2

25 2 0
                                    

*7 years ago*

"Good Morning Journalist!" Sigaw ni Ma'am Escaño pagpasok niya ng club room namin, siya ang adviser ng Journalist Club.

"Good Morning Ma'am" sagot naming lahat bago kami umupo sa meeting area, pag dumadating kasi itong si Ma'am Escaño may urgent meeting agad ibig sabihin nun makinig ka ng maayos kundi kawawa ka.

"So today we have another upcoming events lalo na ang intrams, this monday ang events na gaganapin are Basketball and Volleyball Men sa oval ng Santiago, isulat niyo to sa planner niyo" advise sa amin ni Ma'am habang tutok sa kanyang mga daliri, bago na naman ang kulay ng mga kuko niya.

"Photographers and Videographer ready as always, kayo ang pinakabusy dito dahil madaming mga tao at need niyo makahanap ng magagandang Shots sa Game, understand?" She added

"Yes ma'am!" Sagot namin mga Photographers at Videographer

"Okay adjourned" sabay tayo niya at umalis, ganun naman si Ma'am magsasabi lang ng gagawin at aalis na agad.

"Hindi kapa aalis?" Tanong sa akin ni Jay isang Videographer ng club

Sinubsob ko ang mukha ko sa lamesa, feeling ko ma stress na naman ako sa darating na events.

"Nah' dito muna ako, I need to breathe" sabi ko sa kanya, kumukuha lang ako ng lakas para mamaya.

"Jay and Ali sama kayo sa akin mamaya sa rooftop, we need to interview the captain of our basketball team" sulpot nitong si Mae, Editor in Chief ng Newpaper namin.

Tinaas ko nalang ang kamay ko at sinenyasan ko siya ng "okay" bilang sagot.

"Tara Jay need ko yung kuha mo sa quiz bee, kukuha ako ng impormasyon doon, Ali after lunch tayo magkita sa rooftop at diresto kana din kumuha ng mga pictures nila okay?" Sabi ni Mae habang hinihila si jay papalayo sa akin

"Sige" yun nalang ang sinabi ko, tumingin muna ako sa relo ko 11:30 pa naman pwede pa akong matulog, wala din namang gagawin ngayon tapos na Test namin at graduating na kami malapit ng magcollege.

After lunch dumiretso ako sa rooftop ng school namin, maraming tao may humihiyaw na nonood ng practice nang warriors may ibang nagpapalipas lang ng oras hinihintay ang uwian. Dumiretso ako sa ibabang upuan malapit doon sa upuan ng warriors, kumuha agad ako ng mga litrato nila on game kasi.

"Medina! Ikaw ang pumasok!" Sigaw nung coach nila

"GO! MEDINA!"
"GO! SETH! AKIN KANA LANG!

Punyeta ang sakit sa tenga, nasa likod  ko lang pala ang mga fans nung medina. Lumayo muna ako doon at dumiretso ako sa upuan nila coach, kakausapin ko na din siya if papayag siyang makipag interview samin at yung captain ng basketball team nila, ang tagal kasing dumating nung mga kasamahan ko. Sabi after lunch, filipino talaga.

"Um. Hi Coach! Pwede maistorbo?" Singit ko, kaso parang galit ata, talas tumingin eh.

"Ano yun?!" Galit nga.

"Um. Can we interview your team especially your Team Captain syempre kasama din kayo. Mamaya after the pratice game po for our Newspaper po" Kalmado kong tanong sa kanya, mahirap na kung sasabay pa ako sa galit niya.

"Ah ikaw pala yung sinabi ni Escaño nasan kasamahan mo?" Tanong sa akin ni coach habang parang hinahanap hanap ang kasamahan ko

Puta nasan na nga ba sila?

"Uhm. On the way na po yun sila" sabay ngiti ko, kahit hindi na ako mapakali sa tagal nila.

"Oh sige mamaya" sabay balik nang tingin sa mga warriors ang suplado pa nga.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon