Chapter 3

14 0 0
                                    

"Jungkook! Let's go!" Sabi ni Namjoon nang makitang may hinahanap ito sa crowd. It's like he's finding something on the audience.

"Ok!" sigaw nito at tumakbo pabalik sa harap. Hindi pa nito nagawang ngumiti dahil sa paghihinayang pero nang makalapit ito sa iba pang members ay saka lang ito ngumiti pero bakas parin sa mukha ang paghihinayang.

'I can't see her. where did she go?' tanong nito sa sarili ng hindi niya nakita ang maski anino ni Maria.

'I don't know but why I'm looking for her?' Hirap na hirap siya sa kakahanap ng rason kung bakit siya malungkot sa ganoong maraming tao sa paligid niya na naging dahilan ng kasiyahan nito. 'Did I just like her, Instantly?' tanong nito sa sarili na agad naman natigilan. Imposible, kakakilala ko lang sakanya kahapon. It's Impossible.

It's day-2 of our concert here. Masaya and I really enjoy these moments of us. It's a biggest achievement that I got this year. Alam ko na marami pang mas ilalaki d'un at tulong iyon ng armys. Performing in front of a lot of armys is my biggest inspiration. Alam kong marami pa kaming taong hindi nakakasalamuha pero nagsusumikap akong makagawa ng paraan para makita nila kami even if  it's not personal.

IT'S BEEN ONE WEEK since I attended the BTS concert in paris. At nakauwi na rin kami ng Pilipinas. Nakauwi na rin ang pinsan ko mula sa hospital pero hindi pa siya pwedeng mag-ga-ga-galaw kaya sinama nalang siya ni Ate Michelle dito sa Pilipinas para mabantayan namin. Kaso nga d'un sila nanirahan ng panandalian sa bahay ni Ate Michelle. Hindi kasi sila pwede dito sa bahay lalo na 'yung baby maliban kasi sa malapit ang bahay ni Ate Michelle sa Hospital ay masyadong maingay dito baka hindi makatulog ng maayos ang mag-ina. Kasama nga pala si Kuya Gaspard sa pag-uwi dito sa Pilipinas sinama siya ni Ate Patricia at tsaka nanilbihan ito bilang isang Private Driver sa isang Village.

Mahigit isang Linggo ko na ring nakita ang BTS pero hanggang ngayon ay napakasaya ko pa rin. Sila mama at papa pala ang nagbili nung ticket. May nag-offer sa kanilang isang kaibigan na nagtatrabaho bilang isang Ticket Seller. Legit naman, kaya mapagkakatiwalaan.

Pero sa higit isang linggong nakalipas hindi pa rin mawala sa isipan ko si Jungkook. Grabe pakiramdam ko para akong nananaginip ng gising. Which is laging kong ginagawa pero iba parin pala kapag totoo na. Para akong nakakita ng isang anghel na mula sa langit at bumaba sa lupa para lang makabangga ko. Grabe pala ano? kapag koreano, napaka-kinis HAHAHAHA.

Ipinagpatuloy ko nalang muna ang paglilinis ng bahay kaysa sa pagmumuni-muni at pagpapakilig sa sarili. Never in my life i've been happy like this. Hindi ko alam kung mauulit pa ba ito. kase ang ganitong pangyayari ay once in a lifetime kaya dapat ti-ni-treasure. Being able to attend a bts concert is like you're winning a Jackpot Lotto. It means swertihan lang. Lalo na sa ganitong estado ng buhay namin. Kaya mas lalo akong nagsusumikap na makapagtapos ng pag-aaral at makita sila sa personal ng hindi iniisip ang pera.

"Maria! Magluto kana!" Sigaw ni Mama mula sa itaas. Mula nung nakatungtong ako ng edad na 17 ay nasa akin na lahat ng responsibilidad ng gawaing bahay. Tinanggap ko naman dahil maliban kasi sa ako lang ang babae sa'ming magkapatid ay tumatanda na si mama at mas nagiging abala na din ito sa pagtitinda sa palengke.

Kami ay may simpleng buhay lamang. Ang mama ko ay isang tindera sa isang palengke dito sa amin. Tindera siya ng isda. Habang si Papa naman ay isang empleyado sa isang kompanya ng Sardinas. Siya ang taga-tingin ng stocks at taga bilang ng listahan ng mga dumarating ng kaban ng isda mula sa dagat. Ang kapatid ko naman ay isang grade 9 student habang ako naman ay grade 12 na. Simple lang ang buhay namin pero hindi kami mahirap. Sakto lang para sa isang pamilyang nakakain ng tatlong beses sa isang araw.

Isa akong honor student sa school namin. Isang normal na estudyante na gustong makapagtapos ng pag-aaral. Pero nang makilala ko ang BTS ay nag-iba ang lahat. Naging magiliw ako at mas lalong ipinagpapatuloy ng maayos ang pag-aaral ko. Actually kaya lang naman ako naging honor student ay dahil 'yun sa BTS. Nagsumikap ako ng maayos para makakuha ng mataas na marka. Sila ang dahilan kung bakit ako nasa Rank 1 ngayon. Sila rin ang naging dahilan kung bakit ako nagkaroon ng inspirasyon na mag-aral.

They gave me a reason to live. Sila ang dahilan kung bakit nagiging masagana at maganda ang buhay ko although wala man sa pera pero mentally and emotionally ay pinapasaya nila ako.

Sila ang rason kung bakit ipinagpapatuloy ko ang buhay ko kahit na may sakit ako. I have this called Arrhythmia which is having a slow or fast heart Beating and sometimes it beats irregularly.

Which is it's hard for me to Breath. Mahirap ang magkaroon ng kumplikasyon sa katawan lalo na sa puso. Having this kind of disease is like you're living but not normally breathing. Minsan mabilis ang paghinga ko kahit naglalakad lang ako ng mabilis. Pero minsan ay nakakaligtaan ko na may ganito akong klaseng sakit.

When it comes to bts I feel like I'm a normal person who can't jump, run and breath normally. Nung naka-attend ako ng concert nila laking pasalamat ko nang hindi ako inatake ng kahit anong sakit. I just enjoy the view and I enjoy how they enjoy their selves while performing. Hindi ako nagtatalontalon at nagwala na parang katulad ng mga katabi ko I just watch. 'Yun lang but I enjoy, and I did a lot.

EuphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon