CHAPTER ELEVEN

5 3 14
                                    


Chapter eleven

Nang nakauwi na ako sa bahay sinermonan agad ako ni mama at ni kuya!

Aba! Ako nga yung kawawa sa pinaggagagawa nang kapatid nang GF ni kuya! Kesyo daw na dapat maging nice ako sa kanila kung alam lang nila kung ano ginawa sakin nang Bianca na yun!

Di nalang ako naghapunan kasi baka pati sa hapag sermonan na naman ako! Pero nakakain na ako sa mall kanina biruin mo? ₱1,550 yung nagastos ko sa pagkain lang yun, ahh wala pa dun yung binili kong dalawa na libro at pamasahe ko!

Kakabihis ko lang nang pantulog ko nang may biglang bumato sa bintana ko binalewala ko lang yun kasi baka mga lasing lang yun sa labas pero nagtaka ako nang may biglang kumatok sa bintana ko nilingon ko yung bintana at may nakita akong lalaki na naka-hood at nakamask yung mukha. Right there I saw his serious eyes staring at me...

Kinusot ko lang yung mata ko na baka namalik-mata lang ako sa nakita ko nang nilingon ko yung bintana wala na yung lalaki na sumira sa puso ko...

Binalewala ko na lang muna yung nakita ko kasi baka di pa ako makatulog kawawa tuloy yung mga mata ko may eyebags na nga dadagdag pa, huhu

Nanood na muna ako nang YouTube nang bigla na lang akong inantok

~ZZZZzzzzzz~



"Bakit mo ito ginagawa sakin, babe? Anong kulang sakin na meron siya? Bakit mo ako niloko?!" sabi nang lalaki na mukhang pamilyar sa aking paningin, hindi ko siya sinagot dahil ako mismo ang hindi alam ang isasagot sa kanya

Napayuko nalang ako nang makita ang kalungkutan sa kanyang mga mata nasasaktan ako para sa kanya dahil naging naging matalik ko na siyang kaibigan. Ako ang nasasaktan para sa kanya dahil hindi niya deserve ang masaktan naging mabuti siyang kaibigan sakin.

"Bakit mo ako niloko?! Alam mo naman kung gaano kita kamahal!! Mahal na mahal kita, Nicole, pero ito lang ang isusukli mo?! You doesn't deserve to be loved by men like me! Binigay ko na sa'yo lahat pero ito lang ang sinukli mo?! You gave me a heartache! Ni hindi mo manlang naisip yung nararamdaman ko sa pinaggagagawa mo!" sigaw niya sakin na halos di na makahinga sa haba nang sinabi niya.

Wala lang akong nagawa kundi umiyak nang tahimik sa pinagsasabi niya, oo, ako na ang may kasalanan.

~Brizk!~~Brizk!~

Nagising ako sa panaginip ko, inaalala ko yung mga sinabi sakin nang lalaki doon sa panaginip ko pero di ko na maalala ang naalala ko lang ay ang kanyang galit na galit na ekspresyon sa aking panaginip!

Binalewala ko nlng yun kasi di naman yun totoo. It's just a dream, di naman yun magiging totoo because I'm in reality, I'm not a fictional character na kagaya sa mga libro na binabasa ko

Naligo nalang ako dahil trip ko lang maligo, gusto ko lang ma refresh yung utak ko para ready to go na si brainy para sa Math ko mamaya sa school

Nang nakapagbihis na ako kumain na ako nang agahan sa hapag at dahil maaga ako ngayon ako na muna ng magluluto nang agahan namin para makapag bawi sa ginawa ko kahapon kahit na hindi naman ako yung may mali, hays!

Nang natapos na akong magluto nang bacon, hotdog at scrambled eggs ay tsaka naman lumabas si kuya nang nakita niya ako inisnob niya ako, hay nako!

Kung ayaw niya ako nalang kakain nang niluto ko!

