ni Em

Alam kong takot si Em sa mga multo kaya may naisip akong paraan kung pano siya takutin bukas, nyehehe.

NAtapos na yung lunch time namin kahit di pa nauubos nang tatlo yung pagkain nila dahil di daw si maka-get-over sa mukha ko kanina! Sarap nilang tirisin!

Uyy, wag mong tirisin! Pahirapan mo muna bago tirisin!

Ay! Ang bad na nang utak ko! Pero gagawa talaga ako nang revenge ko para sa kanila! Isa-isa lang para hindi mahirap, mwehehehe

Isa-isang pumasok yung mga kaklase namin sa loob nang classroom namin nang nakita ko si Denzil, ehehe, may utang pala akong ulam sa kanya

"Denz! Eto ulam, you want?" Sabi ko, syempre yung ulam niya na yun huniwalay ko sa kinainan ko kagaya nang relasyon maghihiwalay yung dalawa para yung isa may makasamang iba

Oy! Bata-bata mo pa para maging bitter, oy!

Ito talagang utak ko di nakikisama sakin!

"Ayy! Wag na salamat nalang pala sa ulam kanina" sabi ni Denzil sakin

"Huh? Anong ulam? Wala naman akong naalala na nabigyan na kita nang ulam, ehh" litong sabi ko sa kanya

Imposible naman na nabigyan ko siya kanina dito naman kasi ako sa loob kanina at dito na rin ako kumain nang tanghalian ko kahit nawawalan na ako nang gana dahil sa ginawa nang mga kaibigan ko, psh!

"Ha? Akala ko nanggaling sayo kasi merong lalaking lumapit sakin tas binigay niya sakin yung sinigang na hipon tapos yun na, iniwan niya doon sakin tinanong ko kung para kanina sabi niya para sakin tapos sabi ko para saan sabi niya para daw sa utang mong ulam sakin" paliwanag ni Denzil sakin habang nakatingin sakin na parang nalilito

Baka si Mark yung may gawa no'n kaya siguro, hmn... Pero feeling ko hindi si Mark, ehh. Tanungin ko kaya si Denzil kung sino, hmn... Ma-try nga

"Ahm, Denz kilala mo ba kung sino yung nagbigay?" Tanong ko sa kanya

"Parang bago siya, ehh" sabi niya tsaka siya pumunta sa mga tropa niya. Hmp! Feeling ko parang si Jozhua yun pero imposible naman baka si kuya? Ayt! Bago daw, ehh

Bago...bago....bago? Bago? Bago?!

"Uy, nic"

"Ay! Bago!" Gulat kong usal, kase naman ihh! Nang ngangalabit! Kitang occupied yung tao, ehh!

"Anong bago?" Tanong ni Em sakin

"Wala lang, hehe. Ano nga ba yung sinasabi mo kanina?" Tanong ko sa kanya para di na siya tumanong sakin

"Tanong ko lang na pwede ka ba sa sabado?" Sabi niya sakin

"Aano tayo sa sabado?" Tanong ko naman sa kanya baka bibili kami nang libro or kumain or kung ano pang pwedeng gawin

"Swimming tayo!" Masaya niyang sabi sakin habang pumapalakpak pa na parang bata, bata naman talaga siya

Wait, what? Tayo? Tayo? TAYO?!

"Wlaang tayo!" Biglang sigaw ko, kase naman! Bitter si ako ngayon kase naman bigla kong naalala yung binabasa ko kanina is di sila nagkatuluyan nang bida

Nagulat nalang ako nang biglang nag sipag react yung mga kaklase ko

"Whoa! Bitter si Nicole!"

"'lang poreber!"

"Laging bitter"

"Tama si Nicole walang sila dahil merong kami"

Agad na nagsitahimik yung mga kaklase ko dahil sa huling nagsalita, agad naming nilingon yung nag sabi no'n at dun ko nakita si Mark kasama yung dalawa niyang ugok na mga kaibigan

Agad na nagsalubong ang kilay dahil sa sinabi niya pero yung mga kaklase ko mukhang mga kinilig

"Ayieeee! Magkakaroon na nang partner si Mark! Waaahhh!"

"Yeeiii!! Kenekeleg eke"

Isa yan sa mga naririnig ko sa mga kaklase ko kaya agad ko naman silang nilingon at inirapan, alam kong rude yung ginawa ko pero naiinis na ako!

Agad kong nilapitan yung ugok na sumira sa magandang mukha ko kanina at agad na binigyan nang malakas na sapok sa ulo! Mukhang may nawawala nang turnilyo sa utak niya, ehh at kung ano-anong pumapasok sa isip!

"Putspa kang saging ka!" Inis na sabi ko sa kanya habang hila-hila ko yung tenga niya na pulang-pula sa paghila ko, pumunta kami sa dulo nang hallway at doon siya sinermonan!

"Ikaw! Anong pumasok sa isip mo at kung ano-ano na ang pinagsasabi mo sa harap nang mga kaklase ko! Bubugbugin talaga kitang ugok ka! Kanina lang sinira mo yung maganda kong tulog pati yung magandang mukha ko nasira mo na rin dahil sa nawawalang turnilyo sa utak mo! Kung hindi lang kita maging kaibigan baka kung anong ginawa ko sa'yo! Baka di lang batok at hila sa tenga yung ginawa ko sa'yo! Nang dahil sayo tutuksuhin ako nang mga kaklase kong mga uto-uto!" Mahaba kong sermon sa kanya habang siya nakangisi na parang aso, nauulol na siguro 'to!

"Unang-una, hindi ko sinira ang magandang tulog mo kasi si kulot naman ang sumira no'n dahil sa lakas niyang tumawa tsaka bumawi lang naman ako sa dare mo na yun na ililibre kita nang milktea. Pangalawa, sinong nagsabi na magan---" di niya pa natatapos yung pangungusap na yun agad siyang nakakuha nang panibagong sapak kaya ayun nanahimik pero yung hindi ko inaasahan is yung mga tingin nang mga kaklase ko samin

Nilingon ko silang lahat at halos gusto ko nang umalis! Lahat nang cellphone nila nakatutok samin tas yung iba nagsasabi nang "ayy! LQ sila" sarap talagang hambalusin nang walis tingting yung mga kaklase kong mga naniniwala na merong kami daw, hah! Over my dead body hinding-hindi ako mai-in-love sa isang hinayupak na 'to!

Hindi nga ba?

Sheda! Pati ka ba naman? Hay nako! Stress na ako lipat nalang ako nang school!

**************

A/N- salamat sa mga nagbabasa kung meron man. Sorry sa typo errors tsaka hanggang dito lang muna tayo kasi wala akong maisip, haha, baka bukas mag-uupdate ako, hehe

COMPLICATED LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon