*7 years ago*
"Pagkatapos ng larong ito liligawan kita"
Simula nang binanggit niya ang mga katagang yon hindi na ako makatulog na maayos, panalo sila nung gabing iyon niyaya pa nila akong sumama sa winning party nila pero tumanggi si Seth ihahatid na niya daw ako sa bahay nila Eli kasi nandun ang mga gamit ko, pagkatapos nun umuwi na din siya na pagod daw siya sa game nila.
"Alam kong nagrereview tayo pero hindi nakatulala" biro ni Maria habang nakangising nakatingin sa akin, inirapan ko naman siya at nagpatuloy na akong mag edit sa Photoshop ng mga pictures na nakuhanan ko sa intrams.
Nasa library kami ngayon at nagrereview sila Juls para sa 4th quarter, graduating students na kailangan mag pakaayos kami, inuna ko munang mag edit sa bahay na ako mag rereview tinatamad ako ngayon.
Sinalpak ko nalang ang earphones ko sa tenga ko para hindi nila ako guluhin pa, seryoso akong nag eedit nang may biglang tumabi sa amin pero di ko pinansin sobrang tutok ako sa ineedit ko.
"You wanna eat?" Tinanggal nung tumabi sa amin yung earphone ko, paglingon ko sa kanan si Seth pala.
Naka Jacket siya ng warriors at may pawis pa sa noo niya, siguro galing practice to, paano niya kami napuntahan dito?
"Pawis mo natulo" ani ko at tumingin sa laptop ko, nailang ako ang gwapo kasi at ang bango pa kahit pawis ano kaya pabango nito?
Narinig ko naman siyang tumawa at may kinuha mula sa bulsa ng pants niya na panyo at pinunas sa noo niya.
"Galing practice ako, tinext ko si Juls kung nasaan kayo sabi niya nasa library kayo, kaya dumiretso na ako dito" sabi niya sakin habang nakatingin sa ginagawa ko
So si Juls pala at may number siya netong ugok na to?
"Ganun ba?" Di ko parin inaalis ang mga mata ko sa ginagawa ko
"Hey, I'm asking you" kinakalabit ako ni seth
Tinanggal ko ang paningin ko sa laptop at tinignan siya, ano ulit ba gusto nito "what do you want?" Tanong ko
"You" nagulat ako sa sinabi niya di ako ready doon, napatawa naman siya sa reaksyon ko "I'm just joking, I said do you want to eat? Kanina pa kayo ata nandito sa library, kumain kana ba?" Kinurot naman niya ang pisngi ko habang tumatawa
"Maria inggit ako" narinig ko namang kinikilig si Juls habang pinapalo sa braso si Maria
"Just go you couple, di pa nakain yang si Ali" pagtataboy naman ni Eli samin habang nakangising nakatingin sakin
"Tara kain tayo, first move ko to Ali bilang manliligaw mo" sabi niya habang inaayos ang gamit ko at nag wink pa siya, napakamot nalang ako sa batok ko.
Nandito kami sa Tita Aurings malapit lang sa school namin kumakain kami ng bbq chicken wings pero nag order pa siya ng original kasi gutom pa siya, athlete nga naman.
"Sarap?" Tanong ko mas gutom pa siya sa akin e', tumigil naman sa pagsubo at tumingin sakin at ngumiti
"Sobra lalo na kasama kitang kumain dito" again tumibok na naman ang puso ko, umiwas nalang ako ng tingin at pinag patuloy ang pagkain narinig ko pa siyang tumatawa kainis.
"May gagawin kapa ba mamaya?" Tanong niya habang nagpupunas ng bibig, napatingin ako doon, bakit ang pula ng labi niya? "Stop harassing my lips in your mind Ali, baka matotoo yan" sabay ngisi niya nakita ako ng lokong nakatingin sa labi niya.
"Asa" inirapan at binato ko sa kanya yung tissue na tumama naman sa mukha niya "mag rereview ako mamaya paguwi, bakit?" Segunda ko sa tanong niya.
"Uhm, I just wanna take you to LPU-Cavite, mag iinquire lang ako doon?" He said, so doon siya magaaral ng college.
Tumingin naman ako sa relo ako at tamang 1 o'clock palang ng tanghali
"Sure samahan kita, just make sure na iuwi mo ako ng 4 or 5 ng hapon need kong mareview" paalala ko sa kanya, ngumiti naman agad siya at tinuloy ang pagkain ng chicken wings niya.
Lyceum of the Philippines University - Cavite, eto ang bumungad sa amin pag pasok palang ng entrance, ang laki ng University na ito, may hotel din sila katabi ng university. Nakapunta na ako dito nung may photography competition na ginanap unfortunately runner up lang ako.
Nasa Office of Student Affairs kami, hinihintay kong lumabas si Seth doon hindi ko alam kung dito ba siya mag aaral o hindi kilala naman kasi etong Rich kid, pwede siya sa Manila mas maraming Universities doon.
Nagulat ako nung kinuha niya ang bag ko di ko akalaing lumabas na siya doon.
"Let's go! It's already 3:30 ihahatid na kita sa inyo" hinawakan niya ang kaliwa kong kamay, eto na naman ang puso ko tumitibok tibok.
"Sa LPU ka mag aaral ng college?" Tanong ko habang tinatahak namin ang hallway palabas ng University
"Dunno, I'm just inquiring maganda din kasi ang Management nila dito but my father wants me in DLSU sa manila, also nasa watchlist na nila ako dahil I'm the Team Captain of warriors" tumingin siya saglit sakin at binuksan ang pinto ng kotse niya para sakin, umupo naman agad siya sa driver seat.
"How 'bout you? Saan ka mag aaral?" Tanong niya habang ini-start ang koste niya
"Uhm. It's either Benilde or Feu-Manila" sabi ko habang hinihila ang seatbelt
"Let me help you with that" sabay lapit niya para abutin ang seatbelt ko
Sa sobrang lapit niya malapit na kaming mag kiss, naamoy mo na ang hininga niya. Parang na nanigas ako sa pagkakaupo ko dito. Naibalik ko lang ang wisyo ko nung nagsalita siya.
"Oh? Benilde? Major in Photography right?" Tanong niya
"Ye..yes but malaki tuition fee nila, Try ko ang scholarship nila" tumitingin ako sa mga tanawin nung hawakan niya ulit ang kamay ko, tumingin agad ako dito at sa kanya
"I like holding your hand" diretso lang siyang nakatingin sa kalsada at halata mong naka ngiti siya
"Why?" Mahina kong sabi
"Kasya sa pagitan ng mga daliri ko" sabay tingin niya sa akin at binalik agad ang tingin sa kalsada
Eto ako namula sa sinabi niya at napa ngiti din.
-----

BINABASA MO ANG
Chasing You
RastgeleHigh School Photographer Ali Louise Ferrer wants to reach her dreams to becoming a Professional Photographer but she meet Anthony Seth Medina a High School Basketball Team Captain of their School changing her life chaotic yet Memorable. But 7 years...