Nang natapos na akong kumain nag toothbrush na ako at inayos yung sarili ko

Nang dumating na yung service namin di ako ni kuya pinapansin, tss! Bahala siya dyan!

Habang nagbabasa ako nang Wattpad sa cellphone ko nahagilap nang mga mata ko si Jozhua kasama si Bianca, hmp! Di na ako bitter!

Narating na namin yung school nang walang imikan, wow! Bago 'to sa record namin ni kuya, ahh

Di na ko muna pupuntahan si Chrissy dumeretso na akong pumunta sa locker area at pinasok yung mga libro na kailangan ko para mamaya sa iba kong subjects nang nakarinig ako nang tilian ng mga babae, psh!

Sasaraduhin ko na sana yung locker ko nang biglang nahagilap nang mga mata ko si Mark, sabi na ehh kaya nagsitilian yung mga babae syempre dahil kay Mark

"Uyy, Nics, 'bat wala ka dun kila kulot?" Sabi niya sakin habang papalapit sa pwesto ko

"Ahm, wala kasi ako sa mood mag-antay ngayon" sabi ko pero lagpas ang tingin ko sa kanya nilingon niya naman yung tinititigan ko at hinarangan niya yung view

"Pabayaan mo na sila" sabi sakin ni Mark at inakbayan ako

Narinig ko yung tawa ni Bianca pero binalewala ko nalang yun kasi parang nasasaktan pa ako, ehh, I should move on now.

"Tara dun tayo sa canteen banda, bili tayo nang pampalamig, haha" sabi sakin ni Mark

"Ang lamig na nga mag papalamig ka pa! Loko ka talaga, haha" ginawa ko nalang yung nakita ko kasi kung ipapakita mo na nasasaktan ka parin wala namang magbabago

°°°°°°°°

Jozhua's P.O.V.

Nilingon ko si Nicole pero nasaktan lang ako sa aking nakita

Masaya siya sa iba at di niya ako mahal, di niya kayang suklian nag pagmamahal ko sa kanya

Iniwan ko nalang si Bianca dahil naiingayan na ako sa kanya at nang dahil sa kanya di na ako pinapansin nang taong mahal ko

°°°°°°°°

Em-Em's P.O.V.

Nang nakarating na ako kila Chrissy wala si Nicole doon, hmn... Siguro late siya

Nang nakalabas na si Chrissy wala parin si inay, baka mamaya pa yun papasok or baka may nangyari!

Ayoko sanang maging OA pero nagiging OA na ako!!!

"Oh, Em, asan si Nicole? 'Bat wala siya dito?" Tanong sakin ni Chrissy habang nagsusuklay sa kanyang kulot na buhok

"Ewan ko kung asan siya pagkarating ko dito wala siya dito" sabi ko at umupo na muna sa upuan na ibinigay nang mama ni Chrissy

Habang naglalakad kami tinext ko si inay

___________

Nay, 'bat wala ka dun kila Chrissy??
___________

Message sent!
____________

Nang nakarating na kami sa school pumunta kami nang canteen kasi bibili daw yung kasama ko nang pagkain, well bibili din ako nang BengBeng, mwehehehe

Papunta na kami dun sa canteen nang nakita ko si Nicole at Mark na nagtatawanan

Aba! Kaya naman pala wala siya dun kila Chrissy kasi nauna na siya dito para makipagtawanan kay Mark!

"Aba! Huli ka balbon! Kaya pala wala ka dun samin dahil may ka-date ka!" sabi ni Chrissy habang tinuturo-turo si Nicole at Mark

Huhu, meron na si inay na best buddy, huhu!

Nang lumingon sila samin nagulat sila nang makita nila kami!

Aba! Parang may tinatago si inay, ahh!

Ang daya niya! Dapat walang secrets! Dapat alam namin yung secrets niya!!

Tampo ako!!!!

************************

A/N- sorry sa matagal na update wala kasing internet kaya matagal yung ud ko, sorry, sorry sa typo errors

COMPLICATED LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon