- N -

124 4 0
                                    

[AYANE]

"Aray! Takte! Intindihin mo kasi yang sugat ko na nililinis mo! Di yung paCute ka ng paCute dyan!" Inis kong sigaw dito sa babaeng Nurse.

Putakte naman kasi! Kanina pa nagpapacute kay Tan, ito namang Tan na to, Enjoy na enjoy pa.

Don't get me wrong. Wala akong paki kahit maghalikan pa sila sa harap ko! Ang concern ko lang, sana tapusin nya munang linisin yung sugat ko!

"Sorry po.." Namumutlang sabi nung Nurse  Napahiya eh. Tsaka kilala nya ako. Only Daughter ako ng owner ng school eh.

Tss. Kung ordinary spoiled Brat ako, malamang isusumbong ko to sa Daddy ko para mapatanggal to. But then, I am not.

Tinignan ko naman yung lalaking ngiting ngiti.

"Hoy! Di kapaba papasok?!" Sigaw ko sakanya. Nawala naman agad ang ngiti nya at gulat na tumingin sakin.

"May klase kapa diba? Umalis kana." Pagtataboy ko.

Nakita ko namang unti unting nawawala ang gulat sa mukha ni Tan.

"Tinatamad ako pumasok. At isa pa, maganda ang view dito." Kalmado nyang sabi at kinindatan pa ang nurse.

Kinilig naman tong nurse na to. Tss.. Nakakadiri sila.

"Hoy ikaw!" Kuha ko sa atensyon nung nurse na parang kinukuryente. "Ibenda mo na kamay ko nang makaalis na ko dito." Tinignan ko sila pareho. "Nakakadiri kayo."

Totoo naman ah. To think na mas matanda yung nurse ng 5years kay Tan. Tsk!

Dali-dali naman nyang binalutan ang kamay ko. Okay na pala eh. Ano pa yung kinukutkot nya kanina?! Ang sakit na ng sugat ko at parang mas grumabe pa nga!

Pagkabalot ng kamay ko ay lumabas na ako agad. May sinasabi pa yung nurse bout dun sa gamot daw na iinumin ko tsaka kelan ko dapat linisin kamay ko. Pero sukang suka na ko kanilang dalawa dun kaya di na ko nagsayang pa ng oras ko.

I'm on my way papunta sa room nang makasalubong ko si Dela Vega. Nakaupo sya sa pinakababa ng hagdan at nakatungo.

Mukhang di nya napansin na may tao na sa harap nya dahil nakatungo padin sya.

Tumuloy ako sa paglalakad. Ano naman kayang problema ng isang yun?

Di sya pumasok sa klase nya?

Di kaya iniisip padin nya yung nangyari sa caf kaya sya ganyan? Teka! Ano bang paki ko sakanya?!

.

.

.

.

.

.

.

Tuloy ako sa paglalakad.

.

.

.

.

Pero bumalik din ako nung nasa 10th step na ko. Hayst! Umatake na naman pagiging tsismosa ko.

Nung nasa tapat na nya ako ay nakatungo padin sya kaya sinipa ko sya sa paa.

"Hoy!" Tawag ko pa sakanya.

Mukha namang nakilala nya ang boses ko kasi bigla syang napatingin sakin at napatayo.

"A-ayane..."

Tinignan ko lang sya at hinintay magsalita pa.

Napakamot naman sya sa batok nya. Grrr! Is he trying to be cute?!

Angelic DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon