Tumutulo pa rin ang mga luha sa aking mga mata habang nakatingin sa twitter ko na madalang ko naman na nagagamit.
Isa ako sa mga trending hashtags na pinaguusapan nila. Nakakahiya.
Nakikita ko ang mga posts ng mga netizens.
"Leaked nudes and scandal of Dawn Adley Jimenez."
"Nakakadiri naman yan di ba siya nahiya."
"Pokpok pala si Dawn, sayang idol ko pa naman siya dati."
"Slut!"
Tumutulo pa rin ang mga luha ko habang binabasa ko ang mga posts na nakalagay sa hashtag na #DawnLeaked.
Nakita ko ang mga nudes ko. Nagtataka ako kasi hindi naman ako ang nagpicture niyan.
May video rin ito, umuungol pa ako. Hindi kita ang mukha ni Allen pero kitang-kita ang mukha ko.
Ito pala ang sinasabi ni Allen na sisira sa reputation ko.
Ang controversy ko.
Ang breaking point ko.
Nagulat ako nang may nage-mail sa akin.
Del Productions:
Dear Dawn Jimenez,
Your role has been revoked from our series. We do not condone artists with a controversy because it will tarnish the reputation of our series. I hope you understand.Mas lalo lang akong naiyak.
Ang inaakala kong biggest break of my career ay nabawi sa akin.
Mabilis kong minessage si Allen sa Instagram.
Napansin ko rin na bumaba na ang followers ko ng mga 10k.
breakingdawnji:
What the fuck did you do?!
allenjdb:
I said that if you break up with me; I'll ruin your reputation, right?
The fucking audacity of this guy!
Mabilis ko siyang in-unfollow sa aking Instagram.
Mabilis akong niyakap ni Shai na para bang alam niya na ang dahilan ng pag-iyak ko.
Mas lalo tuloy akong umiyak kasi may nag-comfort na sa akin.
What did I do to deserve this?!
Umiyak ako nang umiyak sa shoulders ni Shai habang tinatapik niya ako sa likod at hinahaplos ang buhok ko.
Nang bumitaw na ako sa yakap ay napansin kong basang-basa naman na ang damit niya dahil sa sobrang iyak ko. Nahiya naman ako bigla kaya pinauwi ko muna siya sa condo niya.
Nagulat ako nang may kumatok sa pinto ko.
Binuksan ko iyon at bumungad kaagad sa akin ang mga kaibigan ko.
Kumpleto sila. Kahit si Julia at kuya Dusk ay nandito kaya naman hindi pa rin sila nakakapasok ay niyakap ko na kaagad sila at umiyak ulit.
Niyakap naman nila ako kaagad.
Pumasok na sila sa condo nung tumigil na ako sa kakaiyak.
Binigyan naman ako ng chocolates ni Unice at medyo gumaan ang loob ko dahil gumagaan ang mood ko sa pag kain ng chocolates.
Binigyan nila ako ng mga favorite ko; M&M atsaka Ferrero Rocher.
Kinuha ko naman iyon at kinain kaagad.
Nagulat ako nang may kumatok ulit.
Pagbukas ko ay si Ry ang nakita ko. Halatang kakauwi niya lang galing ng States. Umuwi pa talaga siya sa Pilipinas para i-comfort ako.
BINABASA MO ANG
Wishing on a Shooting Star
RomanceDawn Adley Jimenez, spending her life in the eyes of the camera; with a desire to regain her reputation from a controversy, meets with a talented photographer, Jasper Tobias Buentevillo; with a desire to kick-start his career. They both wish upon a...