A/N-Sorry kung maguguluhan kayo sa time nila kahit ako di ko na alam kung anong araw na, haha, sana maintindihan niyo, hehe--------------------------------
Chapter ten
Hay! Another day na naman! Pero buti ngayon kasi walang klase, ehehehe, di ma-totorture si brainy!!!
Hmn... Parang magandang mag mall, ahh, matawagan ko nga yung dalawa
Habang nagriring yung tinatawagan ko nag hanap na muna ako nang damit na maisuot ko mamaya
("Hello, inay?")
"Hi, em! Punta tayo sa mall mamayang alas-onse"
("Oh? Ano gagawin natin?")
"Bibili tayo nang libro, meron kasi akong nakita na babaeng pasahero sa tricycle namin nakita ko maganda yung libro na dala niya tsaka Wattpad yun, bes!" Excited kong sabi habang nagkakalkal nang mga damit ko sa aparador
("Oh? Talaga? Bili tayo and don't forget bibili din tayo nang pagkain!!!") Excited niyang sabi, hay nako! Si Beshy mukha na ngayong pagkain pero di siya tumataba! Sana all nalang!
"Psh! Mukha ka talagang pagkain!"
("Ouch! Anshaket sha heurt!") Aba! May nalalaman pang ganyan si cho-- ehh este si Em, psh!
"Sabihan mo nalang Em si Chrissy, ahh"
("Okey dokey! Babye! Wabyu!") Paalam niya sakin
"Wabyu! See yah later" sabi ko sabay baba nang tawag
Nang binaba ko na yung tawag may nakita na akong damit na sosoutin ko mamaya
Lumabas na muna ako sa kwarto nang may narinig akong tawanan at may nag didribol nang bola sa labas, ahh, alam ko na sila kuya lang yun'
Wait, sila kuya? Kasama ba si Jozhua? Well obvious naman na kasama na dun si Jozhua, kailangang i-memorize yan?
Hay! Kaya mo yan selp! Di ka na diba bitter?
Pumunta nalang ako sa kusina at kumain nang branch ko, haha, branch kasi parati akong tinatanghali na akong magising syempre adik ako sa cellphone, ehh and I'm proud of it! Oh, sino proud na adik sa gadgets? Taas ang mga paa!
Nang natapos na akong kumain bumalik na ako ulit sa kwarto ko syempre mag wawattpad ako, mwehehe
Habang nagbabasa ako sa Wattpad meron akong narinig na sasakyan sa labas at syempre ako namang si miss curious sumilip sa bintana, nyehehe, miss curious, ahh? Hindi yung miss chismosa
Sinilip ko yung binatana ko halos malaglag na yung mata ko sa laki nang makita ko si pugita sa labas kasama ang alipores niya ba yun? O hindi?
Waahh! Pumunta pa talaga yung pugita na yun dito sa bahay ko! Bawal yan para sakin!!
Lumabas na ako sa kwarto ko! Syempre makikichismis!
Nang nakapunta na ako sa sala namin pagsasabihan ko sana yung babaeng pugita sa labas nang makita kong nakikipag beso siya kay Mudra!
Padabog kong isinarado yung pintuan nang kwarto ko! Kung sa tingin nila na bitter ako bahala sila! Basta ako kumukulo dugo ko sa babaeng iyon!
Dinaial ko nalang yung cellphone ni Chrissy! Hmp! Pupunta nalang ako nang maaga sa mall papupuntahin ko na rin sila!
Nakailang ring ako nang sinagot na ni Chrissy yung tawag
("Hello?") Inaantok na sabi ni Chrissy, psh! Naistorbo ko siguro yung tulog niya
"Chris, sabihan mo si Em na pupunta na tayo ngayon sa mall at mg bihis ka na iwan mo muna iyang higaan mo" sabi ko habang bitbit yung damit na sosoutin ko mamaya sa cr
("Ha? Akala ko mamaya pa? At tsaka walang TAYO!")
Ayan na! Isa pang bitter!
"Dali na! Lilibrihan ko kayo nang milk tea mamaya!"
("Sabi mo yan, ahh? Sige baba ko na para may milk tea na ako mamaya! Bye! Wabyu!") Tsaka niya binaba yung tawag
Hay! Basta pagkain alert mode na yan. Paano ako nagkaroon nang mga kaibigang mukhang pagkain?
Wow nagsalita yung hindi mukhang pagkain!-brain
Aba! Isa pa 'tong utak ko! Makapagligo na nga!
Nang natapos na akong maligo binlower ko yung buhok ko para matuyo tsaka ko sinuklay, nilagyan ko nang lipgloss yung labi ko tsaka ko pinasadahan yung damit ko, yung suot ko ngayon ay black na sleeve less na damit na pinatungan ko nang cotton na blazer tapos naka palda ako na jeans and also yung sapatos ko is puti na Converse at syempre di ko malilimutan yung shoulder bag ko na ang daming laman na abubut
Lumabas ako sa kwarto ko nang hindi sila nililingon nang bigla akong tinawag ni mudra
"Oh, Nak san punta mo?"
Nilingon ko sila nakita ko agad yung mukha nang bruha! Nakataas ang kilay at nakapulupot ang mga braso kay Jozhua! Biglang nag-init yung ulo ko pero di ko masyadong pinahalata sa kanila
"Ahm, may lakad kami nila Em, bibili kami nang libro" sabi ko kay mama nang di nililingon yung dalawang LOVEBIRDS! Hmp!
"Ahh, ganon ba? Di mo ba muna babatiin yung girlfriend nang kuya mo?" Tanong ni mama sakin
Nilingon ko naman yung babae na katabi ni kuya, ahh siya pala yung kasama ni Bianca!
"Ahm, hello" sabi ko at ang chanak tinaasan ako nang kilay! Aba!
"Hi! I'm Lousa Peralta call me Lou for short" sabi nang bruhilda sa harapan ko!
"Ahh, ok, sige alis na ako late na kasi ako, ehh" sabi ko sa bruhilda na yun! Bahala na nga mamaya kung sesermonan ako nila kuya!
Nang makarating na ako sa mall pumunta agad ako sa isang food stall na may batang lalaki na may dalang ice cream na parang manikin, bumili gad ako nang isang malaking tub nang ice cream tsaka kinain yun sunod is yung stand nang mga milk tea!
Magpapalamig ako nang ulo ko!
Inubos ko agad yung milktea nang na brain freeze ako! Ansaket sa utak!
Napahawak nalang ako sa ulo ko at minasahe yun nang biglang dumating yung dalawa sa harapan ko
"Akala ko kami yung male-late" sabi ni Chrissy
"Ha?" Sabi ko kasi ansaket parin nang ulo ko
"Ha? Hakdog! Mag iisang oras na kaming dito ni Em" ayan na! Umiinit ulo niya habang akin lumalamig!
"Inay, brain freeze?" Sabi ni Em sabay kuha nang milktea ko na hindi ko pa tuluyang naubos
"Ay hindi! Umiinit ulo ko!" Sarcastic kong sabi
"Ayt!" Sabi niya dahil hinablot ko yung milktea sa kanya
"'Bat ang init nang ulo mo?" Tanong ni Em
"Kasi pumunta si Bianca a.k.a pugita sa bahay kasama yung ninuno niya na girlfriend nang kuya kong abnormal kung manginis sakin!" Inis kong paliwanag
"Hala! Kwento ka dali!"
Ayan na nga ang sinasabi ko! Huhu, long story na naman 'to!!!
********************
A/N- sorry sa mga typo errors, peace tayo
BINABASA MO ANG
COMPLICATED LOVE STORY
Teen Fiction"Mahal kita" ayan ang sabi ni Nicole pero hindi niya alam kung totoo nga bang mahal niya ang lalaki o hindi dahil nalilito siya kung sino ang kanyang mahal Merong isang babae na nagmahal pero hindi siya ang mahal nang minamahal niya pero sa isang ig...