chapter 18:

32 3 0
                                    

Althea's pov

"Stop mo saglet d'yan." Utos ko kay Travis. Papunta na kami sa school para ng may nakita akong bakery sa tabi.

"Ate, pabili po." Agad lumapit si Ateng Tindera sa'kin.

"Ano?" Sagot n'ya at tinignan si Travis. Wew, ako na bili ta's si Travis na kumag titignan, umayos ka ate nag seselos ako. Char.

"May putok po kayo?" Tanong ko sakanya, kahit nakita ko naman na meron.

"Oo, ilan ba bibilhin mo?"

"May putok ka ate? Ta's pabibili mo sakanya? Aba, hindi naman tama 'yun. Imbis na ang bango-bango ng mapapangasawa ko eh, bibigyan mo ng putok." Pigil ang tawa ko dahil sa mga sinabi ni Travis.

"Excuse me, kahit tumira ka sa kili-kili ko, walang amoy 'yan." Pakikipag talo mo Ate.

"Mga sampu ate. Ikaw, anong gusto mo?" Tanong ko kay Travis na nandidiring tinignan si Ate.

"Ayoko bumili may putok s'ya." Bulong n'ya pero mukhang narinig ni Ate at tumawa nang malakas.

"Tangek, tinapay 'yong putok." Sabi ko sakanya at kinuha na ang putok na inaabot ni Ate.

"Salamat po." Inabot ko ang singkwenta pesos at umalis na.

_____

"Hello." Bati ni Shenel sa'kin at humalik sa pisnge ko.

"Saan bus natin?" Tanong ko sakanya. Iba-iba ang bus na sasakyan na'min, pero hindi ko alam dito kay Travis ba't nakasunod pa rin sa'kin.

"Hey," pansin ni Shenel kay Travis at nauna nang lumakad papunta sa sasakyan namin.

"Anong bus number mo? Pumunta kana roon." Sabi ko sakanya pag sakay sa bus na sasakyan namin.

"Nakausap ko na isa mong kaklase, nag palit kami." Paliwanag n'ya at pumwesto kami sa bandang likod.

"Trav, may plastik kang dala?" Tanong ko sakanya. Na suka kasi ako sa byahe.

"Wala, bakit? Nasusuka ka? May gamot ako dito." Sunod-sunod na sabi n'ya at binigay sa'kin ang isang gamot.

"Ano 'to?" Tanong ko sakanya. Binuksan ko na ang gamot at ininom 'yon.

"Bonamin 'yan." Sagot n'ya tumango na lang ako sakanya dahil nag umapisa na ring umandar ang bus.

Natulog na lang ako dahil inaantok ako, aga ko kaya nagising. Gigisingin na lang ako ni Travis pag nag iistop over kami.

"Oh, kala ko ba ayaw mo n'yan?" Tanong ko kay Travis dahil nakikikutkot din s'ya sa putok na binili ko.

"Masarap pala s'ya." Sagot n'ya at kinuha ang tubig na ini-inom ko. Natulog ulit ako pag tapos namin kumain.

"We're here na. Wake up." Nagising ako sa bunganga ni Shenel. Nilibot ko ang paningin ko, kaming tatlo na lang pala ang nandito.

"Hmm. Sorry, nakatulog ako." Sabi ni Travis at isa-isa nang kinuha ang mga gamit namin at lumabas na kami.

Nandito na kami sa Tagaytay Highland.

Pag baba ko sa bus kanya kanyang lakad na ang mga estudyante at kung saan nila ilalagay ang mga tent nila. Mag lalakad na sana kami ni Travis para mag hanap ng pwesto ng may mag salita sa harap namin.

"Hi, may boyfriend kana? Kung pwede ako na lang?" Tanong ni kuya at nakatingin sa'kin. Kakagulat si koyah mga teh.

"Ha? Hangin. Kulang sa hangin utak mo." Sabi ni Travis at tinignan nang masama yung lalaki. Tingin ko mas matanda kami dito eh.

"Boyfriend ka ba n'ya?" Tanong nung lalaki. Sorry, pero fiancè ko s'ya. maingit ka please. Chos HAHAHA.

"Oo bakit? Diba sinasagot mo na ako?" Tanong ni Travis at tinignan ako. Nag sisimula na ring tignan kami ng mga tao dito.

"Eh, nanliligaw ka lang pala eh." Sabi nung bata.

"Pero sasagutin n'ya ako ngayon." Confidence na sabi ni Travis.

"Diba? Oo o hindi, baby." Sabi ni Travis. Kakaloka, walang pinipili ang kalandian namin, dito pa nag liligawan.

"Ah. oo, sinasagot na kita." Sabi ko at nagulat ako nang tumili si Shenel.

"Yiiee, baby ang galing mo!" Sigaw ni Shenel at inakbayan s'ya nung bata.

"Anong meron?" Nalilitong tanong ko. Tinignan ko si Travis na nakangisi lang. Hindi nila ako sinagot, umalis si Shenel at 'yong baby na tinatawag n'ya.

"Girlfriend na kita ah." Sabi ni Travis at hinawakan ang kamay ko hanggang sa mapunta kami pwesto kung saan namin ilalagay ang tent namin.

"Dinaya n'yo ako! Boyfriend ni Shenel 'yon, ginamit n'yo s'ya para mapasagot ako." Sabi ko sakanya at nag cross arm habang tinitignan s'yang ayusin ang tent.

"No. Sumagot kana." Pakikipag talo n'ya.

"Yes. Joke lang 'yong sagot ko." Sabi ko sakanya at nakipag palitan nang masamang tingin, agad din s'yang nag iwas nang tngin.

"Oo na kasi, wala na dapat bawian." Pag mamaktol n'ya.

"Hoy, tawag tayo do'n." Tawag ng isang kaklase ko sa'kin at nauna ng umalis.

"Tapos ka na? Arat." Tinignan ko s'ya at mukhang wala s'yang balak umalis sa pwesto n'ya.

"Tara na." Ulit ko. Umiling lang s'ya sa'ki. Luh, parang tanga

"Kulit," bulong ko sa sarili at nilapitan si Travis. "Oo na sinasagot na kita." Agad sumilay ang ngiti sakanyang labi at parang tanga na niyakap ako at nagtatatalon.

"Walang bawian yan ah." Sabi nya, tango at ngiti lang ang sinagot ko sakanya.

____

"Anong meron?" Tanong ko kay Shenel. Kadarating lang namin ni Travis dahil ngayon lang n'ya natapos ang tent ko.

"Games." Sagot ni Shenel at pinanood ang mga manlalaro, nanood na lang rin ako. Ang iba ay nagapang sa putikan habang ang mga kakampi nila ay nag aabang sa kabila, tatapikin nila ang kakampi nila at do'n mag uumpisang kumilos ang mga kakampi nila. Paunahan sa pag akyat sa poll para makuha ang plug at ipasa sa isa pang kakampi na dadaan sa mga gulong. Kalaunan ang team blue ang nanalo. Tuwang-tuwa ang Shenel dahil grupo raw 'yon ng Boyfriend n'ya.

"Gutom kana? Tara, may pagkain dun." Hinawakan ni Travis ang kamay ko.

"Sweet. Wala kasi si Josh, kaya kay Travis na landi." Gulat ako nang bumungad si Haina sa harap namin. Kabute ka gurl?

"Get lost." Sabi ni Travis pero tinaasan lang s'ya ng kilay ni Haina. Maldita s'ya veh.

Tinignan ako ni Haina at handa nang awayin pero nilagpasan ko lang s'ya. Pake ko sakanya? nagugutom ako h'wag n'ya akong pinag kaka-usap.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

that playboy is my fiancèTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon