chapter 6:

18 2 0
                                    

Travis's pov

Tahimik akong nag mumuni-muni sa kwarto ko ng may kumatok.

"Travis! Please open this door." Binuksan ko ang pinto na ginigiba ni Panget.

"Bakit Panget?" Napatigil ako ng ibang mukha ang bumungad sa'kin, "Sino ka? Nasaan si wifey?" Walang pakundangan na pumasok 'yung babae sa kwarto ko.

"Sino ka? Pa'no ka nakapasok dito?" Lumapit ako dun sa babae na ngayon ay nasa kama ko na. Kapal ng muks, porket ata maganda s'ya kala niya 'di ko s'ya sisipain palabas.

"Si Althea ako." Tumawa ako ng malakas sa harap niya. "Putcha, maniwala ka si Althea ako." Nakangusong sabi niya sa'kin.

"Weh? Patunay nga." Dumikit ako sakanya. Si Althea kasi ay ayaw na nilalapitan ko, kala mo maganda.

"Dun ka nga." Napasubsob ako sa sahig ng malakas niya akong itulak.

"Ba't ka ba nandito? Lakas ng loob mong pumunta dito, tapos itutulak mo ako." Umayos ako ng upo. Nagulat naman ako ng kumidlat ay halos mapatalon na siya sa'kin.

"Kasi... kasi na tatakot ako sa kulog." Paliwanag niya at nag taklob na ng kumot ng kumulog na.

"Putcha, sa sofa pa ako matutulog." Palakad na sana ako sa sofa ng hawakan ni Althea ang kamay ko.

"H'wag mo akong iwan." Pag-mamakaawa niya.

"Oa mo naman, do'n lang ako sa sofa. Alam ko naman na maarte ka, 'di ka papayag na makatabi ako sa kama." Napa irap siya sa sinabi ko. Totoo naman na maarte siya.

"Pa-payag na ako na tabi tayo matulog." Nag aalangan na sabi niya.

"H'wag kang mag alala 'di kita gagalawin." Sabi ko at tumabi na sakanya, tinanguan niya naman ako bago ako niyakap.

Althea's pov

Damang-dama ko ang unan na yakap ko ngayon. Wala namang pasok kaya matutulog na lang ako buong araw dito sa kwarto ko.

"Hmm, aray ang sakit." Napabalikwas ako ng higa ng mag salita ang yakap ko na unan.

"Shit! hoy, bakit ka nandito ah? Ang kapal ng mukha mo tumabi sa'kin!" Pinag hahampas ko ng unan si Travis kaya galit siyang umupo.

"Hoy ka din! Ang kapal din ng mukha mo! Pag tapos kitang patulugin sa kwarto ko, ganto gagawin mo sa'kin? Walang utang na loob!" Naibaba ko ang hawak kong unan at nilibot ang paningin sa kwarto. Putek, 'di ko kwarto 'to. Nahihiyang tumingin ako kay Travis na ngayon ay nakahiga nanaman sa kama niya.

"So-sorry, nawala sa isip ko, dito pala ako nakitulog." Nag mamadali akong lumabas ng kwarto niya, pero nasa pinto pa lang ako nag salita nanaman siya.

"Oh, aalis kana? Ayaw mo ba yakapin ako ulit? Enjoy na enjoy kang bruha ka sa yakap ko." Batid kong nakangisi siya habang sinasabi 'yun, malakas kong sinarado ang pinto niya na nag dulot ng ingay.

"Bruhilda ka! Pag ako 'di nakapag timpi sa'yo, aanakan kita!" Sigaw niya pa bago ako makapasok sa kwarto ko.

"Takte. nakakahiya, ang lakas pa ng loob ko awayin 'yung tao." Kausap ko sa sarili ko pag pasok ko sa kwarto at nag pagulong-gulong sa kama ko. "Kapal ng mukha niya rin para tawagin akong bruha. Lintek lang ang walang ganti. BWUAHAHAHAHA." Tumawa ako hanggang sa nabilaukan ako kaya tumahimik ako at nag ayos ng sarili para pag handaan siya ng pagkain.

that playboy is my fiancèTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon