chapter 12:

15 2 0
                                    

Althea's pov

Naglilinis ako ng katawan ng tumawag si Travis sa'kin.

"Problema?" Bungad ko sakanya habang pinapatay ang shower.

["Dalhan mo na lang ako ng pagkain dito."] Narinig ko pang bumahing siya.

"Sige, wait mo ako dyan." Madali akong nag bihis at nag luto ng sopas sa baba.

"Travis, kain na." Sumilip muna ako sa pinto niya bago pumasok

"Salamat." Hinawakan ko ang leeg niya ng mapansin na namumutla siya.

"Luh, may sakit ka beh." Sabi ko sakanya nang mahipo siya.

"Luh? Totoo? Nakakaiyak naman." Sarcastic na sabi niya. Sarap batukan.

"May gamot ka ba dito? Teka, 'di ka pa pala nag papalit." Pumunta ko sa cabinet niya para kuhanan siya ng damit.

"Kuha lang akong tubig." Umalis na ako sa kwarto niya at kinuha ang mga kailangan ko. Tinext ko rin si Shenel at sinabing 'di ako papasok bukas.

"Inumin mo oh tapos hubarin mo uniform mo." Utos ko sakanya agad niya namang niyakap ang sarili.

"H'wag po! Virgin pa po ako pero kung pipilitin mo pwede naman." Mabilis niyang tinanggal sa butones ang polo niya

"Puro ka katarantaduhan." Sinimulan ko na siyang punas at pagpalitin ng damit.

"Ba't pala ganyan mukha mo? Mas maganda ka pag nerd." Wala sa sariling sabi niya. Luh, nag ha-hallucinate ata siya.

"Pag naka nerd ka at panget ka, wala akong kaagaw sayo." Kinapa ko ang mukha ko, nalimutan ko pala ilagay ang salamin ko at pekeng pimples.

"Tse! Yan ka na naman sa kalokohan mo." Uminit ang pisnge ko ng hawakan niya ang kamay ko.

"I like you." Sabi niya bago pinikit ang mata, kukulitin ko pa sana siya pero nakatulog na ata siya.

Travis's pov
"Bweset, ba't ka natulog agad? Makikichismis pa ako eh." Kahit kailangan napaka chismosa netong bruha na 'to.

"Like mo ako? Yan ah." Mapang asar na sabi niya, pinilit ko 'wag ngumiti dahil alam niya na tulog na ako.

"Kaso 'di kita like. Saet naman nun." Napadilat ako sa sinabi niya.

"Sinong like mo, aber?" Nakataas na kilay na sabi ko sakanya.

"Si Joshua." Nakangising sabi niya.

"Tch, 'di ako papayag." Sabi ko sakanya at tinalikuran siya.

"Charing lang." Sabi niya at niyuyugyog ako pero nanatili akong nakapikit at 'di siya hinaharap. Ha! Manigas siya.

"Dito ako sa tabi mo matutulog ah, wala ka naman sigurong gagawin sa'kin." Bahagya akong umurong ng tumabi siya sa'kin at yakapin ko.

"Pagaling ka ah." Huling sabi niya at matulog na

"A-aray."

"Ano ba ang ingay mo naman eh." Kinusot-kusot niya pa ang mata niya at tinignan ako na nandito naka upo sa lapag.

"Ginagawa mo d'yan? Ang likot mo naman matulog." Sabi niya at tinulungan ako tumayo.

"Wow, ako pa malikot matulog, nakakahiya naman sayo." Humiga ulit ako sa kama.

"Wala ka na bang sakit?" Nanigas ako ng hinipo niya ang leeg ko.

"Bakit? Aalis ka ba?" Inalis ko ang kamay niya na nakahawa sa leeg ko.

"Hindi, nag tatanong lang ako." Sabi niya at tumayo.

"Pahinga ka muna d'yan, mag luluto lang ako ng pagkain natin." Sinundan ko pa siya ng tingin bago nahiga ulit.

that playboy is my fiancèTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon