chapter 17

17 2 0
                                    

Althea's Pov

"uuwi kana?" Nagulat ako ng makita si Joshua sa harapan ko.

"Oo, bakit?" Sumabay siya saamin ni Shenel sa paglalakad.

"Sama ka camping?" Tanong niya.

"Oo, ikaw ba? Pupunta nga ako sa mall mamaya para bumili ng damit eh." Sabi ko sakanya. Tinignan ko siya at si Shenel na parang naiilang sa isa't isa.

"May problema kayo?" Agad silang sumagot sa'kin ng sabay.

"Wala." Tumango na lang ako sakanila at nag lakad pa-atras para makita sila. Nang-aasar.

"Tsk, ginagawa mo? Bubuang ka nanaman?" Nagulat ako nang hawakan ni Travis ang balikat ko at iharap sakanya.

"Una na ako guys." Mabilis pa sa kidlat na umalis si Joshua matapos makita ang kumag n'yang kapatid.

"Ginawa mo dun? Tinakot mo 'no? Sabagay, nakakatakot naman talaga mukha mo." Pang-aasar ko sakanya.

"Tara uwi na tayo." Hindi pa ako nakakapag paalam kay Shenel hinatak niya na ako.

"Kala ko uuwi tayo?" Tanong ko sakanya dahil ibang ang daan na tinatahak niya.

"Sa mall tayo, baby. Bibili tayo ng mga kailangan natin para bukas." Nakangiting sabi niya. Ok, kasama s'ya. HAHAHA.

"Grocery tayo." Kumuha na s'ya ng cart at tinulak 'yun papasok, ako naman ay nakasunod lang sakanya at pinandidilatan ng mata 'yung mga babaeng grabe makatingin kay Travis.
"Hoy, sino kaaway mo d'yan?" Napatigil ako sa pag-bubulong na ginagawa ko nang kausapin ako ng kumag.

"Wala! Ano nabili mo na dapat bilhin?" Masungit na sabi ko sakanya at inayos ang eyeglasses ko.

"Sungit. Bilhan na rin ba kitang napkin, baby?" Pang aasar niya.

"D'yan ka lang ah." Iniwan ko s'ya sa pila at pumasok sa isang boutique.

"Ba't ganyan itchura mo?" Halos mapatalon si Shenel sa gulat nang magsalita ako mula sa likod n'ya.

"No-nothing." Nag lakad-lakad siya kaya sinundan ko siya.

"Bakit nga? Piling spykids ka dyan eh." Para kasi s'yang ewan na balot na balot ang mukha, tapos nagtatago pa sa mga damit.

"Wala nga baliw HAHA why are you here ba? Kasama mo si Travis ah." Pag iiba n'ya nang usapan. Ay! Kasama ko pala ang kumag.

"Owemji! Nalimutan ko, baka inaantay na ako nun."

"Psh, sige na puntahan mo na. I'm ok na here." Pag sisigura n'ya.

"Sige, bye na. I love you. See you tomorrow." Bumeso pa ako sakanya at tumakbo papunta kung nasaan si Travis.

"Bumili ka dun?" Tanong niya at binitbit ang mga pinamili n'ya.

"May nakita kang dala ko?"

"Nagnakaw ka? Tapos pinasa mo sa kasabwat mo kaya wala kang dala? Gosh, hindi kita kilala you if ever na may pulis ah." Sabi niya at nag tuloy-tuloy sa pag lalakad.

"Clown ka?" Umiling siya sa'kin at pumasok sa isang fast food chain.

"Kain muna tayo, baby." Siya na ang umorder habang ako naman ang nag hanap ng upuan naming dalawa.

"Kasali ka sa Mr and Mrs Campus?" Tanong ko sakanya habang nakain kami.

"Oo naman, lagi naman akong kasali do'n eh, wala ng bago HAHA." Pag yayabang niya. Sabagay, pogi naman siya, walang duda.

"Sino partner mo?" Ako kaya sino partner ko? Kung pwede lang si Travis eh, kaso bawal kasi hindi kami classmate.

"Si Haina, 'wag ka mag selos ah." Sabi n'ya pa, kaselos-selos ba yun?

"Speaking of the devil." Napa-angat ako ng ulo dahil sa sinabi ni Travis. At oo nandito si Haina sa harap namin.

"Hi, balita ko sasali ka daw sa Mr and Mrs Campus, totoo ba?" Dalawa sila ni Travis ang nakatingin sa'kin.

"Oo, bakit may problema?" Ngumisi lang s'ya ng nakakaloko sa'kin

"Well, goodluck kung mananalo ka sa'kin." Sabi niya at tinawag ang mga kaibigan niyang kala mo sidekick ni McDonald's.

"Sasali ka pala, sino partner mo?"

"Ewan ko rin eh." Sagot ko sakanya at tinapos na ang pagkain.

that playboy is my fiancèTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon