Prologue

85 18 0
                                    

Busising-busisi ang mga tao sa pagaasikaso ng set dahil ngayon ay unang audition ko sa isang teleserye na dapat ay ako ang bida, kung matatanggap ako sa role.

Pucha! Sana nga tanggapin ako sa role para mas maraming opportunities.

Gusto ko ren kasi ng exposure at gusto ko ng bagong experience sa field ng acting; dahil na rin sikat akong Instagram model at influencer ay sa tingin ko ay bagay at puwedeng tanggapin ako dito sa role.

Kinuha ko ang cellphone ko saglit sa table dahil tunog nang tunog at nagvivibrate na sa dami ng notifications. Hindi na bago sa akin yon dahil nga sikat ako na instagram model at influencer.

Tinignan ko ang aking profile.

breakingdawnji

213 posts - 387k followers - 495 following

"Zelle, ihanda mo na nga yung damit ko please."

Tumango ang aking assistant para i-steam ang aking damit dahil gagamitin ko iyon mamaya.

"2 hours to prep and we'll start." sigaw ni Direk Del habang minamakeup-an ako at inaayusan ng buhok.

Nakatali ang buhok ko in a messy bun at nagsuot ako ng high-waisted ripped jeans with a Brandy Melville crop top na pinarter-an ng white Chanel bag.

Nang matapos ang pagaayos ko ay muli kong kinabisa ang aking script dahil 15 minutes pa naman bago kami magsimula.

"Hi, I'm Allen."

Tinapik ako ng isang lalaki at agad akong napabaling ng tingin sa kanya.

Maputi siya at kitang-kita ko ang matikas at pagkamasiyahin sa kanyang mukha.

"You look familiar.. I could've sworn I've seen you somewhere."

Nagiisip siya at tinignan ko sya at sinagot.

"Uhm- I'm Dawn. I think you've seen me from Instagram. I've been modelling for certain brands."

Ngumiti ako at agad rin niyang sinuklian ako ng nakakalokong ngisi.

"Oh yeah, so that's why you're so familiar".

Matagal kaming nakatitig sa isa't isa nang bigla kaming tawagin na magsisimula na ang pag-shoot.

"Ready, ACTION!"

Nagsimula na ang audition. Tumagal ang audition ng limang oras. Confident ko namang dinilever ang aking lines with emotions syempre.

"You actually did good, we will just contact you later for the details." Sabi ni Direk Del.

Shit! Sana nga makuha ko ang role ni Kath na leading lady. This is gonna be the biggest break of my career!

Paalis na sana ako nang may bumunggo sakin, tatarayan ko na sana pero nung humarap sya ay nakita ko ang pamilyar nyang mukha. Siya yung nagintroduce sakin kanina, ano bang pangalan nya? Ah oo si Allen.

"Oh, I'm sorry."

Humarap sya sakin at napaawang ang kanyang labi.

"Ikaw lang pala."

Humalakhak sya at tumingin ulit sakin.

Luh kala talaga neto close na kami agad ah!

"What a coincidence, I guess this is a sign to get your number?"

Naestatuwa ako at nakitang tumatawa na siya, napansin nya siguro ang pagka-tense ko, paano ba naman eh nakakaakit ang mga mapupungay niyang mata, saka ako natauhan sa sinabi niya.

"I'm just kidding, I'm sure we'll meet again soon."

Kumindat siya sakin at sabay na kami naghiwalay ng landas. Nag-init ang pisngi ko sa asta niya.

Habang naglalakad ako papunta ng parking lot para sumakay sa kotse ko ay nag-vibrate ang phone ko at may lumabas na notification.

Kuya Monggi messaged you.

Binuksan ko ang text message para makita iyon.

Dusk:

Dawn, sunduin mo ako sa airport bukas ng 12 pm ah.

Dawn:

Oo na basta ikaw mag-bayad ng gas ko ah.

Pinatay ko ang aking cellphone at tumungo na ako para makasakay sa black Porsche ko.

Nag-drive na ako paalis para umuwi na sa condo ko. Nang makapasok na ako sa loob ay pinindot ko ang 7th floor.

Kinuha ko na ang susi ko at binuksan ang pinto. Napa buntong-hininga nalang ako nang makapasok na ako.

Pagod na pagod ako sa audition.

Mabilis ko nang tinanggal ang suot ko at naligo. Pagkatapos ay pinagpatuloy ko na ang aking skincare routine.

Humiga na ako sa malambot kong kama at nakatingin sa ceiling. Nang tumunog ulit ang phone ko ay napangiti ako.

ryderhilton tagged you in his story.

ryderhilton

78 posts - 4,176 followers - 93 following

Tinignan ko tapos yun yung picture naming dalawa nung bata pa kami. Nag-reply ako sa IG story niya.

breakingdawnji:

Hoy anong kalokohan nanaman yan! HAHAHHAHA ang panget ko diyan bat mo pinost.

ryderhilton:

Ang cute mo kaya diyan!

breakingdawnji:

Talaga?! <3

ryderhilton:

cute mo sipain HAHAHAHHA

breakingdawnji:

punyeta ka nambwiset ka pa bala ka dyan

ryderhilton:

pikon ka paren joke lang naman yon

Gago talaga 'tong si Ry. Buti nalang talaga ay nasanay na ako sa mga kalokohan niya at baka kung ibang tao yan ay matagal ko nang sinapak.

Ngumiti ako at pinatay na ang phone ko, dinalaw na ako ng antok. Napa-pikit na ako at niyakap ko na ang unan na nasa tabi ko.


Wishing on a Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon