chapter 11:

21 2 1
                                    

Althea's pov

Pababa na ako ng may humarang sa daan ko, napasinghap ako ng makitang si James 'yun at nakatingin ng deretso sa'kin.

"Excuse me." Nilagpasan ko siya pero nag salita siya dahilan para mahinto ako.

"Thea, can we talk?" Napaharap ako sakanya na ngayon ay nakaharap din pala sa'kin.

"Pa'no kung ayaw ko?" Tanong ko sakanya habang nakataas ang kilay.

"Please, kahit dito na lang." Pag mamakaawa niya, wala pa namang text si Travis sa'kin na nasa baba na siya kaya pumayag ako.

"Ghe lang." Tumango ako sakanya, nagulat ako ng lumuhod siya at hawakan ng kamay ko, buti na lang at wala ng mga estudyante.

"Sorry for what I've done to you." Tinitigan ko lang siyang magmukhang tanga sa harapan ko

"I still love you. Please, comeback to me." Sabi niya kaya napatawa ako.

"Ul*l! Comeback mo mukha mo! Pag tapos mo ako lokohin at saktan. Sabihin mo balik ako sayo? G*go kaba?" Tinanggal ko ang kamay niya na nakahawak sa'kin.

"Sorry, I was so dumb that time. Please, forgive me." Umiling-iling ako sakanya at pilit siyang pinatayo.

"Tumayo ka d'yan, mukha kang tanga." Mabilis naman siyang tumayo at niyakap ako.

"I love you." Napasigaw ako ng bigla ng mapataob si James.

"Bobo ka? Ayaw na sayo diba? Ba't pinipilit mo pa?" Galit na sabi ni Travis habang basang-basa siya. Pag tingin ko sa labas ay naulan na pala.

"Sino ka? Wala kang pake, dude." Sasapakin pa sana ni Travis si James pero inawat ko na siya.

"H'wag ka ng babalik dito! Naiintindihan mo? Kung hindi babasagin ko pagmumukha mo." Hinatak na ako ni Travis palayo sakanya.

"Ano ginawa n'ya sayo? Nasaktan ka?" Ang kaninang galet na galet na awra niya ay napalitan ng pag aalala.

"Wa-wala. Ba't basang-basa ka?" Pag iiba ko ng usapan, umikot naman ang eyeballs niya.

"Duh, kanina pa ako nag aantay sayo sa baba, tawag ng tawag sayo. Kala ko nga iniwan mo na ako eh, buti may nagsabi na nandito ka." Sabi niya at inalalayan ako pumasok sa kotse niya.

"Weh? Ba't 'di ko nararamdaman na tumatawag ka." Tinignan ko ang cellphone ko at naka silent pala yun kaya di ko napansin na natawag siya.

"Sorry." Tumango lang siya at drive na paalis. Habang nasa byahe kami ay singhot siya ng singhot.

"Baka ma singhot mo ako ah, laki pa naman ng butas ng ilong mo." Pag bibiro ko sakaniya pero tinaas niya lang ang sulok ng labi niya.

"Excuse me, pointed noise yan, sis. Baka ikaw 'yung malaki." Pang-aasar niya. Huh? Sexy ko kaya.

"Malaki? Duh, mas sexy pa ako sa mga ex mo eh." Sabi ko sakanya at nag facebook na lang para 'di na siya kausapin.

"Aching! Ang lamig." Rinig kong sabi niya, tinignan ko naman ang kotse niya kung may jacket dun pero wala.

"Bilisan mo na para makauwi na agad tayo." Sabi ko sakanya habang kachat ang gagang si Shenel.

Shenel: ghorl! What happened? Nabasa ko sa gc na may nakakita daw sayo na may kasamang guy. Ikaw ah nalandi ka ng wala ako.

Ako: gaga! Si James lang 'yun.

Shenel: I thought another awra yarn eh. Btw, bye bye na kailangan ko muna lumandi.

Pinatay ko na ang cellphone ko at tinignan si Travis na tinitignan ako, problema nito?

"Bakit? Ganda ko 'no." Sabi ko sakanya pero tinarayan ako.

"Nandito na tayo sa bahay." Sabi niya kaya tumingin ako sa labas.

"Oh, bakit nandito ka pa? Hindi mo man lang sinabi." Bumaba na ako at pumasok sa bahay.

"Busy ka sa kachat mo." Iniwan niya ako at pumasok na sa kwarto niya

that playboy is my fiancèTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon