Chapter nine
Hindi ko maintindihan kung bakit nandoon siya sa panaginip ko at bakit ko naman siya lolokohin?
As usual sabay ulit yung barkada na pumuntang school kasama yung tatlong barkada ni Mark, kanina pa ako lutang kasi puro bakit nalang yung nasa isip ko, aish!
Pumasok kami sa school nang lutang parin ako, hays
"Uyy, inay, ayos ka lang?" doon lang ako natauhan nang sundotin ako ni Em
"Ahm, ok lang ako, hehe" sabi ko nalang pero hindi kumbinsido si Em
"Mukhang ang lalim nang iniisip mo kanina ka pa kaya" sabat naman ni Chrissy
"Uyy, ano pinaguusapan niyo dyan??" Tanong ni Miggy, aish! Chismoso talaga 'tong kumag na to!
"Umalis ka nga dito! Usapang babae toh!" Taboy sa kanya ni Em
Dumeretso kaming tatlo sa classroom nang humiwalay samin sila Mark
"Uyy, Nics, pwede mo samin sabihin kung ano probs mo" kulit sakin ni Em
Sinenyasan ko silang dalawa na doon kami uupo sa upuan ko, nang nilagay na nila yung mga bag nila sa upuan nila pinalibutan agad nila ako
"Anong probs mo, Nicole?" tanong sakin ni Chrissy
Sinabi ko sa kanila yung panaginip ko halata sa mga mata nila ang gulat
"Wayt, ibig sabihin niyan is Deja Vu yung nangyayari sa'yo?" Tanong ni Em
"Pano magiging Deja Vu yun kung hindi pa kami?" Sabi ko kasi nakakataka naman ata
"Hintayin mo kaya yung tamang panahon kung kailan magiging kayo, oh diba?" Sabi ni Em, aish!
Tama nga dapat hintayin ko nalang ang tamang oras na iyon
Natapos ang klase at break time na.....
At as always parating merong roses na nakalagay doon sa locker ko pero pano niya nalalagay yung roses na iyon sa locker ko? Meron kayang lock yung locker ko
Hayz, tinatago ko parati yung roses na nanggagaling sa secret admirer ko, haha, para remembrance
"Uyy, remember niyo, ahh, mamaya maglilinis tayo nang canteen" paalala ni Em. Ay! Oo,nga pala maglilinis kami nang boung canteen, tsk
Kumakain kami nang tahimik nang dumating sila Mark, hay buhay! Nandito na naman yung dalawang tropa ni Mark,psh! Kumukulo parati dugo nang dalawa kong beshies, ehh
"Wats up, pancit!" supalpal ni Jeric
"Uyy, m and m's may chocolate ka?" aba! Ako lang ang may karapatang tawagin nang ganyan si Beshy!
Napahinto nalang yung dalawa sa pang-iinis kila em nang may lumipad na notebook at bag, wews talagang inis na yung dalawa, haha
"Umalis na ngalang kayo dito kung wala kayong magawang matino!!" Inis na sabi ni Chrissy, hala! Beast mode na si Beshy!!
"Mark, paalisin mo nga yang mga KUMAG mong kaibigan, K. U. M. A. G. ayan all caps lock yan! Para dama nang dalawa!!" sabi naman ni Em, uwaaaaa!!!! Lagots sila neto!!!
Tumakbo agad yung dalawa dahil alam nila na hahabulin sila nang dalawa, haha, mga tal-it!!!
"Hahahaha, parang di mga lalaki yung dalawa na yun, ahh, haha" tawa ko, kasi isa lang yung ganyan samin, ehh, si Gabriela Silang, hahahaha
"Ganyan naman yung dalawa na yan, haha, kung nainis na nila yung target nila tatakbo yan sila, haha" tawa din ni Mark, haha
"Psh! Buti nga yan sa kanila, mga akala mo mga siga!" Inis na sabi ni Chrissy, hay mga high tempered talaga itong dalawang 'to!
°°°°°°
Jozhua's P.O.V.
Parang nasasaktan ako na nakikita ko na may ka-close nang lalaki siya wala naman akong karapatan na pag bawalan siya na makipagkaibigan sa lalaking yon
Unti-unti kong na realize na iba pala ang mahal ko. Nadala lang ako sa tukso noon kaya jowa ko si Bianca ngayon, totoo yung mga chismis na nag break na kami ni Bianca pero naaawa ako sa kanya nang makita ko siyang umiiyak nang dahil sakin kaya kami na naman pero ang totoo hindi ko siya totoong mahal
Ngayon nandito ako sa tabi nakamasid sa taong totoo kong mahal pero ano yung ginawa ko? Binalewala ko yung feelings niya para sakin, nararamdaman ko na mahal niya ako simula nung mga bata pa kami kaya lang iniignore ko lang kasi bata pa siya
Kaya heto ako ngayon nakatanaw sa kanya na masaya na siya sa iba, hay
Umalis na ako sa pwesto ko bago niya pa ako makita
Hintay-hintay lang babalik din ako, kukunin ko ang dapat saakin
*********
Em-Em's P. O. V.
Hmn... parang meron akong feeling na may nagmamasid sa amin or should I say sa kasama ko, kasi I have a strong feeling na merong naka masid samin, ehh
Wew, ano ka selp?? Manghuhula?!
Pero binalewala ko lang yon baka guni-guni ko lang yon, siguro epekto na 'to kakabasa nang mga binabasa kong may SPG, hala!
"Guys, punta tayo sa mall? Bili tayo nang books baka meron na doon" sabi ni Nicole
And speaking of Nicole isa rin siya sa iniisip ko, naku-curious ako sa panaginip niya! Yun daw na meron daw siyang niloloko na lalaki, finally meron na kaming Lolo ni Chrissy!!
Happy na ako nun kung meron na akong tatay, haha
Pumunta kami sa mall tas meron kaming pinuntahan na bookstore, pagpasok namin tumambad samin yung mga bagong libro na bagong deliver, yieee! I'm so excited na!!
Nag si hiwalayan kaming tatlo para makapag pili nang libro na bibilhin nang matapos kaming pumili nang libro binayaran na namin tas bumili muna kami nang pagkain sa food stalls
Habang kumakain kami may nakita akong lalaki na may kaakbay na babae, wow sana all may jowa!
Wait! Parang may kamukha yung lalaki, si..... wait 'bat nandito siya? At meron siyang bago?!
Wat da pak?!
"Guys! Alert! Alert! Womanizer detected!" di kalakasan na sabi ko sa kanila
Napalingon naman sila na tinitignan ko pero nangunot lang yung noo nang dalawa nang tignan ko nawala siya, hala!
Wag niyong sabihin na multo yon?
Huhu, mami!!!! Help!!!
"Anong pinagsasabi mo dyan em? Wala naman, ahh" takang sabi ni Chrissy habang umiinom nang milk tea
"Oo, nga, hala! Baka may third eye ka?" sabi ni Nicole habang ngumunguya nang siomai
Weh? Pano ako magkakaroon nang third eye? Ehh, totoo namang nakita ko si Jiro! Yung wagas siyang magpaka-misteryoso
I wonder kung sino siya pero parang nameet ko na siya, ehh
Hmn... Ano kaya ginagawa niya dito?
Hala ka selp! Kailan ka pa naging interesado sa lalaking yan?
Naku! Kung hindi ko lang utak yung nagsabi nun uupakan ko yun!
Nakakacurios naman kasi yung lalaking yun! Ang tahimik kala mo hangin ka lang na di ka niya nakikita
Well, mang s-stalk nalang ako sa kanya, mwehehehe, curios lang si selp, ehh
Curious din ako kasi ang gwapo niya! Mas gwapo pa kay Jozhua! Ayt! Pag malaman 'to ni Nicole babatukan ako nun, huhu
Kawawa si brain maaalog! Huhu
************
A/N- sorry kung lame, sorry din sa typo errors, hehe
BINABASA MO ANG
COMPLICATED LOVE STORY
Teen Fiction"Mahal kita" ayan ang sabi ni Nicole pero hindi niya alam kung totoo nga bang mahal niya ang lalaki o hindi dahil nalilito siya kung sino ang kanyang mahal Merong isang babae na nagmahal pero hindi siya ang mahal nang minamahal niya pero sa isang ig...