Hingal na hingal pa rin ako sa ginawa namin ni Allen.
Sabi niya come-over lang eh biglang may pa-sex.
Nagsuot na ako ng simpleng pants at shirt habang nasa kusina naman na si Allen at di na daw matutuloy ang dinner namin kasi late na daw masyado.
Nagpa-deliver nalang siya ng pizza at chicken. Nagcrave kasi ako ng pizza lately.
Inayos niya na ang pagkain namin sa lamesa.
"Diba may boyfriend ka na?"
Tanong niya sa aking naka-ngisi.
"Wala kaya."
Maikling sagot ko.
"His name is Allen, right? then let's make it official."
Kinindatan niya ako at nakatitig lang siya sa akin. Gulat na gulat ako.
"Okay."
Sabi ko sakanya na para bang di ko naman masyado sineryoso.
Tinulak niya ako sa edge ng counter at binuhat ako para ipatong doon.
Nilagay niya ang magkabila niyang kamay sa gilid ko at lumapit sa aking tainga at kinagat muna bago siya magsalita. Kaya naman ikinagulat ko iyon.
"From now on, you're mine. Mine and mine only."
Seryosong sabi niya habang nakatitig ng mabigat sa akin.
Lumunok nalang ako at tumango, di ko alam kung ano ang sasabihin ko.
Inaya niya na ako ulit kumain at kumain na nga kami.
Napaka-tahimik ng atmosphere di ko na kinaya kaya nagtanong ako ulit.
"Late na ah, di ka ba uuwi?"
Tanong ko dahil nga 12:30 na ng gabi.
"Dito ako matutulog."
Sabi nyang di tinatanggal ang ngisi sa kanyang mga labi.
Napabuntong-hininga nalang ako. Hays! Nababaliw na ata to.
"San ka matutulog dito isa lang kama."
Iritadong sabi ko sa kanya.
"Edi tabi tayo."
Casual pa ang pagkakasabi niya ah.
"Bahala ka."
Sabi ko sa kanya.
Di ko na siya nilingon at naligo na ako at nagbihis.
Pagkalabas ko ay naka shirtless na si Allen.
"Bat di mo ko inantay dapat sabay tayo mag-shower eh."
Naka-nguso niyang sabi na parang nang-aasar pa.
"Ayoko nga."
Sabi ko sa kanya at inirapan ko siya.
"Ayaw mo ba? Sungit naman."
Pang-aasar niya lalo pero di ko na inantay ang susunod niyang sasabihin dahil gusto ko nang mahiga sa kama ko.
Di niya ako tinigilan at tumabi pa nga sa kama ko.
Di ko siya pinansin kasi trip kong di siya pansinin.
Ewan ko ba sa sarili kung bakit ako ganito.
Kinuha ko ang phone ko at tinignan iyon kahit nararamdaman ko pa rin ang titig ni Allen sa akin ay di ko iyon pinapansin.
Nag-scroll lang ako sa instagram at naglike ng mga posts ng mga kaibigan ko.
Nag-post si Jane nang alak na may background ng bar niya sa tipSY at nilagay niyang pag-promote iyon sa kanyang bar.
BINABASA MO ANG
Wishing on a Shooting Star
RomansaDawn Adley Jimenez, spending her life in the eyes of the camera; with a desire to regain her reputation from a controversy, meets with a talented photographer, Jasper Tobias Buentevillo; with a desire to kick-start his career. They both wish upon a...