M. Corporation eto agad ang bumungad sa akin pagkababa ko ng taxi, another hell working day I guess... Tinulungan ako ni kuya taxi driver na ibaba ang mga equipments ko sa photoshoot di na ako nagdala ng kasama dahil meron naman daw na mag aalalay sa akin doon sabi ni chris.
"Salamat kuya" binigyan ko ng tip si kuya taxi driver matanda at mabait din naman siya, kakawa naman. Nagpasalamat at umalis din naman siya kaagad.
Dumiretso ako sa information ng company na ito for verification, ang laki ba naman ng company na ito, siguro nasa mga 30 to 40 floors ang building na ito, maganda din ang interior design modern concept.
"Good day Ma'am how can I help you?" Tanong sakin nung Info nung nakalapit ako sa kanya.
"Uhm. I'm Ali Ferrer the Professional photographer, may sched ako ngayon sa CEO niyo" ngumiti ako sa info, syempre iwas hatak ng guard sa akin if nagkamali ako ng company na napasukan. May hinanap naman siya sa computer siguro hinahanap ang name ko.
"Oh. Okay po Ma'am, Mr. Montemayor is waiting for you in the production area po 25th floor. You can proceed." Pag iinform niya sakin, dumiretso naman ako agad sa elevator at pinindot ang 25th floor.
Well sa sobrang independent ko pinagtitinginan ako ng mga empleyado dito, ang dami ko ba namang dalahin at sa kasamaang palad sumisikip ang elevator dahil ang daming empleyadong nakikisiksik may mga urgent sigurong gawain ito. Nasa 25th floor pa naman ang production area nila.
Kaunting tiis nalang Ali nasa 20th floor kana.
"Ang pogi ni Sir no'?" Bulong ng isang empleyado dito sa kasamahan niya, kinikilig pa.
"Girl totoo! Kaso ang sungit pero keri lang nakakadagdag ng pogi charms niya hihihi" ang tinis ng tawa niya promise.
"Balita ko wala pang girlfriend si boss" mga chimosa
"Luh. Sa gwapo nun walang girlfriend? Diba may na link sa kanyang model? Emerald ata ang name?" Chismis naman nung isa, wala na bang tatagal tong elevator na to nakikichismis tuloy ako dito.
"Kung may gf siya okay lang pwede pang agawin hihihi" sabi nung matinis ang boses
Sakto namang bumukas ang elevator at nasa 25th floor na, kaso ang walangya nasa dulo ako hindi ako makalabas!
"Excuse me! Padaan!" Singit ko sa kanila jusko bakit ang sikip ang bigat pa naman ng dalahin ko.
Palabas na ako ng elevator nung matalisod ako ng strap ng bag ko, plakdang sumubsob ako palabas ng elevator shit ang sakit. Tinignan ko kaagad ang ang camera at lenses ko baka nasira, wala na akong pakealam sa mga taong nasa loob ng elevator na nakatingin sakin.
"Okay lang ba siya?"
"Nandyan si boss!"
"Putcha nandyan na si boss!"
"Isarado niyo na ang elevator!"
Di ko sila pinansin mas mahalaga ang camera ko kaysa kanila, di man lang ako tinulungang lumabas ng elevator mga pashnea! May nakita ako sa peripheral vision ko na tao pero di ko pinansin baka sasakay lang ng elevator.
"Need a hand?" Tila tumigil lahat nung narinig ang boses na iyon I want to hide or run.
I know... I know that voice! Medina!
Hindi ko siya tinignan ayokong makita ang mukha niya, baka masaktan lang ako.
"O...okay lang ako" inayos ko kaagad ang mga gamit ko at tumayo hindi ko parin siya tinitignan, tumalikod ako sa kanya para hanapin ang production area.

BINABASA MO ANG
Chasing You
RawakHigh School Photographer Ali Louise Ferrer wants to reach her dreams to becoming a Professional Photographer but she meet Anthony Seth Medina a High School Basketball Team Captain of their School changing her life chaotic yet Memorable. But 7 years...