Chapter 1- Pancakes

14 2 0
                                    

Ang Seatmate Kong Antipatiko

Chapter 1- Pancakes

× Monique Soliman ×

"Hoy. Tulog mantika talaga 'tong batang ito. Anak, gising na." mahimbing na gising sa akin ni Mama. Kahit ganito ako matulog, mahaba pasenysa ni Mama sa pag-gising sa akin. And that's good news.

"Ma, may pancake?" huwag mag-judge! Gutom lang talaga ako. Sino bang ayaw gumising nang sasalubungin ng isang plato ng pancake para iwasan ang inexpect mong kamalasan mo sa sa school?

Diba? Pancakes and Mama, sila yung gamot sa maala-bad trip kong mga oras sa BLH, Blue Lilac High. Pero wala namang Lilac na blue right? O may sayad lang talaga yung nakaisip?

"Oo naman anak! Nakaprepare na. Bumili rin si Papa kanina ng Chocolate syrup para sa pancake. Kaya bilisan mo na!" i feel it. Nararamdaman ko na yung sarap nang pagkahalo ng lasa ng pancake at syrup.

"Uy! Gising kana't lahat, naglalaway ka pa rin diyan!" automatically, mapunta ang kamay ko sa gilid ng bibig at napahiya sa harap ng sarili kong Mama. Oh siya pala si Therése Soliman.

Ang tagaluto ng biyaya mula kay Papa God. Pancakes are just...hart hart. Gutom na ako at gusto ko nang gawing mabilis ang araw ko ngayon.

"Alikana nga!" hinila ko si Mama palabas ng kwarto at papunta sa dining room. Simple salo-salo lang iyan mga ate't kuya. Katulad niyan, simple lang ang buhay ko, dati.

Nasalubong ko si Papa sa dining habang nagbabasa ng newspaper with a mug of coffee. Samantalang si Mama, Milo lang. Nahuli ko kaya si Mama habang chinichibug yung isang sachet nung Milo.Hindi naman siguro magiging drugs ang Milo diba?

"Morning Pa!" sabay na hinalikan ko si Papa cheeks at binaba ang newspaper para makita niya ako.

"Morning anak!" ng dumating si Mama, nagdasal muna kami at nagsimulang chibugin ang pancakes. Chibug here, kain there, pancakes everywhere.

Pero dumating rin yung time na isa na lang yung natitirang pancake. Nagtinginnan muna kami ni Papa habang si Mama patapos na sa pag-kain.

"Your going down, down, down, down" dapat hindi ko na lang pinanood yung Phineas and Ferb ka Papa. Pati si Candace minimimick niya na rin.

Kahapon ba naman kasi, ang ginaya niya ay si Baljit. Ang sabi niya ay "Everything is just so pretty" ng makita niya ang bagong pinturang kwarto ko.

"Prepare" at doon na naming pinagsasaksak ng tinidor ang kawawang pancake habang nanlalaki na ang mga mata ni Mama.

Tinaas ko ang tinidor habang nakasingit ang pancake rito at sinubo ang natitirang pancake. Sa wakas, ako ang nagwagi.

"Now who's the man?!" sabi ko kay Papa habang nakasmirk lang siya.

"Pinagbigyan lang kita Anak" ay ganun?

"Geh, geh. Mauna na ako. Papasok pa ako sa school" malungkot napagkakasabi ko at napansing nagtataka si Mama.

"Why?"

"Nothing Ma" at tuluyan na akong nakalayo papunta sa bathroom ng kwarto ko. Padabog na sinara ang pintuan ng CR at tumingin sa reflection ko sa salamin.

Red eyes, pink ears, messy hair, laway on the face. Nahigaan ko ata kanina ang tenga ko. Bigla na lang akong naiyak sa naiisip kong araw sa Blue Lilacs ngayon.

Pangaasar, pangooffend, pangbubuwisit.

Pero sabi ko sa sarili ko "Be strong" na huwag kong kakalimutan na ako si Monique Soliman. Sobrang galit na ang nararamdamn ko sa loob ko.

Naghubad na lang muna ako at inON ang shower at heater. Naramdaman kong gumugulong ang tubig sa likod ko habang nagluluha na ako.

Hindi niyo lang talaga maiintindihan. Para sa akin, hindi naman talaga bullying ginagawa niya, demonyito lang talaga si Kenneth at kailangan nang ipaexcorcism ang katawan niya, ilagay sa isang sako,at itapon sa Pasig River.

Haayyy buhaayyy.

=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=

Nakabihis na ako at lahat sa isang crop tee na nakalagay Geek, skinny jeans, at Vans. Kinuha ko ang bag ko at sinuksok doon ang Reflection Paper na ipapapasa ko mamaya at ang phone na regalo sa akin nila Mama at Papa last week nung birthday ko.

Nakalagay rin sa backpack ko ang wallet at isang maliit na kawali (pinagdesisyonan ko na yun) for self defense.

Nakalugay na lang yung buhok ko na may pagkawavy at umalis na nang bahay.

Walking distance lang naman ang BL rito eh. Wala pang 10 minutes nan doon ka na. Bigla na lang umingay ang paligid at narealize ko na lang na nagsisigawan ang mga babae. Anong ganap? Sunog, hostage, bomb threat?

"Excuse me" biglang dumaan sa tabi ko habang binanga ako na parang invisible lang ako. Ayos 'to ah. Ay, cool kid pala eh.

Unang dumaan si Miranda, ang rich kid ng BL. Sunod si Xandra and Xyriel ang fab twins. Max at Carlos ang hotties daw ng school at yung demonyito, si Kenneth.

Ang lalakas kasi ng saltik ng mga ito eh, kaya cool kids. Lagi sila ang nasusunod. Kung ayaw nila, ayaw namin. Kung gusto nila, dapat gusto rin namin.

Once in a month, nakaka-32 na gala daw sila at minsan, nakakaabot pa daw ng Subic. Ah, okay, so bihuhat sila ni Santa, hinulog sa Subic tapos inalon sa Pasig River at nakaabot sa Marikina River.

Edi iyon nakakabalik sila ng buo pa. Kapag bawal sumigaw sa cafeteria, todo sa pag-sigaw at pag-tawa ang barkada nila. Minsan nakapatong pa nga sa table yung paa nila eh. Ayos!

Rebellion is on the go na pala. Nayamot nanaman ako at naglakad na lang papasok sa gate habang nandoon pa sila, kumakaway-kaway. Galing naman, may fandom na sila. Talo pa ata nila ang One Direction eh.

Linagpasan ko na lang sila ngnapansin kong tumahimik bigla.

"What do you are you doing?" tanong ni Xyriel habang nakakunot ang noo ko sa kayamutan.

"Breathing, walking, moving. Duh?" one point for Soliman.

"Don't you there answer with a sarcastic one dumbie"

"For your information, hindi Dumbie pangalan ko. Second, anong karapatan mo para tigilan mo akong pumasok. At pangatlo cool kids cool kids pa kayo diyan, nakakasuka" biglang tumingin si Miramsa ng masama sa akin at lumapit sa akin.

"I'll let you pass right now, pero huwag na huwag mo kaming babastusin katulad ng ginawa mo ngayon. Or else you won't enjoy your consequence." pabulong na sabi nito at pumasok na lang na parang walang nangyari.

Sumunod na rin yung mga RK at simula na ng araw na madalas na pinagsisihan ko.

**Author's Note**

Okay lang po ba? =)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Seatmate Kong AntipatikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon