chapter 7:

18 2 0
                                    

Althea's pov

Hinanda ko na ang pagkain ng makitang pababa na si Travis.

"Wow! nag luto ang bruha." Masiglang sabi niya at umupo sa tapat ko.

"Pasasalamat ko 'yan kasi pinatulog mo ako sa kwarto mo." Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti, ngiti na 'di niya malilimutan.

"Naks, bait mo naman..." napatigil siya sa pag sasalita at tumakbo papunta ng lababo.

"Bruhilda ka talagang babae ka!"

"Masarap ba?" Pag aasar ko sakanya, nilagyan ko kasi ng napakaraming sili sa loob 'yung hotdog.

"Impakta ka! Pagbabayaran mo 'to." Padabog siyang bumalik ulit sa lamesa at hiniwa sa gitna ang mga hotdog. Sinisigudo kung may sila pa 'yung hotdog

"Aalis ako mamaya, sama ka?"tinitigan nya muna ako bago magsalita ulit "H'wag na pala. Mag laba ka na lang, wifey." Kapal ng muks ako pa paglalabahin.

"Wowers! Ako na nag luto, ako pa mag lalaba? 'Di naman makapal mukha mo n'yan?" Binaba niya ang hawak na kutsara at tinignan ako.

"Sige, tayong dalawa na lang ang mag laba. Tawagan ko lang mga kaibigan ko." Umalis na siya sa harap ko.

"Palusot. tapos na kasi kumain kaya umalis na, ayaw mag hugas ng plato." Bulong ko at inayos na ang kinainan namin. Putek, fiancee n'ya ako 'di niya ako katulong.

"Pa'no kung si Josh na lang ang maging fiancè ko? Sana pinapili ako ni Daddy sa dalawang magkapatid. Hindi 'yung si Travis agad ang ipapakasal sa'kin. Hmp." Inimagine ko pa lang na si Josh ang magiging asawa ko ang saya na. Pag siya ang nakatuluyan ko 'di ganto na taga hugas ako ng plato, 'di taga laba.

"May gusto ka sa kapatid ko." Napatigil ako mag imagine ng marinig ang boses ng kumag na si Travis.

"Oo, bakit? May problema ka dun?" Tinaasan ko pa siya ng kilay bago banlawan ang plato.

"Pwes, hindi ka niya gusto! Hindi ganyan ang type nun. Alam mo type nun? 'Yung mala Haina Trinidad." Napaka epal naman nitong kumag na 'to, minsan na lang ako mag kagusto eh.

"Pa'no mo nalaman? 'Yung Haina na 'yun? Panget panget nun, mukhang pwet! 'Di 'yun gusto ni Josh." Pilit kong tinatanggal sa isip ko ang mga sinabi ni Trevor.

"Pa'no ko nalaman? Syempre kapatid ko 'yun, bobo! Saka inagaw n'ya si Haina sa'kin. Aagawin niya ba 'yun kung 'di niga gusto." Oww may past pala sila nung panget, makichismis nga.

"Ay weh? Pa'no? Pumapatol ka pala sa panget, akala ko sa tindera lang eh." Lumapit ako sakanya na ngayon ay naka-upo na sa sofa dito sa sala.

"Oo, fiancee ko nga panget eh." Mabilis ko siyang binatukan, sama ng ugali.

"Aray naman, totoo naman ah." Hindi ko na siya sinagot pa.

"Kwento kana dali." Bumuntong hininga muna sya. Baho ah.

"Napaka chismosa mo namang nerd ka." Napairap na lang ako, daming alam mag kekwento na lang manlalait pa. "First girlfriend ko si Haina, first love, first kiss. Kababata ko siya. Pag graduate namin ng elementary niligawan ko agad siya." Tumigil muna siya at tinignan ako. Amputa, pabitin.

"Aga niyo naman pala lumandi, nung first year ako nakikipag suntukan lang ako sa mga kaklase kong uhugin eh." Pag ke-kwento ko.

"Nung tumuntong kami ng second year dumating si Joshua, do'n kasi siya sa probinsya lumaki. Tapos ang loko inahas si Haina sa'kin, nahuli ko sila eh." Napahawak pa ako sa bibig ko.

"Kawawa ka naman pala kung ganon, kaya ka siguro naging playboy 'no." Tango lang ang sinagot nya sa'kin. Yakapin ko kaya? Mukhang iiyak eh, tapos sabihin ko sakanya, 'ako na lang mahalin niya'. Baka maging effective, kasi ganon 'yung mga nakikita ko eh. Kunwari comfort-comfort nila 'yung mga broken, tapos malaman-laman mo sila na nung broken o kaya nilalandi niya na 'yung broken.

"Hoy bruha, ba't natulala ka na d'yan?" Napatingin ako kay Travis na nakatayo na sa harap.

"Wala, iniisip ko lang ano nagustuhan niyo sa impaktita na yun." Hindi niya ako sinagot.

"Maglalaba na tayo, tapos na ang chismis." Hinatak niya na ako hanggang sa makarating kami sa likod bahay.

that playboy is my fiancèTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon