*7 years ago*
"Class, Please answer the page 41 of your statistics book that's your assignment, now class dismissed." Teacher namin yan sa statistics, grabe mag patawag ng recitation lalo na yung index card ang gamit, kaya kami laging kinakabahan dyan.
"May date ba kayo ng jowa mo?" Lumapit sa akin si Maria para tanungin lang sa akin yan, tinaasan ko naman siya ng kilay dahil doon.
"Wala naman at sinabi ko kay seth na mag Girls bonding tayo ngayon" ngumiti ako sa kanila alam ko kasing nagtatampo na sila sa akin, lagi ko ba naman daw kasama si Seth.
"Really?! Girls bonding tayo ngayon? Kaasar naman itong si Ali, nag bibigla!" Binato sakin ni Eli ang isang pirasong chips na kinakain niya.
"Sayaw naman mukhang ayaw niyo, libre ko pa naman" biro ko sa kanila, well totoo yung ililibre ko sila, apologize offerings ko lang nagtstampo na eh.
Lumiwanag naman ang mga mata nila lalo na si Juls at niyugyog pa ako, pinalo ko ang kamay niya dahil doon nahilo ako shet.
"Girls first time to! Ililibre tayo ng isang kuripot sa pera! Hindi ikaw si Ali! Umalis ka sa katawan niya!" Hysterical ni Juls sa tabi ko at dinuro duro pa ako, mukhang baliw lang.
April na malapit na kaming mag graduate, next week na ang finals namin at hindi parin ako nag dedecide about saan akong papasok na University. Lalo nang kaunti lang ang may schools for Photography dito sa pilipinas, tatanungin ko din sila Mama at Papa about doon.
Dumiretso kaming mag kakaibigan sa Gentea malapit sa simbahan ng malabon, umorder ako ng milk tea sa kanilang tatlo at tag isang platter nachos at fries favorite nila yan eh.
"Anong course ang kukuhanin mo sa CvSU - Main Maria?" Tanong ni Eli kay maria na nakabukaka ang upo, napailing nalang ako at pinalo ang legs niya. Tumingin naman siya sakin ng masama at umayos ng upo. Kung pumorma sexy pero pag naglakad at umupo yan parang lalake.
"HRM kukuhanin kong course, ikaw ba?" Alam naming magaling magluto si Maria kaya yan ang napili niyang course, hobby niya na din kasing magluto at ang dami niya na ding nasalihang cooking contest sa iba't ibang lugar sa calabarzon.
"Sa DLSU - Dasmariñas ako, International Development Studies" sabi ni Eli at uminom ng milk tea, tumingin naman siya kay Juls na sarap na sarap sa Nachos pinalo naman siya ni Maria.
"Amp. Wag mong ubusin boi!" Sigaw ni Maria sa kanya, lumabas na naman ang pag ka bulgar niya.
"Pake mo ba! Ililibre pa naman tayo ulit ni Ali!" Tumingin siya sa akin at ngumiti inirapan ko nalang siya.
"Saan ka mag aaral Juls ng college?" Tanong ko sa kanya dahil doon tumigil siya sa pagkaen nang Nachos.
"Uhm. Interior design sa St. Scholastica College sa Manila o kung hindi pumasa sa Entrance exam magiging manglalako ng bote nalang" sabay hagalpak niya ng tawa, nasapo nalang naming tatlo ang noo namin dahil sa karantaduhan ni Juls.
"Ikaw ba Ali nakapag decide kana? Saan school?" Tanong sakin ni Eli
Tinignan ko naman silang tatlo dahil doon, buti pa sila may kanyang kanya ng University na papasukan ako hindi pa ako makapag decide.
"Wala pa eh, hindi ko pa nakakausap sila Mama at Papa about sa University na gusto kong pasukan. Pero Photography ang kukuhanin kong course" ngumiti ako sa kanila at uminom ng milk tea
"Okay lang yan, may oras pa ikaw para makapag decide" sabi ni Maria sakin, ngumiti nalang ako sa kanila at pinagpatuloy na ang bonding.
Umuwi ako pasadong ala sinko ng hapon sa bahay namin at nadatnan ko sila Mama at Papa na nanonood ng Movies, bonding nilang pareho yan actually ni Mama pala romance na naman ang pinapanonood nila.
"Ma, Pa nandito na po ako" tumingin naman agad sila sa akin at tumayo si Mama para lumapit sa akin.
"How's your day anak? Okay ba?" Tanong niya, tumango naman ako bilang sagot
"Ali come here may paguusapan tayo" seryosong utos sa akin ni Papa, lumapit ako sa couch kung saan naka upo si Papa tumabi naman agad sa kanya si Mama
"Ano po iyon?" Tanong ko sa kanya
"Yung photo na pina submit mo sakin sa Northern Alberta Institute of Technology nakapasa anak! They want you to be their scholar" masayang bati sa akin ni Papa, di ko akalaing makakapasa iyon sa kanila.
"How about doon ka na mag aral Ali? Sayang iyon para sa future mo!" Masayang tugon din ni Mama
Ngumiti naman ako sa kanila syempre masaya din ako dahil nakuha ko ang scholarship na gusto ko pero maiiwan ko marami ding mawawala kung aalis ako, sila Eli, Juls at Maria ang mga kaibigan ko, sila Mama at Papa na nandito sa Pilipinas, lalong lalo na si Seth.
"Ma, Pa pwede ko po bang pag isipan muna ang tungkol diyan?" Pakiusap ko sa kanila, nagkatingin naman sila at agad na tumango
"Okay anak, ikaw ang mag decide kung tutuloy ka o hindi, nandito kami para gumabay sayo" hinawakan ni Mama at Papa ang aking kamay.
"Thank you po, I Love you" niyakap ko sila.
"Kami din!" Sigaw ng kuya kong si Hill na pababa ng hagdan at hawak ang Pathology book, Medicine ang course niya 3rd year na siya sa Medicine
"Payakap din!" Sabi din ng isa ko pang kapatid na si finn ang chubby eh
"Kayo talaga" sabi ni Papa at niyakap din sila
Nasa kwarto ako ngayon at kakatapos lang mag shower nung nakita kong nag vibrate ang cp ko, may text galing kay seth.
From Seth:
Hello Love, kamusta ang bonding niyo?
To Seth:
It's good and kinda funny you know Juls diba? Haha
From Seth:
Yeah, Juls the funny one in you group of friends. I'm actually have a question for you.
To Seth:
What is it?
From Seth:
My sister wanted you to meet her, it that's okay to you?
Napatitig ako Bigla sa cp ko dahil doon, his sister wanted me to meet her! Kinakabahan ako na ewan.
To seth:
Sure. Kailan ba?
From Seth:
Tomorrow.
To Seth:
Okay tomorrow then.
From Seth:
I love you! Sleep na po ikaw.
To Seth:
Yeah, you too. I love you!
Napahilata ako sa kama ko at napatingin sa kisame.
"Another good day I guess?" Sinabi ko sa sarili ko at pinikit ang mga mata ko.
-------

BINABASA MO ANG
Chasing You
RandomHigh School Photographer Ali Louise Ferrer wants to reach her dreams to becoming a Professional Photographer but she meet Anthony Seth Medina a High School Basketball Team Captain of their School changing her life chaotic yet Memorable. But 7 years...