Chapter 1

18 1 0
                                    

"Maria, hanggang lunes lang tayo doon kaya wag kang magliwaliw masyado. Nandun lang tayo para bumisita sa pinsan natin" Sabi ng pinsan kong ililibre ako papuntang paris.

Malapit na kasing manganak 'yung isa ko pang pinsan sa father side. Kaya kami pupunta dun kasi walang mag-aalaga sakanya pati na rin sa baby kasi naglayas siya matapos niyang malaman na buntis siya sa boyfriend niya. Hindi ko alam kung bakit pati ako ay kailangan isama, eh,  nananahimik lang naman ako dito sa bahay nang biglang sinabi ng pinsan ko na mag-impake raw dahil pupunta kami ng paris. Actually, this is my first time na makapunta ng ibang bansa. Although nakakapagtravel kami around the luzon nga lang. Hindi pa kami nakakalayo masyado kaya masasabi kong sanay na ako sa byahe-byahe. Hindi nga lang sa ibang bansa.

Grabe 'yung kalabog ng dibdib ko nang malaman kong aalis kami papuntang ibang bansa. Ang pagkakaalam ko maganda ang bansang France. Tsaka hindi mga pinoy ang makakasalamuha mo dun kundi mga french. Kahit meron man kaunti lang, 'yun lang ang alam ko.

Pero nang makarating kami sa lugar kung nasaan ang pinsan ko ay napakaraming pinoy. Halos buong compound ay mga pinoy ang nakatira. Maging ang pinsan ko ay pinay din. Nabuntis lang siya ng isang french. May mga lugar kung saan maraming pinoy pero hindi ko mabasa kung anong lugar iyon. Hindi narin ako nagtanong dahil ilang araw lang naman kami dito.

Habang nag-aayos ako ng mga gamit ay umalis ang dalawa kong pinsan para daw ipatingin sa doctor kung maayos ang lagay ng baby niya at makabili din ng gamit. Malapit na manganak ang pinsan ko pero ngayon palang siya mamimili ng damit. Maliban kasi sa siya lang mag-isa ay natatakot siyang husgahan kahit na nasa ibang bansa naman siya. 20 na ang ate ko. Habang ako naman ay 17 at ang kasama kong pinsan na pumunta dito ay 25. Kahit na malaki yung agwat ko sa kanila ay itinuturing ko silang bestfriend kahit na may agawat kami sa isa't isa yun nga lang may respeto parin.

________________

"Maria! Ang pinsan mo nanganak na!!!"

'Yan ang narinig ko matapos akong tawagan ni Ate Michelle. Nang marinig ko 'yun ay dali dali akong nagtungo sa hospital na sinabi niya. Mabuti nalang ay tinuruan nila ako kung anong dapat gawin kapag may hindi magandang mangyari. itinuro nila sa akin kung nasaan ang police station at syempre tinuro rin nila ang daan papuntang hospital. Alam naman namin na mangyayari 'to pero hindi ko parin maiwasan ang mag-alala at mataranta.

Matapos kong magbayad sa taxi ay agad akong nagtungo sa silid kung saan namamalagi ngayon ang ate matapos manganak.

"Maria. Babae ang anak ni Patricia. Napakagandang bata. Mana sa tatay nga lang pero hayaan mo na. Violette Geneviève ang pangalan. isinunod ng pinsan mo sa pangalan ng tatay ng bata." Sabi ni Ate Michelle. Gaspard ang pangalan ng tatay ni baby violette at masasabi kong gwapo nga ang tatay niya at maganda naman ang pinsan ko kaya maganda din ang kinalabasan.

HABANG nagliligpit ng pinagkainan dahil kakatapos lang namin maghapunan ay nanunuod kami ng balita. French channel pero yung salita ay tagalog na sinadya para sa mga pinoy na manunuod.

"Ang kilalang BTS ay magtatanghal dito sa Stade de France ngayong June 8, 2019 para sa kanilang Love Yourself: Speak Yourself"

natigil ako sa pagkilos nang marinig ko iyon. Ilang taon na akong fan nila pero hanggang ngayon ay hindi ko parin sila nakikita. Although it's possible kasi malapit lang kami dun sa lugar kung saan sila mag peperform ay wala kaming sapat na pera para makapasok dun. In short wala akong pambili ng concert ticket. At tsaka pumunta kami dito para magbantay at mag-alaga hindi para lang manuod ng concert ng BTS. Nang maisip ko iyon ay agad akong nalungkot at ipinagpatuloy ang paglilinis.

Ilang taon na akong naging fan nila pero maski anong official merch nila ay hindi ko magawang makabili. Hanggang poster nalang ang kaya ko ay sa bangketa pa. Kaya ko naman talaga pero sa estado ng buhay namin mas pipiliin ko nalang ibili ng pagkain at ipunin para sa kolehiyo.

Hindi kami mahirap at hindi rin mayaman pero sakto lang para makakain ng tatlong beses sa isang araw. Pero mas gugustuhin kong itabi nalang iyon kaysa sa bilhin ng album nila na alam kong masasayang lang kasi matatambak lang sa bahay. Wala kasi kaming dvd player kaya hindi ko mapapanuod 'yung cd at maraming daga sa bahay baka kainin lang nila. Ayaw ko naman mangyari 'yon kaya nag-aaral ako ng maayos para pagdating ng panahon ay mabibili ko na lahat ng gusto ko.

"Maria" Tawag ni Ate na hindi ko na nga namalayan na nasa tabi ko na pala siya. Masyado ata akong naapektuhan ng lungkot ng katotohanan.

"Bakit po?" Kaagad ko naman pinagpag ang aking mga kamay at agad na tumingin sa kanya.

"May kailangan po ba kayo?"

"Ayos lang ba sayo na ikaw lang ang umalis? I mean hindi kita masasamahan? Ayos lang ba sa iyo na mag-isa kang aalis?" Saad niya kaya nagtaka ako. Para saan? Siguro para mag grocery ata kasi wala na kaming stock ng pagkain at may bago nang miyembro ng pamilya.

"Ano po ba 'yun? May bibilhin ba ako sa labas, Ate michelle?" Tanong ko sa kanya, baka nga siguro may ipapabili lang siya.

"Nakabili kasi ako ng ticket at gusto ko sanang gamitin mo. Tutal ikaw lang naman talaga ang makakagamit nu'n. Para naman kasi 'yun sa'yo" Sabi niya. Mas lalong kumunot ang nuo ko sa narinig.

"Ticket para saan? Papaalisin mo na ba ako sa bahay? Akala ko ba hanggang lunes tayo dito, Ate? Miyerkules palang ngayon, Ate. May apat na araw pa tayong mag-i-istay dito sa paris." Sabi ko sakanya. Bakit parang biglaan yata?

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin" Kaagad naman itong tumawa ng malakas na para bang may nakakatawa akong nagawa. Which is alam kong wala naman. I'm just confused.

"Ang ticket na sinasabi ko ay ang ticket ng BTS Concert. Kaso pagtyagaan mo na nasa standing area lang yung nakuha ko." Sa sinabi niyang 'yun para akong nasa langit.

Grabe ang tuwa na naramdaman ko ng gabing 'yun kaya hindi ako kaagad nakatulog ng maayos maliban kasi sa excitement na naramdaman ko ay nandun ang namumuong saya mula sa puso ko. At sa wakas makikita ko na rin sila ng personal.

EuphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon