[AYANE]
Sinundan ko si Ryu hanggang sa rooftop ng building ng Year namin.
Tumayo sya dun malapit sa edge, ako naman ay nagtago sa pinto, di naman pansin kung may tao dito sa pwesto ko pagnandun ka sa pwesto nya eh. Tumingin sya sa langit. Nakaganun lang sya dun ng isang minuto. Ano kayang iniisip nya?
Maya maya ay nilaro nya ng sapatos nya yung coke in can na nakakalat sa sahig.
Nacucurious ako sakanya. Dahil tahimik lang sya lagi at walang emosyon. Pero kanina bigla akong nakakita ng lungkot. Does he have his personal problem, O si Kei at Vina ang problema nya? I doubt it. Diba best of friends sila? Bakit naman sya malulungkot na sina Vina at Kei na?
Is it because ....
*Craaaassh!!*
Inapakan ni Ryu yung lata ng malakas kaya lumikha ito ng nalakas na tunog.
"Bakit mo ko sinundan?" Mahinahong sabi ni Ryu.
Huh? May kausap sya? Pero nasan? Wala naman akong nakikitang ibang tao.
"There's no need to hide. You're too obvious." Sabi pa ulit nya.
Teka?!
Alam naba nyang nandito ako?!
"Don't push me to drag you here. Just show yourself TRANSFEREE." May diin yung pagkakasabi nya ng Transferee. So I assume na alam na nga nya na nandito ako.
Lumabas ako sa pinagtataguan ko.
"Why?" Tanong nya. Pinopoint out nya yung pagsunod ko sakanya.
I shrug. "Out of curiousity?"
Tinaasan nya naman ako ng kilay.
"Curious about you being affected with Vina and Kei." Diretsahan kong sabi.
I am not good with lying. So I prefer to be honest most of the time.
Nakita kong nagulat sya sa tanong ko. Pero agad din nyang binalik ang emotionless nyang mukha.
"It's none of your bussines." Sabi lang nya at agad umalis. Ganun lang yun?
Haayst. Wala palang kwentang kausap yun eh.
Masyado syang paMysterious effect.
Paalis na rin sana ako nang may mapansin akong pitaka.
Syempre pinulot ko agad.
Don't think na gipit ako huh. Alangan naman iwan ko to dito diba?
Pagbukas ko ay nakakita ako ng ID Sa loob.
VINCE CLARENCE FAUZiA
Okay... Wala naman tao dito. Dalhin ko nalang siguro sa Lost And Found.
Masyadong malaki ang school kung aasa akong makikita ko yung may ari nito dito sa Building namin.
Di pa naman siguro ako late noh?
Napatingin ako sa relo ko.
Ow! Shooot! 5mins nalang before magstart ang klase. Mamaya ko nalang dadalhin sa Lost and found to.
I run as fast as I can para makarating agad sa room.
---
Lunch Break..
"Ate Ayane. Tara na! Gutom na ako." Sabi sakin ni Vina habang iniipit ni Kei ang buhok nya.
"Mauna na kayo. I just need to do something. Susunod agad ako." Sagot ko naman sakanya.
BINABASA MO ANG
Angelic Devil
RandomI am a well-known Casanova. 1st year High School and yet I am already titled as a Casanova? Well, I don't care. Girls come to me and they beg for my Love.