chapter 13:

22 2 0
                                    

Althea's pov

"Tagal mo naman." Reklamo ni Travis. Hindi na nahiya! Pasalamat siya may sakit siya.

"Eto na ho Travis." Inilapag ko sa harap niya ang tinapay at Juice.

"Oh, bakit? May kulang ba d'yan?" Takang tanong ko nang mapansin na nakatitig lang siya sa'kin.

"Sabi ko diba pag tinatawag mo ako lalagyan mo ng master. Now say it again." Napa irap ako sa kaartehan nitong kumag na 'to.

"Oh, ano? Aangal ka?" Halos sabutan ko na siya ng mag cross arm sya sa harap ko at taasan ako ng kilay. Lalaki ba 'to? Attitude ah.

"Hindi ho Master." Sagot ko sakanya. Para naman siyang tangang pumalakpak at ngumiti sa'kin.

"Ayan, kung ganyan ka lagi sa'kin, edi magkakasundo tayo." Pina-ikot niya pa ang dulo nang buhok ko sa daliri niya.

"Hep! Dito ka umupo." Umusog siya ng konti sa sofa na inuupuam niya at do'n ako pina-upo. Nandito kami sa sala para manood daw nang Netflix. Ayaw ko mang payagan siya para makapag pahinga siya, pero nag pumilit ang kumag. Kesyo mas lalo daw s'yang lalagnatin pag naka-higa lang siya.

"Pag magaling na ako bukas..." Salita niya bigla pag-katabi ko sakaniya.

"Ano gagawin mo? Mambabae ka ulit?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi, baliw." Depensa niya.

"Hindi ako nag-kakamali?"

"Heh! Nasa kalagitnaan na ako nang pagbabago. Please, h'wag mo ako demonyuhin." Inirapan ko na lang siya at nag-patuloy sa panonood.

"Hoy, pag magaling na ako, date tayo." Hinatak-hatak niya pa ang ilalim ng sleeve ng t-shirt ko na parang bata.

"Ayoko nga." Pag iinarte ko. Pero gusto ko rin naman din HAHAHA pabebe ako eh.

"Sa ayaw at sa gusto mo mag dadate tayo." Nakangiting sabi niya at hindi na ako kinulit.

"Paladesi ka ah." Tinignan niya naman ako nang may nag tatakang expression.

"Paladesi? Ano yun? Pandesal lang alam ko eh." Sabi niya at sinabayan ng tawa.

"Corny mo ghorl." Napatigil siya sa pag-tawa at tinignan ako.

"So, ano nga 'yung paladesi?"

"Paladesi means Paladesisyon." Sabi ko sakanya. Buti na lang at naging tahimik na kaming dalawa kaya napanood ko nang maayos 'yung palabas.

"Gutom na ako. Yaya, pag luto mo ang iyong master." Pinakyu ko siya bago tumungo sa kusina at ipagluto siya ng pagkain.

"Masarap dapat ah! 'Di ko kakainin pag hindi masarap." Pagahabol na sigaw niya, dinungaw ko siya mula sa pinto ng kusina at nag salita.

"Ako masarap." Nakangising sabi ko sakanya, inirapan na lang ako at umiwas nang tingin.

"Travis! Arat dito, tikman mo luto ko." Sigaw ko. Agad naman s'yang pumunta sa likuran ko.

"Saan?" Tanong niya at tumingin saakin. Nasa mag-kabilang gilid ang braso niya kaya nasa gitna niya ako.

"He-heto... Tikman... Tikman mo." Nanginginig kong tinuro ang kasirola sa harap namin.

"Subuan mo ako." Nakangising sabi niya.

"Ayaw ko nga! May kamay ka kaya mo na 'yan." Sabi ko sakanya at yumuko para lumusot sa braso niya.

"Arte. Hmpt." Kinuha niya ang kutsara saka tinikman 'yung luto ko.

"Masarap?" Tanong ko sakanya.

"Masarap ako. HAHAHA." Napabusangot ako ng hindi niya sagutin ang tanong ko.

"Oo na, masarap." Pina-upo ko na siya sa lamesa at hinandaan ng pagkain.

"D'yan ka matutulog?" Tanong ni Travis sa'kin nang buksan ko ang pinto nang kwarto ko.

"Hindi, kuha lang ako nang damit." Tumango na siya sa'kin at pumasok sa kwarto ko.

"Gagawin mo dito? Do'n kana sa kwarto mo, babalikan naman kita do'n."

"Dito na lang tayo matulog." Sabi niya at humiga sa kama ko.

"Hindi ka ba maliligo o hilamos man lang?" Tanong ko sakanya at pumasok na sa banyo.

"Dito na lang din ako maghihilamos." Tumango na lang ako kahit 'di niya ako nakikita.

"Hoy, tulog kana? Usog ka konti." Kakatapos ko lang mag patuyo nang buhok, eto namang si Travis pag labas ko sa banyo ay nakaligo na.

"Hmm... shh, 'wag kang maingay, natutulog na ang iyong master." Umikot siya paharap sa'kin at... at niyakap niya ako! Owemji!

that playboy is my fiancèTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon