Di ko nalang pinakinggan ang sinabi niya at tumayo na ako si inuupuan ko.
Bago pa man ako tuluyang makaalis ay hinawakan niya ang wrist ko.
"If you leave that door, you will lose your reputation."
Pagbabanta niya sa akin.
Binawi ko naman iyon at agad umalis doon.
Ano kaya ang ibig niyang sabihin sa mga sinasabi niya. How will he ruin my career? Binalewala ko muna iyon at inaya ko mag bar ang mga kaibigan ko.
You sent a message to Blue Badges:
Dawn:
Hey bitches let's party! Libre ko.
Jane:
Doon sa bagong club ah.
Liz:
Oo nakakasawa na dun sa bar ni Jane eh.
Unice:
Oh anyare sayo bat biglang may pa-libre?
Trice:
Broken ata si ghorl HAHAHAH
Julia:
Tatakas lang ako dito hahabol ako sainyo.
Liz:
Pasundo ako ulit Dawn hehe. Tomas Morato ulit :)
Ginagawa na ata akong chaffeur neto ni Liz.
Pinatay ko na ang phone ko at kinuha ko ang susi ng black Porsche ko.
Papunta na ako ng Tomas Morato dahil nga pupuntahan ko si Liz para sunduin.
Nakita ko na nga si Liz. 'Tong babaeng 'to pasalamat siya dahil mahal ko siya kaya sinusundo ko pa jusko 23 na siya.
"Hi beb!"
Bungad niya sa akin nang makasakay na siya.
"Hoy matanda ka na nagpapasundo ka pa."
Naningkit ang mata kong nakatingin sa kanya.
Inirapan niya pa ako. The audacity! Ang taray talaga netong kaibigan ko na 'to.
Tumungo na nga ako sa club na sinasabi ni Jane na bagong bukas.
Pinark ko muna ang sasakyan ko at nakita kong may mga nakatitig sa aming mga lalaki.
Kinindatan ko sila dahil wala akong paki sa magiging reaksiyon nila habang nakayuko naman si Liz na para bang nahihiya.
Susulitin ko na ang araw na 'to dahil bukas ay may shoot na naman kami. Ang awkward naman non si Allen pa leading man ko.
Umupo na kami sa inuupuang couch nila Jane. May mga alak na doon, siguro ay nandito na sila kanina pa.
"Oy bat ang tagal niyo?"
Tanong sa amin nila Jane, Unice at Trice.
Wala pa rin si Julia pero sabi niya kasi tatakas muna siya para makahabol.
"Traffic kasi sa Tomas Morato, nagpasundo pa kasi sakin tong si Liz."
Pagpapaliwanag ko.
Nag-kwentuhan lang kami at nagtawanan. Nag pass-out na si Liz kasi mahina ang alcohol tolerance niya at medyo tipsy na kaming lahat.
"Nagbreak sila ng jowa niya AHAHHAHA"
Natatawang sabi ni Jane.
Natawa ren tuloy ako medyo lasing na kasi ako.
"Patayin na ba naten yang gago na yan?"
Sabi naman ni Unice.
"Ha may jowa ka pala bat di ko alam."
Sabi naman ni Trice.
Tumayo na kami at pumunta sa dance floor. Dahil nga tipsy kami ay medyo naging wild na kami.
Pagkakita ko sa dance floor ay may kahalikan na si Jane tapos si Unice naman ay nakikipagusap sa isang lalaki sa gilid.
Nagpaalam si Trice dahil daw iuuwi niya na daw si Liz dahil nga wasted at passed out na siya. Kawawa naman napagtripan nanaman namin siya.
Ako nalang ang mag-isa sa dance floor at may nag-grind na lalaki sa likod ko.
Nagulat siya dahil bigla ko siyang hinalikan. Ewan ko din kung ano pumasok sa isip ko at bakit ko hinalikan yung lalaki.
Bumitaw na ako sa halik at umalis na baka mas lalong lumala ang impulsive decisions ko.
Sakto naman at dumating si Julia.
Sa sobrang kalasingan na namin ay inuwi nalang kami nila Trice at Julia dahil sila nalang ang sober sa amin.
Di ko na namalayan na nasa tapat na kami ng condo namin.
"Ako na bahala sa kotse mo Dawn! Puntahan mo nalang kotse mo sa condo!"
Sigaw sa akin ni Trice habang naglalakad na ako papuntang elevator.
Medyo hilo ako at pagewang-gewang ang lakad ko.
Kaya naman nung muntik na akong malaglag ay may humawak sa braso ko.
Di ko na kinaya pang maglakad pa kaya bumagsak na ako.
"Hay nako inom inom kasi di naman pala kaya."
Sabi nung lalaki habang binuhat niya ako.
Habang naglalakad siya ay tinignan ko ang mukha niya.
"Ang gwapo mo naman."
Ngumiti ako pero sinungitan niya ako.
Narinig ko nalang ang boses ni Shai.
"Oh anong nangyari dyan bat buhat buhat mo yan."
Nagaalalang tanong niya sa lalaki.
"Ewan ko dito nakita ko lang siya sa may lobby wasted na siya kaya binuhat ko na."
Paliwanag nung lalaki kay Shai.
"Oh ako na bahala sakanya."
Binaba na ako nung lalaki at inalalayan naman na ako ni Shai papunta sa condo nila.
Nilapag niya ako sa isang malambot na kama.
Nakatulog naman na ako kaagad dahil nga sobrang pagod na ako.
Pagkagising ko ay naririnig ko na silang nagaaway.
Di ko alam kung anong rason pero nang makita na nilang gising na ako ay tumigil na sila kaagad.
Padabog na sinara nung lalaki yung pinto ng kwarto niya. Tinignan ko si Shai ng mga mata kong nagaalala.
"Wala lang yon kain na tayo."
Pagsabi ni Shai sa akin.
Nag-prepare na siya ng pagkain sa lamesa at kumain na kami.
"Di mo ba tatawagin si-."
Napatigil ako dahil hindi ko pala alam ang pangalan niya.
"Jasper ang pangalan ng pinsan ko."
"Atsaka pabayaan mo munang mapag-isa iyon."
Sabi sa akin ni Shai habang kumakain kaming dalawa.
Tumango nalang din ako at nagpatuloy kumain, di ko nalang pinansin masyado ang away nila kanina dahil baka masyadong personal iyon at ayaw ko naman makialam.
Pagkatapos namin kumain ay inaya ko si Shai sa condo ko para makipagkuwentuhan at para narin magpasalamat ako sakanya dahil sa lagi niyang pagtulong sa akin.
Nang makita kong tunog ng tunog at vibrate ng vibrate ang cellphone ko ay di ko pa masyadong pinansin pero nang may nag-ring na doon ay saka ko iyon kinuha para sagutin.
"Dawn, check your social medias right now. It's urgent."
Seryosong boses ni Jane.
Nang binuksan ko ang twitter ko ay agad tumulo ang mga luha ko at napahagulgol.
What did I do to deserve this?!
BINABASA MO ANG
Wishing on a Shooting Star
RomanceDawn Adley Jimenez, spending her life in the eyes of the camera; with a desire to regain her reputation from a controversy, meets with a talented photographer, Jasper Tobias Buentevillo; with a desire to kick-start his career. They both wish upon a...