Sumakay na ako sa motor ni Shai, wala daw kasi silang kotse kaya ganon.
Di naman ako nag-inarte kasi ang saya din sumakay sa motor kaso ang masama doon ay naka-dress ako; di bali na.
"Oh uwi na ba tayo sa condo?"
Mahinang tanong sa akin ni Shai.
Tumango nalang ako at hinawakan na ang baywang ni Shai.
Naramdaman ko naman ang pagtawa niya dahil nga nakahawak na ako sa baywang niya.
Baka kasi pag di ako nakahawak ay malaglag ako dito eh.
Nagulat nalang ako nang mabilis niyang pinaandar kaya napahigpit pa tuloy ang kapit ko sa baywang niya.
"Hey don't cling to me too much, alam ko namang wala akong pagasa sayo pero wag ka namang ganyan marupok ako."
Natatawang sabi niya na may halong lungkot.
Mas masaya siguro mag mahal ng isang babae dahil alam nila ang struggles ng isa't isa pero wala tayong magagawa. Straight ako eh.
Malamig ang simoy ng hangin, naramdaman ko naman na lumilipad ang buhok ko at nakita ko rin ang manila bay na dinaanan namin. I can feel the breeze and the cold wind on my face, it felt soothing. Nakalimutan ko saglit ang nangyari kanina sa amin ni Allen.
Ngayon ko lang nalaman na the best things in life are experienced within a simple life.
Dahil nga palagi nalang nariyan sa harapan ko ang mga kailangan ko at gusto ko ay di ko alam ang feeling na paghihirapan ko ang isang bagay.
Dahil nga mayroon akong kotse at unang beses ko palang makasakay sa motor ay feeling ko ay di ko alam ang mga nangyayari outside my bubble.
Gusto ko pang makaranas nang mga ganitong simple but memorable things lang.
Tumigil na si Shai sa tapat ng condo.
Pinark niya muna ang motor niya at umalis na kami roon.
"Let's go?"
Sabi niya sa akin bago kami umakyat sa 7th floor dahil nga magkatabi lang ang room namin.
Tumigil kami sa tapat ng aking kwarto. Niyakap ko naman siya bago ako magtangkang pumasok.
"Thank you."
Maikling sambit ko sakanya, sinuklian niya naman ako ng ngiti bago kami pumasok sa kanya- kanya naming kwarto.
Nilapag ko muna ang purse ko sa side table at dumiretso muna ako sa bathroom.
I am so exhausted.
Di na kinaya ng energy ko maligo pero naghilamos at skincare muna ako dahil hindi pwede i-skip 'to.
Nagbihis na ako ng dolphin shorts at simpleng white t-shirt.
Pagkatapos ay humiga na ako sa aking malambot na kama.
Feel na feel ko iyon dahil nga sobrang pagod na ako.
Kanina pa ring ng ring ang phone ko pero ngayon ko lang napansin.
Binuksan ko ang phone ko.
15 missed calls from allenjdb.
allenjdb:
I'm sorry babe
allenjdb:
Please talk to me.
allenjdb:
Please babe
allenjdb:
Di ko kaya pag di mo ko kinausap.
Napa-irap nalang ako. I'm too tired to even give a damn.
Pinatay ko ang phone ko and dozed myself to sleep.
I woke up to the sound of the ringtone on my phone.
I opened only my left eye to see who was calling me.
Nang makita kong si Jane lang pala ang tumatawag ay agad ko nang pinatay ang phone ko.
Masyado pa akong inaantok.
Nakatulog ulit ako.
Pagkagising ko ay may narinig akong tao sa kusina. Nang makita ko si Jane na nandoon ay napabuntong-hininga na ako. Akala ko pa naman ay magnanakaw o serial killer.
"Hoy kanina pa ako tumatawag sayo!"
Pagsermon sa akin ni Jane.
"Inaantok pa ako eh, nangiistorbo ka kasi sa tulog ko."
Sabi ko habang kinukusot pa ang aking mata dahil kakagising ko palang.
"Yung jowa mo nagwala sa bar ko kanina."
Sabi niya habang tinatantiya ang reaksiyon ko. Abay gago talaga yong si Allen ah.
"Anong ginawa?"
Tanong ko sakanya.
"Hawak niya daw buong career mo."
Sabi niya nang di niya naman alam kong anong ibig sabihin ni Allen doon.
Kailangan ko na sigurong makipag-break doon sa ugok na iyon.
"Makikipag-break na ako don."
Sabi ko sakanya na may halong inis.
"Ay taray heart breaker ka na pala beb."
Sagot niyang naka-ngisi pa.
Di ko nagugustuhan ang ugali ni Allen dahil masyado siyang possessive na wala naman sa lugar.
Tinext ko si Allen para makipag-kita.
breakingdawnji:
Let's talk. Starbucks malapit sa condo namin. 10 am sharp.
Di ko na tinignan pa kung nag-reply siya kasi wala na rin akong pakialam.
Kung hindi siya pumunta ay sa text nalang ako makikipag-break.
Since 8am palang ay nagchikahan muna kami ni Jane.
About na rin sa business niya sa bar niya at sa nangyari sa amin ni Allen kahapon.
"Eh gago pala yan si Allen eh sayang pogi pa naman ang trash ng attitude."
Madiin na sabi ni Jane habang pinaguusapan namin ang mga nangyari.
Iniwan ko muna si Jane sa condo kasi nanood pa siya ng netflix.
Baba na ako para makipagkita kay Allen sa Starbucks.
Pinindot ko ang ground floor.
Nakita ko nanaman ang lalaking muntik ko nang mabunggo sa elevator.
Ngumiti lang siya at sinuklian ko naman iyon ng ngiti.
Habang naghihintay ako tumigil ang elevator sa ground floor ay napansin kong puro pang breakup songs ang elevator music nila.
Malaya ka na~
Aatras na sa laban,
Di dahil naduduwag
kundi dahil
Mahal kita~
Bakit? Umalis nang
Walang sabi?
Bakit? Di siya lumaban
Kahit kaunti?
Bakit? Di ma-itama
Ang tadhana~Mabuti nalang ay tumigil na sa ground floor.
Pumunta na ako doon sa Starbucks at nakita ko na kaagad ang mukha ni Allen.
Pumasok ako doon at umupo sa inuupuan ni Allen.
Umupo ako sa harap niya.
"I'm sorry talaga babe di na mauulit, I promise."
Pagmamakaawa niya sa akin.
"I didn't come to meet up with you to hear your excuses and apologies."
"I came here just to personally give closure to us both na wala nang tayo."
Pagpapaliwanag ko sa kanya.
Nagiba kaagad ang ekspresyon ng mukha niya. Napalitan iyon ng ngising parang merong binabalak na masama.
"If you break up with me, you will regret it and I will ruin your whole life and your career!"
BINABASA MO ANG
Wishing on a Shooting Star
RomanceDawn Adley Jimenez, spending her life in the eyes of the camera; with a desire to regain her reputation from a controversy, meets with a talented photographer, Jasper Tobias Buentevillo; with a desire to kick-start his career. They both wish upon a...