*7 years ago*
Isang buwan na ang nakalipas at dalawang buwan nalang ay graduate na kami ng high school. Nandito kami ngayon sa canteen kasama ang mga kaibigan ko hinabol lang talaga namin dito yung Empanada tuwing alas tres sa sobrang sarap nagkakaubusan agad.
"Ate walong Empanada po" sabi ko doon sa nagtitinda, inabot naman niya agad sa akin ang binili, mainit pa siya, shemay masarap to! Dumiretso agad ako sa pwesto namin.
"Oh eto na tig dalawa tayo, akin na yung bayad niyo muna" nilapag ko sa harap nila ang Empanada habang nilahad ko din ang isang kamay ko sa harapan nila.
"Eto namang si Ali napakakuripot!" Sabi ni Maria habang binigay sa akin ang bayad niya
"Tag hirap ngayon! At wala ng libre sa mundo" ngumisi ako sa kanya at binilang ang mga bayad nila.
Kailangan ko ng pera kahit may kaya ang pamilya ko, hindi ako nahingi sa kanila ng sobra sobra, kasya na ang five thousand kong allowance sa isang buwan sa akin no.
"Saan ang papabels mo?" Tanong sa akin ni Juls habang nginunguya ang Empanada sa bibig niya.
"Hindi pa kami adik to" napailing nalang ako.
Isang buwan ng nanliligaw sakin si Seth pero hindi ko parin siya sinasagot, hindi dahil ayaw ko sa kanya ah pero I want to know him more, pero aaminin ko din na hulog na ako sa kanya.
"Hala! Naloka na si Ali! Ngumingiti mag isa!" Sigaw ni Eli at nakaturo sa akin
"Ay puta hulog na ang loka!" Binato sa akin ni Maria yung wrapper na lagyanan ng empanada niya
"Ako'y kinikilig!" Niyakap naman ni Juls ang sarili niya parang timang.
Napatawa nalang ako sa kanila at binalik ang pagkain sa empanada, yes I fall hard to Anthony Seth Medina.
"Saan tayo punta pagkatapos neto?" Tanong ko sa kanila ngunit napansin kong nakatingin sila sa likod ko at mukhang kinikilig.
"Mamayang gabi date tayo" napaigta ako sa gulat dahil kay seth na bumulong mula sa likod ko.
Pinalo ko siya sa balikat niya pero wrong move parang ang sarap hawakan ang muscle eh.
"Kainis ka!" Bulyaw ko sa kanya, ngumisi lang siya at umupo sa tabi ko
"Hello Eli, Juls and Maria" ngumiti din siya sa kanila at binalik ang tingin sakin, naka kunot parin ang noo ko dahil sa kanya.
Kinurot niya ang pisngi ako at kinuha ang isang empanada ko, napaharap tuloy ako bigla sa kanya.
"I know that's mine." Halukipkip ko sa kanya at tinaasan siya ng kilay, ginulo lang niya ang buhok ko gamit ang isang kamay niya at pinagpatuloy ang pagkain ng empanada ko.
"Akin nalang sarap eh." Kinagatan niya muna iyon at binalik ang tingin sakin "so date na tayo mamayang gabi?"
Tumingin ako kanila Juls at makikita mong parang mga timang na tinataaas baba ang kilay nila, hinihintay ang sagot ko, napailing nalang ako dahil doon.
"Oo na" sabay iwas ko sa tingin niya, tumayo naman agad siya at ginulo ang buhok ko
"Yes! See you tonight, sunduin kita sa bahay niyo, ipagpapaalam pa kita kay tita" kumaripas agad siya ng takbo palabas ng canteen, may na bangga pa nga siya dahil sa kabilisan niya nag sorry naman agad siya dahil doon.
"Gosh may date sila mamayang gabi" kinikilig itong si Juls, parang bulate na sinabuyan ng asin ganun siya ngayon.
"Ano kaya mang yayari mamaya, wag mong ibubuka ang legs mo Ali!" Pinasukan naman ni Eli ng wrapper ang bibig ni Maria dahil sa sinabi niya

BINABASA MO ANG
Chasing You
AcakHigh School Photographer Ali Louise Ferrer wants to reach her dreams to becoming a Professional Photographer but she meet Anthony Seth Medina a High School Basketball Team Captain of their School changing her life chaotic yet Memorable. But 7 years...