#1

65 15 6
                                    

Minulat ko ang aking mata sa liwanag at init ng sinag ng araw na tumatama sa aking mga mata.

I always hated mornings, I am not a morning person. Kinusot ko ang aking mata at tumingin sa aking orasan.

Shit! 11 am na! dali-dali kong tinanggal ang makapal na comforter na nakapatong sa aking katawan at pagkatapos ay pinatay ko na ang aircon. Nagmamadali ako kasi nagpapasundo sa akin ang kapatid ko dahil uuwi siya ngayon sa Pilipinas para magbakasyon.

Dahil nga ang parents ko ay hiwalay na at yung mommy ko ay may iba nang pamilya at ang daddy ko naman ay may inaasikaso sa company namin sa States, I live alone dito sa condo ko at nasanay na rin ako maging independent.

Nagluto lang ako ng eggs and bacon at pinatong iyon sa tinapay na tinoast ko kanina. Pagkatapos ko kumain ay dumiretso na ako para maligo at magbihis. Since pupunta lang naman ako sa airport para sunduin si Kuya Dusk ay nagsuot lang ako ng white tank top at high-waisted na maong shorts na pinarter-an ko ng checkered Vans Shoes at naglagay na rin ng lip and cheek tint. Pagkatapos ay nag-spray ako ng Christian Dior perfume sa collarbone at wrist ko para tumagal ang amoy ng perfume.

Bago ako umalis ay naisipan ko munang i-post ngayon ang #OOTD ko sa instagram at ilagay ko sa IG story ko. Isa rin ito sa mga pinagkakaabalahan ko bilang instagram model and influencer.

Gaya nga ng sinabi ko pinost ko ang mirror selfies ng #OOTD ko ngayong araw. Sa loob ng 5 minutes ay 1k na ang likes ko kaagad.

May notification na lumabas don at agad kong binuksan iyon.

janeybabesy replied to your story.

janeybabesy

192 posts - 23k followers - 213 following

janeybabesy:

San ang lakad mong babaita ka ha

breakingdawnji:

susunduin ko yung kapatid kong ex-crush mo sa airport, bakit, may angal ka?

janeybabesy:

nagtatanong lang naman ako ah attitude ka ghorl?

Bumaba na ako sa condo ko at binuksan ang pintuan ng aking black Porsche. Di ko mapagkakaila na kaskasera ako at gusto ko laging mabilis ang pagpapatakbo ko sa kotse ko.

Malapit na ako sa airport nang biglang mag-ring ang aking phone, sinagot ko iyon at bumungad kaagad sa akin ang iritadong boses ni Kuya Dusk.

"Dawn! Ano ba naman yan sabi ko sayo magpapasundo ako ng 12 pm, tignan mo kung ano oras na!" galit na boses ni kuya Dusk.

"Sorry, Kuya Dusk napasarap kasi ang tulog ko dahil pagod ako sa audition ko kahapon."

Malambing na pagkakasabi ko upang maibsan ko kahit papaano ang inis niya.

"Nakikita ko na ang sasakyan mo, dito ka magpark sa arrival area."

Bumaba na ako sa aking kotse at nakita ko na si Kuya Dusk, kumaway ako para makita niya at pumunta siya sa direksiyon ko. Agad ko siyang sinalubungan ng yakap dahil na-miss ko siya.

"Na-miss mo ako ah."

Bulong niya sa aking tainga habang hinahaplos niya ang buhok ko, kumalas na rin ako sa pagkakayakap.

Hinarap ko ang mukha niyang naka-ngisi at agad kong pinalo ang kanyang braso.

"Hindi kaya, ang panget mo eh."

Sabi ko habang tumatawa kaming parehas.

Siyempre di naman talaga seryoso ang sinabi ko dahil namiss ko talaga ang aking kapatid at di ko rin mapagkakaila na magkamukha kami at nakuha namin mostly ang aming facial features sa aming mommy at ang kutis naman naming pagkamoreno na galing sa aming daddy.

Wishing on a Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon