chapter 16:

21 2 0
                                    

Athea's pov

Madaling araw na pero gising pa rin ako. Wengya, may pasok pa ako mamaya.

"Nakakaloko kasi 'tong si Travis eh." Inis na sabi ko at nag pagulong-gulong sa kama ko, nabalot tuloy ako sa kumot ko na parang turon.

"Ohmygod!" Malakas na sigaw ko dahil tuloy-tuloy ako sa pag ikot at nalaglag ako sa kama. Nakarinig agad ako nang mabilis na hakbang patungo sakin.

"Ok ka lang? Ano ba kasi ginagawa mo?" Tanong ni Travis at binuhat ako pa akyat sa kama, tinignan ko ang itchura niya habang inaalis ang kumot na naka balot sa'kin. Magulo ang buhok niya, mukhang nagising dahil sa ingay ko. Naka t-shirt siya at boxer, buti na lang 'di siya hubad matulog.

"Ano? Piling turon ka, sis?" Umupo siya sa dulo ng kama ko.

"Tse! Ang sakit ng balakang ko." Imbis na asikasuhin ako. eh, tinawanan pa ako.

"Matulog kana nga ulit." Sabi ko sakanya at pabiro siyang sinisipa.

"Good night, turon." Pang aasar niya, hinalikan pa ako sa noo bago tumakbo palabas. Hmpt, ang daya wala akong bawi. Char.

"Baka gawin niya lang akong isa sa mga biktima niya? Kasi playboy siya, baka nasa list ako ng mga papaiyakin niyang babae." Sabi ko. Nakakaloka naman kasi daming magugustuhan, self. Playboy pa!

"Hays. susugal ako para sakanya, pag sinaktan niya ako, ok lang. At least sumubok ako. Kaya ko 'to." Nag isip pa ako ng mga posibilidad na gawin ni Travis pag naging kami hanggang makatulog ako.

"Good morning! How's your sleep? Masakit pa balakang mo?" Umagang-umaga si Travis agad bumungad sa'kin.

"umaano ka d'yan? Aga-aga nandito ka." pag mamaldita ko at nag takip ng unan sa mukha.

"Hoy, galit ka ba sa'kin, dahil kiniss kita sa noo? Bawi ka din kiss mo ako para 'di ka na galit." Sabi niya at sinabayan pa nang tawa kaya binato ko siya ng unan

"Bangon na, papasok pa tayo." Pag sabi n'ya nun mabilis kong tinignan ang alarm sa gilid ko.

"Antayin na lang kita sa baba." Sabi niya at lumabas ng kwarto, dun ko rin napansin na naka uniform na pala siya.

Mabilis akong nag-ayos ng sarili. Nakakahiya naman dun sa kupal, baka ma-late ng dahil sa'kin.

"Arat na!" Dire-diretso akong nag lakad pa punta sa pinto pero tinawag niya ako.

"Di ka muna kakain?" Tanong niya at tinaas ang dalawang tinapay na hawak niya.

"Sa school na lang." Sagot ko sakanya at nauna na sa kotse.

"Oh, kainin mo habang nasa byahe tayo." Inabot niya sa'kin ang dalawang tinapay at tumbler na may kape.

"Salamat." Hindi na kami nag pansinan, dahil abala ko sa pagkain.

"Mamayang lunch sabay tayo." Paalala niya sa'kin. Baba na sana ako pero pinigilan niya.

"Bakit? Mala-late tayo n'yan eh." Reklamo ko sakanya.

"Sandali kasi." Umirap pa siya bago lumabas at umikot papunta sa'kin.

"Makakalabas kana, señora." Inabot ko ang kamay niya na nasa harapan ko.

"Hatid na kita sa room n'yo." Presinta niya.

"Wow, bait mo ngayong araw ah. Anong nakain mo?" Pag bibiro ko sakanya.

"Kawawa ka naman kasi. At baka madisgrasya ka tanga ka pa naman." Kwenelyuhan ko s'ya at inambahan nang suntok.

"Sapakan na lang oh." Tinawanan lang ako at inalis ang kamay ko na nakahawak sakanya.

"Kasi nga diba nanliligaw ako sayo." Sabi niya dahilan nang pag-baba ng kamay ko.

"Tara na nga puro ka kalokohan." Wala na siyang nagawa nang hatakin ko ang kwelyo niya.

"Hi Min." Bati ni Shenel na naka-upo sa armchair ko, kadarating niya lang.

"Saan ka galing? Late ka nanaman." Sabi ko sakanya at tiningala siya.

"I have a boyfriend na." Sabi niya at umupo na sa tabing upuan.

"Ok," sagot ko sakanya.

"Hindi mo ba tatanungin who's my boyfie or why I have boyfriend?" Sus, sanay na ako sakanya ba't mag tatanong pa.

"Sigurado ako na ang kalandian mo eh, atabs d'yan sa gedli gedli." Sabi ko sakany. Tirador kasi s'ya ng bata.

"Why mo knows? Are you stalking me?"

"Duh, sa tagal nating mag kaibigan, saulo na kita. Tirador ka ng bata, mahilig sa bata." Sabi ko sakanya.

"One year lang naman ang tanda ko sakanya, and besides sila ang may hilig sa'kin, duh." Depensa niya. Hindi ko na lang siya pinansin dahil dumating na si ma'am.

"Class, I have announcement." Panimula ni Ma'am kaya natahimik kaming lahat.

"We have many activities for this month, and kasama na ang camping dun na gaganapin bukas." Kanya-kanyang bulungan na ang mga kaklase ko.

"I hope sumali kayong lahat, merong mga activities na gagawin dun I'm sure na mag eenjoy kayo." Sabi ni Ma'am.

"Ma'am ilang days tayo dun?" Tanong ni Zaira, isa sa mga kaklase kong bully.

"3 days tayo dun. Pag tapos nang announcement ko pwede na kayo umuwi para makapag handa." Sasama kaya si Travis? Sana kasama siya HAHAHA.

"Pag tapos nang camping natin, may program naman na gaganapin. Mr and Mrs Campus, so kailangan natin ng representative." Nilibot ni Ma'am ang paningin sa classroom.

"Ma'am." Nag taas ng kamay si Shenel.

"Gusto mo ikaw na lang?" Tanong ni Ma'am pero umiling s'ya at tinuro ko.

"Naku! Shenel, matatalo tayo agad niyan." Sabi ni Kyle agad naman siyang tinignan ni Shenel ng masama.

"Mas lalo na sa'yo! If you're the one na sasali, wala na tayong pag-asa." Agad na rebat ni Shenel.

"Masyado kang panata sa kaibigan mong panget!" Sigaw ni Kyle.

"Lahi mo panget." Balagbag na sabi ni Shenel at tumigil dahil inawat ni Ma'am.

"Ok, wala namang masama kung  I-try ni Ms, Schiewartz. Para na rin tumaas ang confidence n'ya. Class, don't be too harsh too other people, because of their physical appearance, they deserve respect, too. Tao din sila." Natahimik ang lahat sa sinabi ni Ma'am.

"Kayo ba, if may isang tao na nag joke about sa insecurities n'yo matutuwa kayo? Of course not. Ganyan din sila,  nasasaktan. So, Class, be kind to them. Don't love or like other people because they're pretty, smart, rich or famous. love them because they deserve that even if they're not pretty." Mahabang lintanya ni Ma'am. Gosh, nakakatats.

"And I thank you! Ok class, see you'll tomorrow. Remember what I said ah, be kind to them because they deserve that not because they're pretty or what." Sabi ni Ma'am at lumabas na.

that playboy is my fiancèTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon