chapter 2:

29 2 0
                                    

Althea's pov

"Hey! Ba't nag iisa ka baby?" Tanong ni Travis at nilapag ang pagkain niya sa table ko.

"Ang sunget. Baby, nasasaktan ako sa cold treatment mo sa'kin." Halos maibuhos ko na ang coke na hawak ko sa mukha ni Travis ng mag puppy eyes sya. Pero kailangan ko gampanan ang pagiging nerd ko, kaya umiling na lang ako at nag patuloy sa pagkain.

"Arte mo, hmpt. Alam mo ba lahat sila halos magkandarapa makasama lang ako sa isang table, tapos ikaw di ako papansinin. Wow! Baby talk to me." Pangungulit nya pa. Nasaan na ba kasi si Joshua? Ang tagal-tagal.

"Kapatid! Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo dito?" Napatayo ako ng bugahan ako ni Travis ng coke na ininom n'ya. Putspa! Ang baboy. Gosh!

"Takte! Josh, ba't ba nang gugulat ka?" Sigaw ni Travis habang nag pupunas ng tissue sa bibig.

"Hindi, ah! Nagulat ka lang talaga." Sagot ni Joshua at binigyan ako ng tissue.

"May extra ka bang damit? Mag palit ka muna." Sabi nya habang tinitignan ang uniform ko na basang basa dahil sa kagagawan ng kumag nyang kapatid.

"Baby, samahan na kita, ako naman may kasalanan eh." Akmang lalapit s'ya sa'kin ng harangan s'ya ni Joshua.

"Kapatid, sa banyo ang punta nyan. Wag ka na mag tangka." Wala ng nagawa si Travis ng hawakan s'ya ng kapatid n'ya.

"Gosh! 'Di ko ata kakayanin dito. Gusto ko na bumalik sa states." Bulong ko sa sarili habang nag lalakad patungo sa locker ko para kunin ang extrang damit.

"So, totoo nga ang balita na boyfriend mo si Joshua." Biglang dungaw ni Haina habang nag lalakad ako.

"Hindi. Hindi totoo yun, nag kakamali lang kayo." Sagot ko at nag tuloy-tuloy sa paglalakad. Nakakainis naman! Ang malas ngayong araw.

"Anong ginawa mo sakanya ah? Hindi ka maganda para magustuhan n'ya." Sigaw ni Haina at hinablot ang buhok ko. Duh, maganda lang ba dapat magkaroon ng jowa? Bobo nitong babaeng 'to.

"Wala akong ginagawa. Bitawan mo na ako, nasasaktan ako." Pag papaawa ko. Pag ako hindi naka pag pigil sasampalin ko 'to.

"Wala ah? Ang totoo pinakulam mo s'ya! Tignan mo ang itchura mo, mukha kang mangkukulam." Sigaw n'ya sa mukha ko at tinulak ako kaya napasubsob ako sa sahig.

"Hoy! Tigilan n'yo siya." Natigilan sila ng marinig ang boses ni Joshua.

"Kung wala kayong magawa sa buhay n'yo, magtututulog na lang kayo. Hindi yung nanakit kayo ng kapwa!" Galit na sigaw ni Joshua sakanila at inalalayan ako.

"Ok ka lang? Nasaktan ka? Sorry, ngayon lang ako." Sabi niya at sinamahan na ako kumuha ng damit.

"Ok lang, Salamat, lagi kang nandyan pag kailangan kita." Sabi ko sakanya at iniwan na siya para makapag palit ng damit.

"Good afternoon, ma'am." Bati ng maid namin nang makita akong papasok sa bahay.

"Nasaan si daddy?" Agad hinanap ng mata ko si daddy pag pasok sa bahay. Hindi ko na kaya sa school, lilipat nalang ako.

"Nasa garden po may kausap." Habang nag lalakad tinanggal ko na ang pekeng eyeglasses sa mata ko.

"Dad! Hindi ko na kaya! Aalis na ako sa paaralang 'yun. Nakakaloka! Nakaka-stress! Mawawala ang ganda ko dun." Dere-deretsong salita ko pag punta ko sa garden.

"Ganda? Saang banda? Parang wala naman." Napatulala ako ng lapitan ako ni Travis at hawakan ang mukha ko na akala mo may hinahanap, kaya tinapik ko ang kamay n'ya.

"h'wag mo nga ako hawakan." Sabi ko sakanya bago lumapit kay Daddy, nakangisi naman s'ya saakin.

"Travis, tigilan mo si Althea. Umandar na naman ang pagiging maloko mo." Saway sakanya nung matandang katabi ni Daddy. Baka tatay nya.

"Mag kakilala kayo?" Tanong ni Daddy sa'kin, tumango naman ako bilang sagot.

"Mukhang 'di na tayo mahihirapan." Nakangiting sabi nung matanda kay Daddy.

"Bakit, Dad?" Bulong ko sakanya, nakakahiya naman na lakasan ko ang boses ko sabihin chismosa pa ako.

"Napag desisyunan kasi namin naipakasal kayong dalawa." Sagot ni Dad, napatulala pa ako ng 5 seconds bago maka react.

"Haaaaaa?"

"Hakdog!" Sigaw ni Travis.

"Hambalusin ko ulo mo kapag hindi ka tumigil " Sagot ko sakanya at inirapan siya.

"Pero dad, alam mo naman ang dahilan ba't andito ako sa pilipinas. Babalik din ako sa states, hindi ako mag tatagal dito." Mangiyak-ngiyak na sabi ko sakanya. Ang daming tao sa mundo, bakit etong Trevor pa.

"Kaya ko nga 'to ginagawa para di ka na mahirapan pa, hindi mo na kailangan mag tago sa ex mo." Aangal pa sana ako pero pinag dilatan niya na ako.

"Ayos na ang lahat Richard." Masayang sabi ni Daddy dun sa kausap niya na matanda.

"Kung ganon edi pag usapan na natin kung kailan gaganapin ang kasal, Allan." Sabi naman niya kay Daddy. Tinignan ko si Travis at nakabusangot ang mukha niya. Wow! lugi pa ba siya sa mukha ko. Aba tiba-tiba na siya sa'kin.

"Tss, sexy nga panget naman. Kawawa ang ka-gwapuhan ko nito." Rinig kong bulong niya sa sarili niya kaya binatukan ko siya.

"Fyi, mas kawawa ako sayo! Imagine, magpapakasal ako sa tulad mo. Aba! Baka pag nag kaanak tayo eh, ako lang ang mag alaga, dahil ikaw busy sa kabet mo." Sigaw ko sakanya, napangisi naman siya.

"Tsk, hindi pa nga tayo na ikakasal anak na agad ang naiisip mo, 'wag mo masyadong ipahala na patay na patay ka sa'kin." Mayabang na sabi niya kaya lalo akong nainis.

"Baka lang naman yun ah! Napaka yabang mo! Porket gwapo ka? Duh, mas gwapo ex ko sayo." Sigaw ko sakanya at nag walk out.

that playboy is my fiancèTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon