#5

32 9 0
                                    

Napalingon ako sa kanya at tumango nalang ako para matapos na ang tampuhan namin.

Ayoko kasi yung nasasakal ako sa isang relasyon. Gusto ko may jowa ako pero hindi niya dapat nililimitahan ang gagawin ko.

Ayoko nang sobrang controlling.

Agad namang kumislap ang mata niya.

"I'm going home for a bit, susunduin nalang kita mamayang gabi."

Sabi niya habang binaba niya ang sarili niya para halikan ako sa noo.

Grabe ang mood swings ko ngayon.

Dahil nga naalala ko ang aya sa akin ni Shairene ay binuksan ko ang phone ko.

Nakita ko naman kaagad ang unknown number kaya pinindot ko iyon dahil alam kong si Shairene iyon.

Shai:

What's your room number, sunduin na kita.

Dawn:

Room 704

Kaka-send ko palang ng message ko na iyon ay agad naman akong may narinig na kumakatok.

Parang ang bilis naman niya dumating.

Binuksan ko ang pinto at si Shai nga ang nakita ko.

Ngumiti siya at kinuha ang kamay ko.

Mayroong malapit na Starbucks sa condo namin kaya siguro doon ang punta namin.

Tama nga ako dahil dun niya nga ako dinala.

Binuksan niya ang pinto at umupo kami malapit sa bintana.

Nag-order siya ng cappucino samantala nag-order lang ako ng chocolate chip frappe dahil nga may sweet tooth ako.

"How'd you get to my room so fast?"

Bungad na tanong ko sa kanya dahil nagtataka talaga ako kung bakit ang bilis niya.

"Dun kasi ako nag-stay kasama ang pinsan ko sa katabing room mo. Sa room 703."

Kaya naman pala ang bilis niya.

"Edi dito ka nga nakatira?"

Sunod na tanong ko.

"Temporary lang naman kasi pina-stay lang naman ako don dahil sa pinsan ko."

Sagot niya.

Tahimik lang kaming dalawa at nagtitingin sa mga kotseng dumadaan.

"Parang familiar ka."

Biglang sabi niya sa akin.

I get this a lot.

"Ah instagram model kasi ako."

Maikling sagot ko.

Nagusap-usap nalang kami at nagtatawanan lang kami. Tumingin na ako sa bintana at nakitang mag gagabi na.

May date pa nga pala kami ni Allen!

Nagpaalam ako kay Shai at agad na umakyat ng 7th floor para mag-prepare.

Binuksan ko na ang condo ko at mabilisang pumasok sa bathroom at naligo.

Lumabas na ako at nag-decide na ako kung ano ang susuotin ko.

Nagsuot ako ng Gucci red champagne dress na tinernohan ko ng black heels. Kinuha ko ang black purse ko at saka nagpatuloy sa makeup.

I put on a red lipstick and put on mascara and curled my eyelashes.

Nag-spray ulit ako ng aking Christian Dior perfume.

Sakto naman na tumawag si Allen sa akin para sabihin niyang nasa labas na siya ng condo ko.

Bumaba na ako sa lobby at sinalubong niya ako.

Naka turtle neck siya at tinuck-in niya iyon sa pants niya at nagsama ng belt.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan para makapasok na ako sa BMW niya. Nakaupo ako sa shotgun seat.

Umikot siya para makasakay siya sa driver's seat.

"Sorry I didn't talk to you earlier."

Sagot niya.

"I just didn't like the way the guys look at you so I had to let you get into the car before we talk."

Pag-explain niya dahil di niya nga ako kinausap kanina nung pagbaba ko.

Tumango nalang ako dahil baka mas lalo pa akong mainis kapag sinagot ko siya.

"Where are we going?"

Tanong ko sa kanya para naman maibsan ng kaunti ang inis ko sa sinabi niya kanina.

"You'll see."

Sana ay hindi sa mga fancy restaurants dahil sa totoo lang ay walang masyadong sentimental meaning iyon dahil kain at usap lang gagawin niyo, ako kasi ang tipo ng babae na gusto ng thrill at adventure.

Nang tumigil kami sa isang fancy restaurant ay agad naman akong na-disappoint.

Nakita niya siguro ang facial expression ko nung tumigil kami kaya hinawakan niya ang baba ko para mapatingin ako sa kanya.

"What's wrong babe?"

Tanong niya sa akin nang may nag-aalalang mata.

"Nothing."

Ngumiti nalang ako para di na siya patuloy na magalalala.

Binuksan ko ang pinto at pumasok na doon, hindi na bago sa akin ang mga fancy restaurants dahil since bata pa ako ay mayaman na kami kaya naman di ko naranasan na paghirapan ang lahat ng gusto kong matanggap sa buhay dahil nakahanda na sa akin iyon agad, medyo nalungkot ako doon pero naging appreciative nalang ako sa kung anong meron ako.

Um-order na si Allen para sa akin.

"Is something bothering you, babe?"

Tanong niya dahil siguro napansin niya ang pagsusungit ko sa kanya nung mga nakaraang araw.

"Oh nothing!"

Sabi ko para di na siya magduda at magtanong pa.

Tahimik lang kaming kumain dahil nga wala ako sa mood.

Nang makita niya iyon ay agad naman siyang nagsalita.

"Are we okay?"

Tanong niya habang nakatingin sa akin.

"Of course we are anong sinasabi mo dyan."

Ngumiti ako para makumbinsi siya.

Ngumiti nalang siya pabalik.

Nang malapit na kaming matapos kumain ay pinakuha niya na ang bill namin.

Lumapit na ang waiter para ilagay ang bill sa table namin. Bago siya umalis ay nginitian muna niya ako.

Nagulat nalang ako nang biglang hinawakan na ni Allen yung waiter sa collar niya at tinignan siya ng masama.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan, girlfriend ko yan pare!"

Sigaw niya sa waiter kaya naman napatingin ang halos lahat ng tao sa ginagawang scandal ni Allen.

Di pa rin siya tumigil hanggang sa sinuntok niya na ang waiter at nakahandusay nalang ito sa sahig.

"Anong ginagawa mo Allen!"

Di na ako nakapagpigil sa sigaw ko at tinulungan ang waiter tumayo.

"Bakit yung waiter pa ang kinakampihan mo Dawn!?"

Sinigawan niya ako. Sa sobrang inis ko ay sinampal ko siya nang malakas.

Napahawak siya sa pisngi niya at hinawakan niya ang wrist ko.

Agad ko namang binawi iyon at nagwalk-out.

Tinawagan ko nalang si Shai para sunduin ako.

Nang makarating na si Shai ay tinanong niya ako ng may halong pagalala.

"Oh anong nangyari sayo bat ka nagpasundo?"

Sabi ni Shai na may pagaalala sa kanyang boses.

"Our first dinner date was a total disaster."

Wishing on a Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon