9

13 2 0
                                    

Malayo din ang pinuntahan namin ni Seth, mula Manila napunta kami sa Cavite our Hometown, nasa Sky Ranch kami ngayon at hindi ko alam kung bakit ako dito dinala ni Seth.

"Really? Sky Ranch? Bakit dito?" Bumaba ako sa ranger niya at tinignan ang lugat na ito, malamig at ma presko ang klima dito, eto ang na miss ko sa tagaytay.

Tumabi naman sa akin si Seth at tumingin din sa amusement park habang may ngiti sa mga labi niya ang weird lang naka tuxedo siya tapos  nasa amusement park kami.

"Why not? Ang saya kaya dito, look you can release your stress here at walang masyadong tao ngayon dito dahil weekdays" humarap siya sa akin at nag smirk siya tinaas niya pa kilay niya, napairap nalang ako sa kanya.

Di ko nalang siya pinansin at dumiretso na ako sa counter, sumunod naman at siya na din ang nag bayad ng tickets naming dalawa, naka ride-all-you-can pa kami.

"So what our first ride?" Tanong ko sa kanya, siya ang nagpunta sa akin dito kailangan siya din ang maghahanap ng rides.

"There!" Tinuro niya ang Bumper car at tila mo'y batang ngayon lang nakawala sa hawla, mas masaya pa siya kesa sa akin, umiling nalang ako at sumunod sa kanya.

"Wait Seth!" Hinila ko siya pabalik sa pwesto namin, humarap naman kaagad siya.

Kumunot ang noo niya dahil doon.

"Why? Let's go!" Pagpupumilit niya sa akin pero hindi ako nag patinag.

"Sasakay tayo dyan ganyan ang suot mo?" Tinuro ko ang damit niya kaya napatingin din siya doon, pero ngumiti lang ang walangya pagkatapos niyang suriin ang sarili niya.

"Nah. It's okay biglaan lang naman tong DATE natin" sabi niya habang kinakamot ang batok niya na tila'y nahihiya sa sinabi niya.

Date namin? Last 7 years ago pa ang huli naming date at pinaka masakit na tagpo ng buhay namin yon. He loves me so much kahit pinagtabuyan ko na siya dati. Mahirap makahanap ng isang Seth Medina sa mundo ito.

Lumingon ako sa kaliwa't kanan upang tignan ang mga taong tumitingin samin, hindi pala sa kanya lang tumitingin dahil naka tuxedo siya, buti nalang ako ay naka fitted Jeans at white V-neck shirt with black boots.

"Hayaan mo na sila, sumakay na tayo!" Hinila niya ako papuntang pila ng Bumper Car, kaunti lang naman ang nakapila kaya mabilis din kaming naka sakay sa rides na iyon.

Naiinis lang ako pag tapos ng rides na iyon, alam niyo kung bakit? Dahil ang walanghiya walang ginawa kundi bunguin ako ng bunguin, nilalagay niya pa ako sa gilid at sinabi niya pa hindi daw ako marunong mag drive! Kainis talaga.

"Ali sorry na, di ko naman alam na hindi ka marunong mag drive sa Bumper car" di ko alam kung nag sosorry siya o nang iinsulto eh, di ko nalang siya pinansin at humanap ako ng mauupuan, napagod ako ng kaunti doon ang hirap makaalis sa gutter ah!

"Alam mo mag sosorry ka nalang nag iinsulto kapa" inirapan ko siya sa inis ko.

Hinawalan niya ang kanan kong kamay at pinaharap ako sa kanya

"Hey look at me love" hinawakan niya ang baba ko pinipilit niyang tumingin ako sa kanya at nung tumingin ako sa kanya bigla siya ngumiti ng pagkatamis tamis.

"I'm sorry bati na tayo" niyakap niya ako ng mahigpit kaya ayun bumigay na din ako.

"Oo na sige na bati na tayo, libre mo ako ng pagkain dahil diyan" humiwalay siya sa pagkakayakap sakin at tinawanan ako, adik talaga ito eh.

"Why are you laughing?" Kumunot ang noo ko dahil doon

"You're cute" pinisil niya ang pisngi ko at hinawakan ang kanan kong kamay  let's go na po papakainin na kita" sabi niya at hinila na ako sa isang restaurant

Hermana ang pangalan ng restaurant, pag pasok palang namin maaamoy mo na ang niluluto nilang filipino dishes lalo na ang Bulalo, umorder agad kami tulad ng Bulalo at Sisig dinagdagan ko na din ng fruits at dessert masyadong fatty ang kinakain namin.

"Sakay pa tayo sa ibang rides" nakangiting sabi sa akin ni Seth

"Sure basta wag mo akong kukulitin tulad ng kanina!" Binato ko sa kanya ang isang tissue paper na pinaglalaruan ko habang hinihintay ang pag dating ng pagkain namin, nasalo naman kaagad niya.

"I'm not promise, Love" ngumisi siya at kinindatan ako

Namiss ko ang pagtawag niya sa akin ng "Love" always niyang endearment sakin yan pag binibiro niya ako at nag lalabing siya, tulad ngayon iniinis niya ako. Inirapan ko nalang siya at patagong ngumiti dahil sa kilig.

Buti nalang at dumating na ang pagkain namin at nag simulang tumahimik si Seth, hindi siya tulad ng ibang lalake na maingay kumain,  parang ang style niya eh ninanamnam niya ang bawat pasubo focus talaga siya sa pagkain ganun siya. Minsan lang siya magsasalita sa hapagkainan.

Pagkatapos naming kumain sumakay pa kami sa iba't ibang rides doon ang last stop namin ay sa Sky Eye gusto daw makita ni seth ang sunset, kaya nag madali kaming pumila. Magka harap kaming nakaupo para balance at hinihintay naming makapunta kami sa tuktok para mas maganda ang view ng sunset.

"Thank you" tumingin naman siya sa akin nung sinabi ko iyon

"For what?" Nakakunot ang noo niya, nag tatanong ang mga mata niya

"For giving me a chance to be Happy again" ngumiti ako sa kanya, siya lang ang nagparamdam sakin ng saya at halaga sa buhay ko

Hinawakan naman niya ang kamay ko at hinigpitan iyon.

"I'm going to make you happy and feel more love forever Ali, kahit umalis kapa ulit I'm going to chase you no matter what happens, you're my life Love" he look at me with sincere look plastered in his eyes and hoping that I gained more enjoyment in my life.

"Thank you for not giving up on me" tumulo ang luha ko sa saya, niyakap niya ako at kiniss ang ulo ko

"Hindi ako nag give up sayo kahit kailan kundi minahal pa kita ng todo, Love" pinunasan niya gamit ang daliri niya ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi

"Love, Handa akong maghintay sa mga nangyari sayo 7 years ago at tandaan mong tutulungan kita sa mga desisyon mo, Mahal na Mahal kita Ali" after he said that he pulled me for a kiss.

A kiss that we're longing for a years.

-----

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon