1

26 2 0
                                    

"Nice one! Amhber"

"Another pose"

"Hug your teddy bear dear, then look at the camera"

"Good shot! It's done! Thank you Amhber"

Yan lang naman ang sinasabi ko sa client kong bata, well she's turning 7 years old at ang mga magulang niya ay nagpaparty para sa kanya, ako ang hired Photographer sa Birthday niya, kaya eto ako ngayon busy busy-han ang peg dahil may Pre-Photoshoot siya.

"Ali tubig oh pangit ng mukha mo" asar ng kaibigan kong si Juls

"Wow kala mo naman hindi siya pangit"

"Puta! Ayan na naman sila!" Singit ng isa ko pang kaibigang si Maria, sa pangalan banal pero sa bibig ay ewan ko nalang.

"Guys, help naman dyan nasira background natin may susunod pang magpo-photoshoot!" Sigaw naman ng isa ko pang kaibigan na si eli

"Oy Juls tulungan mo si eli di abot yung balloons" patataboy ko sa kanya, ang daldal kasi 

"Ano bayan! Ang liit liit kasi!" Maktol niya pero papunta naman kay eli para tulungan, ganyan naman siya mabait pero magmamaktol muna.

"Gago ka Juls! Edi ikaw na matangkad" inirapan siya ni eli habang Binibigay kay juls ang mga balloons

Apat kaming magkakaibigan, nag start ang aming friendship nung Highschool Student kami, I'm the introvert one, si Juls the crazy one, si Eli our Extrovert, si Maria is our not conservative type of person. We have differences in life especially sa attitude at personality, pero hindi namin alam paano kami naging close hangang ngayon.

"Aray!" Sigaw ko nung paluin ako sa ulo ni Maria ng cartolina, walanghiya talaga.

"Nandyan na kapatid ko ayusin mo na station mo, tulala kapa diyan, ano ba iniisip mo?" Bulyaw niya sa akin habang nirorolyo ang cartolinang hawak niya, ilalagay niya ata sa storage room.

"No girl, sino ang iniisip niya" singit ni eli nag taas baba pa ang mga kilay

Shet ako na naman ang pinagkaisahan ng mga ito. Tumalikod nalang ako sa kanila at hindi na nagsalita at bumalik sa pwesto ko para hintayin yung kapatid ni Maria.

"Hoy! Sino nga?" Hinabol pala ako nitong si Juls at kompleto na sila parang mga chismosang kailangan bigyan ng hot topic.

"Putek! Wala okay! Masama bang maging tulala! Nandyan na ba kapatid mo Maria?" Naiinis ako sa kanila lagi nalang ako ang nasa hot seat

"Sayang akala ko iniisip niya si Seth" bulong ni Juls sa kanila, kala mo naman hindi ko naririnig mga loka loka.

"Magsibalikan na nga kayo sa pwesto niyo, nandito na si Teresa" tugong ko sa kanila nakita ko kasi sa peripheral vision ko si Teresa na kakapasok lang sa room.

"Hello, Maria" tinignan ni Juls si Maria hangang tumingin siya sa kapatid neto "Teresa hahaha" hagalpak naman ng tawa itong si Juls.

"Puta Juls! Lumayas ka dito!" Sigaw ni Maria sa kanya at naghabulan na sila rito sa room. Pati kami ni eli napatawa dahil kay juls loka eh.

" Okay back to business guys! Let's start!" Pagputol ko sa kanila baka mag-away pa.

"Guys, nagchat si bibi ko sunduin niya daw ako" sabi ni Juls nung matapos kaming mag ayos ng shop ko.

I'm a Professional Photographer, I own a simple shop called "Le Memoire" I start my business when I was 21 years old, I usually shoots pre-nup wedding, Birthday party, engagement and your milestones in life. I want to capture my clients life and gave her/him a good memory that  can last forever.

"Andyan na si bibi ko bibiko" kantyaw naman ni eli sa kanya at naki pag apir pa kay Maria.

"Wala kasi kayong Boyfriend buti pa kami ni Maria meron" inirapan pa kami, napaayos tuloy ako ng upo.

"Nah' I rather chase my goal in life, than chasing the one for me" sabi ko sa kanya at binalik ang tingin ko sa planner ko puno pala ang sched ko.

"Guys ang lalim" bulong ni Juls sa kanila

"Panira ng moment itong si Juls eh" sinambunutan ni eli si juls sa sobrang inis niya.

"Hays. Sige na let's go home, pagabi na din, nasan na bibi mo Juls?" Singit ni Maria habang tumitingin sa wrist watch niya, mukhang sasabay kami sa kanila pero okay din sayang ang pera pang commute.

"Andyan na yun sa baba, sabay na kayo" tugong niya habang mag aayos siya ng mga gamit niya.

"Hi Chris!" Bati nila eli sa boyfriend ni Juls, ngumiti naman sa amin siya at binuksan ang mga pinto ng kotse niya, hmmm Gentleman.

"So saan ko kayo ibaba?" Tanong niya sa amin habang iniistart niya ang kotse.

"Sila maria at eli sa bahay nila ako sa Condo" sabi ko kay Chris habang nakatingin sa labas

"Okay"

"Napagod ako doon ah" pagbigay ng topic ni Eli

"Sa susunod nga Ali wag sunod sunod ang photoshoot mo jusko imbes manood lang kami tumulong na kami sa iyo" sabi sa akin ni Maria habang may tinatype sa Cellphone niya, okay kachat niya boyfriend niya, napairap nalang ako sa hangin.

"Oo nga, alam kong model si Eli hindi alalay mo, alam kong chef si Maria hindi taga hawak ng ilaw sa photoshoot mo, alam kong interior designer ako hindi taga decorate ng background mo" tinignan ako ni Juls tumaas baba na naman ang kilay niya, mortal kong kaaway pala.

"Eh pumunta kayo doon, alam niyo namang maboboring lang kayo and I know kayo ang unang tumulong sakin kahit may mga kasama ako doon" I gave her a victory smile dahil totoo naman may mga empleyado ako roon sadyang gusto lang nilang tulungan ako.

"Chris tignan mo si Ali, inaayaw ako" nag pacute ang loka sa boyfriend niya jusko hindi siya cute promise.

"Babe I can't Concentrate on the road inaalog mo ako" sabi ni chris habang nasa kalasada ang tingin, lahat kami tuloy napatingin sa kanya.

"Putangina! Spg girl!" sigaw ni Maria sabay takip ng mata, iba iniisip neto ngayon.

"Gagu ka Maria!" sabay palo ni eli sa kanya.

Ako ay tumawa nalang, laugh trip talaga tong mag-syota na ito hahaha.

"Sige salamat sa inyo Chris at Juls" paaalam ko sa kanila pagkababa ko ng kotse.

"No worries" sabi ni chris sa akin habang nakatingin kay Juls, hulog na hulog lang.

"Ay Ali oh" may binigay sa akin si Juls na Envelope hindi ko alam para saan to pero may nakatatak na "M Corp."

"Ano ito?" takang tanong ko sa kanya it's just a plain Envelope for me.

"Tignan mo yung nasa loob, need nila ng Photographer and you know ikaw lang naman ang professional photographer na kilala ko" ngumiti siya sa akin.

"Ah yes. We need a photographer to our CEO Ali" sabi ni Chris, so sa kanya pala ito di pa binigay agad kanina.

"I know may sarili kang company Chris bakit nag apply kapa sa iba?" Takang tanong ko sa kanya, kasi naman may sariling Construction company hindi doon nagtatrabaho

"Well nandun ang tropa kaya di makaalis, also I have shares" pilyong sabi niya

"Kaya" yun nalang nasabi ko rk eh.

"Btw. Ali nandoon si Seth"

Seth. Ang pangalan nang taong pinakaayaw ko ng makita. Almost 7 years din tayong hindi nagkita. I know for Professional purposes lang ang gagawin ko doon kaya pumayag na ako at hindi naman ata kami mag kikita doon.

"Sige pupunta ako, Bye" paalam ko sa kanila at dumiretso na sa condo ko.

Bukas bagong pagsubok na naman.

-----

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon