#2

71 15 0
                                    

Pagkamulat ko nang mata ko ay parang sinasaksak yung ulo ko ng paulit-ulit sa sobrang sakit. Yan party pa ha Dawn! Tumingin ako sa paligid ko at napahawak ako sa bibig ko.

Fuck! Hindi 'to yung condo ko!

Lumibot ang mata ko sa malinis na kwartong white at gray ang motif.

Mabilis kong tinignan kung may suot pa ako. Napa buntong-hininga na ako nung nakita kong suot ko parin ang maroon dress na sinuot ko kagabi.

May isang basong tubig at paracetamol na nakalagay sa side table at agad kong kinuha iyon para inumin.

Ano bang iniisip mo Dawn! Tangina talaga ano kayang nangyari sa akin kagabi at kaninong kwarto kaya ito.

Tinignan ko kung maayos pa rin ang mukha ko sa salamin. Shocks! Mukha akong bakulaw, lagpas-lagpas na lipstick ko at nagkalat pa yung mascara ko! Dapat talaga nagwater-proof mascara ako eh.

Mabilis akong pumunta sa CR para maghilamos at magmouth-wash.

Kinuha ko ang heels ko na nasa lapag ng carpet.

Nagbehave kaya ako kagabi? Malandi ka Dawn!

Lumabas ako nang kwartong iyon at nagulat ako nang nakita ko ang pamilyar na mukha ng isang lalaki na walang suot na pang-itaas at nagluluto sa kusina.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang humarap na siya. Naalala ko na kung anong pangalan niya.

Shit! Siya yung nasa audition, si Allen!

"Goodmorning."

Bati niya sakin nang nakangiti at may hawak pang spatula.

Mabilis niyang kinuha ang shirt niya at agad niyang sinuot ito.

"Sorry, di ko kasi alam na gising ka na."

Pagpapaliwanag niya dahil nakita niyang umiwas ako ng tingin nang makitang shirtless siya.
Sinuklian ko nalang ang bati niya ng ngiti.

"Breakfast."

Sabi niya sakin habang nilalagay ang cheese omelette at ham sa plato at binigay sakin.

Kinuha ko iyon at nagsimulang kumain.

"May nangyari ba kagabi?"

Nagulat siya sa tanong ko na iyon at parang may halong pagkainis ang titig niya sa akin. Matutunaw na ata ako rito.

"I'm not that kind of person, Dawn."

Matalim niyang sinabi sa akin.

"H-hindi naman iyon ang ibig kong sabihin eh."

Nauutal kong paliwanag.

"You were drugged by the guy you were talking to at the bar."

"Thankfully, I saw you before things started getting ugly."

Paliwanag niya sa akin.

Bigla naman akong napahiya na pinagbintangan ko siya ng mga masasama kong iniisip. Siguro nga ay hindi siya ganoong tao.

Bigla kong naalala yung mga kaibigan ko baka nagaalala na yun sa akin.

Binuksan ko ang phone ko at nakitang sumasabog na ito ng mga messages at missed calls.

Unice:

Saan ka na Dawn! tatawag na ako ng pulis pag di ka pa nagreply within 1 hour.

Typical Unice. Siya ang pinakabata sa aming magtotropa pero siya ang nanay ng grupo. Siya ang tipong magbibigay ng honest advice.

Jane:

San ka na girl? Iniwan mo kotse mo dito sa bar.

Liz:

Wishing on a Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon