*7 years ago*
Umaga akong gumising dahil may pasok ako ngayon, naabutan ko pa ang mama ko sa kusina na nag luluto ng agahan naming magkakapatid.
"Ang bango po ah! Good Morning!" Nag kiss muna ako sakanya bago dumiretso sa ref para kumuha ng fresh milk.
"Tocino lang to Ali ano kaba, umupo kana at kumain, mamaya pa bababa ang mga kapatid mo ikaw ang unang papasok" dumiretso naman ako sa lamesa at kumain na, mas gusto kong kumain ng agahan sa bahay kaysa kumain sa canteen di ko trip ang mga lutuin nila tuwing lunch lang ako minsan kumakain doon.
"Baka gabihin ako mama, may intrams po kami ngayon" paalam ko sa nanay ko, intrams ngayon hectic ang mga schedule ko ang dami ko na namang kukuhanan nang litrato.
"Sige, kung hindi ka makauwi makitulog ka nalang kanila Eli at itext mo ako okay?" Paalala ni mama, alam niya kasing pag ginagabi ako nakikitulog ako kay Eli o kaya sa bahay nila Juls malapit kasi sa school namin ang mga bahay nila.
"Sige po, aalis na din po ako, love you" tumayo ako para umalis at nag kiss kay mama. Mag tricycle nalang ako papuntang school.
"Nandito na si Ali!" Ito agad ang bumungad sakin pagbukas ko ng pinto nang classroom namin ang boses ni Juls
"Anong meron sa inyo ni Seth Medina?" Agad na tanong ni Eli ni hindi pa ako pinaupo ng mga ito.
"Pwede bang umupo muna ako? Alis dyan" pagtaboy ko kay Maria nasa upuan ko ba naman nakataas pa paa sa lamesa habang kumakain ng clover.
"Eto naman ang ganda ng upo ko eh" immature ang putcha
"Oh ano pwede na kaming magtanong ulit?" Pangungulit ni eli ayaw akong tantanan
"First of all kakakilala ko lang sa Seth na yun kailangan lang naming interview-hin siya, second malay ko ba ang kulit niya at kinuha ang bag ko okay? At lalo na sa lahat walang kami" sinagot ko na ang gusto nilang tanungin sakin alam kong magtatagal pa ako sa hot seat nila.
"Malay mo type ka diba?" Singit ni Juls, tumaas baba na naman ang kilay niya.
"Ewan ko sa inyo, umalis na kayo sa paningin ko busy pa ako mamaya" nainis na ako sa kanila ang kukulit ba naman, may gagawin pa naman ako dahil intrams ngayon.
"Ay oo nga pala intrams! Nandun ang bebe niya!" Tili ni Maria, tapos na pala siyang kumain ng clover dinidilaan pa ng mga daliri niya yuck.
"Damihan mo ang kuha nang litrato ng basketball team ah!' inalog alog pa ako ni Eli siguro may crush to sa isang member ng team.
"Lalo na si Seth hihihi" kinilig pa si Juls
"Asa kayo hindi ako naka assign doon" lugmok sila nung sinabi ko iyon, totoo naman may volleyball team pa kukuhanan ko pa sila ng litrato at may isa pang student photographer na naka assign sa basketball team bali dalawa kami
"Sige na alis na ako, Eli dalhin mo nalang sa bahay mo yung bag ko, salamat!" kinuha ko ang camera bag ko at tripod at dimiretso na sa santiago doon kasi gaganapin ang basketball at volleyball game, narinig ko pang sumigaw si eli nagalit siguro dadalhin ba naman niya ang bag ko pag uwi niya hehe.
Pag dating ko ng oval sa santiago dumiretso na agad akong kumuha ng litrato lalo na sa volleyball team kalaban nila ang isang private school, ang ganda ng laban 1-1, set point na ng montero academy, school namin. Ang daming sumisigaw at nagche-cheer in both schools. Kalaunan natapos din ang game school namin ang nanalo, kinuhanan ko sila ng litrato bago ako umalis para hanapin si chief.
Nakita ko naman agad siya, nasa labas lang ng venue kung saan naglalaro ang basketball team, mukhang may hinihintay at h8ndi mapakali.
"Chief! Uwi na ako tapos na laban ng volleyball team" gusto ko ng umuwi no' mag eedit pa ako ng mga pictures
"Buti nalang nandito ka!" Hinawakan niya ako sa balikat at niyugyog ako
"Bakit anong meron?" Takang tanong ko nakakahilo shemay
"Sumakit yung tiyan ni Richard kumain ba naman ng spaghetti walang kukuha ng litrato ng Basketball team! Malapit ng mag start ang game nila" kinakabahan na sabi niya, kala ko pa naman makakauwi na ako ng maaga hindi pala. Pumayag nalang ako para hindi niya na ako alugin.
"Sige ako na kukuha" dumiretso na ako sa loob ng venue, narinig ko nalang na nag thank si chief sakin
Ang ingay sa loob hindi pa nag start ang laro. Humanap ako ng upuan malapit sa court para makakuha ako ng magandang litrato. Ngunit parang napansin ako ng isang member ng warriors.
"Si Miss Photographer!" Sigaw niya at tinuro pa ako, walangya naman oh. Tumingin naman lahat sila sakin at lalo na si Seth na biglang ngumiti
"Ali!" Tawag niya sakin at kumakaway pa, putcha madami pa naman siyang babae dito na may gusto sa kanya, kumaway nalang ako at dito nalang ako sa gilid para iwas away sa mga fangirls
Binulungan niya ang isang waterboy parang may inuutos siya doon, maya-maya nalang papunta na sakin si kuya waterboy napaayos naman ako ng tayo.
"Ma'am doon daw po kayo sa may upuan ng warriors, tumabi daw po kayo sa coach nila" sabi sakin ni kuya waterboy, tumingin naman ako kay Seth na tinuturo ang upuan nila at sumenyas pa na parang gustong sabihin "dito ka para maganda kuha mo"
Pumunta nalang ako at hindi pinansin ang mga fangirls na sinusundan ang lakad ko, putcha parang kakalbuhin ako ng mga ito.
"Dito ka lang kuhanan mo kami ng maraming pictures" sabi ni Seth nung makalapit ako sa pwesto nila nag nod nalang ako sa kanya.
Tinawag naman sila ng coach nila para sa strategy nila, Biglaang nag iba ang awra nila, kinuhan ko sila agad ng litrato tama nga si Seth ang ganda ng pwesto na ito, pwede kong kuhanan lahat.
"Alright warriors!" Sigaw ng coach nila
"Let's go!" Sigaw ng warriors at pumasok sa court sila seth at ang apat niya pang ka miyembro.
First quarter palang lamang na agad kami, laging naka three points si Seth ginagawang practice game niya lang ata ito, kumukuha na din ako ng mga litrato nila ang aangas nga ng shot ko. Nakatingin lang ako sa camera ko nung may narinig akong pito ng referee tumawag pala ng time out ang kabilang team, dumiretso naman sila seth sa upuan nila.
"Miss photographer! Kamusta mga shot namin?" Tanong nung isang member nila di ko alam pangalan niya
"Magaganda naman and my name is Ali, by the way what's your name?" Tanong ko sa kanya, lagi ba naman akong tinatawag na Miss Photographer nakakahiya.
"Marcus nga pala miss este Ali" aabutin ko sana ang kamay niya para makipag kamay kaso inakbayan siya ni Seth at parang na mutla siya na ewan.
"Back to the court Layola" madiing salita ni Seth sa kanya, di ko din namalayang mag uumpisa na ulit ang game.
"Di ka papasok ng court?" Tanong ko kay Seth mukha kasing pinaupo siya ng coach niya
"Hindi sa second quarter na ulit ako, how's my play inside the court?" Timingin siya sakin naghihintay ng sagot ko, pawisan siya tumutulo ang pawis sa kanyang noo pababa ng panga niya.
Di ko namalayang naitaas ko na ang kamay ko para punasan ang pawis niya.
"Pawis ka" sabi ko habang pinupunasan ang mukha niya.
Nagulat siya sa ginawa ko parang tumigil ang oras na yun saming dalawa, hinawakan niya ang kamay ko at pinisil yon, tumingin ulit ako sa kanya at napansin kong namumula siya hangang tenga.
"I'm so doomed" bulong niya narinig ko naman
"Huh?" Takang tanong ko di ko siya gets eh
"Pagkatapos ng larong ito liligawan kita" diretsahang sabi niya sakin at umalis para pumasok sa court second quarter na pala.
Shit what did he say, Liligawan?!
-----

BINABASA MO ANG
Chasing You
AcakHigh School Photographer Ali Louise Ferrer wants to reach her dreams to becoming a Professional Photographer but she meet Anthony Seth Medina a High School Basketball Team Captain of their School changing her life chaotic yet Memorable. But 7 years...