CHAPTER TWO

16 3 0
                                    

Chapter two

Hala! Si crush ba yon? As in talaga?

"Ok ka lang?" tanong ni Em kay crush, doon lang ako natauhan, ihh ako dapat yung nagtanong niyan, huhu

"O-ok lang ako" wew, ang gwapo ni crush kung malapitan, hehe

"Ikaw yung bago, diba?" wow, kailangan pa bang tanungin yan, Chris?

"Ahh, oo, hehe" sabi ni crush, uwah ang ganda nang boses niya!

"Uyy, ikaw ba yan, nics?" ahhh, sampalin niya na ako, now na!!!! Pinansin ako ni crush, uwahhh!

"Uyy, nene, tinatanong ka" untag sakin ni Em habang yung kamay niya winawagayway niya sa harapan ko

"Nicole! Sinapian ka ba nang mga demonyo na galing kila Mark?" saad ni Chrissy sakin habang yinuyogyog ako, huhu, totoo ba toh?

"~masamang ispiritu lumayas ka~" wait sino yung kinakantahan nila Chrissy?

"Uyy, nu ginagawa niyo sakin?" tanong ko at yung dalawa may mga rosaryo pa, ang lakas nang dating? Ano tawagan ko na ba si Ed Kaluag?

"Em, bumalik na sa dati si Nicole!" sigaw ni Chrissy kay Em, hays kung di ko lang sila mga kaibigan siguro napagkamalan ko na sila yung sinasaniban, psh, habang sila Chrissy at Em-Em ay nag-uusap nakatingin lang si Jozhua sa kanila nang biglang dumating si Venice

"Emy, can I join you?" wews, english ngayon si kitty, ahh

"Sure, kit" ako nalang yung nag sagot sa tanong niya, yung dalawa parang di narinig yung sinabi ni Venice mga busy kakasearch about sa pagpapalayas nang masamang ispiritu

"Uyy, Joz, 'bat ka lumipat dito sa school?" tanong ko kay Jozhua, haha, kahit crush ko yan di ako nauutal, wahaha, happy lang selp?

"Ahm, sabi daw ni mama maganda daw dito at tsaka scholar ako dito, hehe" sabat naman niya sakin habang yung tatlo nanood nang kung ano sa laptop ni Em, psh, sana all may laptop

"Ahh, kailan ka pala lumipat dito" tsaka ko sinenyasan siya na maupo sa harapan ko banda

"Ahm, kahapon lang" ahh, kaya naman pala wala pa siyang uniform

Malamang selp! Bagong lipat nga, ehh!

Ayt! Bistek 'tong utak ko!

"Ahh, dito ka nalang kumain" nasabi ko nalang, wala kasi akong masabi, haha

"Ayy, asan pala yung kuya mo?"

"Palabas na ata yon" sabi ko, habang nilalantakan yung sandwich kong dinala tsaka ko nilapag upyung isa sa harapan ni Em

"Thanks, besty" sabi niya sakin habang nakayptutok yung mga mata sa screen nang laptop

"Doon nalang ako sa kuya mo sasabay, nics, bye" nu ba yan, di ko pa nakakasabay na kumain si crush, pwera nalang nung kumakain kami nang ice candy dati, huhu

Pinatuloy ko lang yung pagkain ko nang binili kong sopas kanina, nang bigla nalang na sumigaw si Chrissy pero di masyadong malakas

"Ano?! Isa siyang Journalist? Omg!" wews, kailangan pa bang isigaw??

"At isa rin siyang swimmer? Omegerd!" wow, sumegunda rin si Em, psh, mga stalkers talaga kahit kailan kay crush, hmp, dapat ako lang yung nangs-stalk

"Uyy, sinustalk niyo ba yung cru--- ayt kababata ko?" tanong ko sa kanila, psh, di yan aamin oh

"Ehh, ahm, hindi" sabi na ehh di sila aamin, tsaka ako tumingin kay Venice na nakatingin din sa screen nang  laptop

"Uyy, baka matunaw yang tao na yan na sinustalk niyo, gwapo ba? Haha, sino yan Venice? Yung lalaki kanina dito?" tanong ko sa kanya, tumango lang siya, psh, sabi na ehh

COMPLICATED LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon