Seint Ramirez"AND FOR YOUR LAST project bago mag summer break, mag pe-perform kayo sa auditorium. By pair ito, you can use any musical instrument, pwede rin kayong mag dala ng minus one niyo, pwede ring samahan ng sayaw, kayo ang bahala. On monday morning ang performance ng section niyo then the other section ay sa hapon naman" Our professor explained.
Buti na lang ganito lang ang last project namin, akala ko papagurin pa kami bago mag summer break e.
Tihimik naman akong nakikinig habang sinasabi ng prof namin kung sino ang mag kakasama. Binubunot naman ni sir sa fish bowl niya kung sino yung magiging mag kapartner.
"Adriel Sylva and Kendall Curtis"
Ay, hindi ako ang partner niya :'((. Naiimagine ko pa namang kakanta kami ng love song tapos unti unting mag lalapit ang mukha namin at mag..... ARGHHH!
CHAROT!
"Seint Ramirez and Mikka Naismith"
Lumingon naman sakin lahat ng babae sa classroom namin.
O bakit? Inggit kayo?
Yung iba parang pinapatay na ako sa utak nila, yung iba naman halatang nang hihinayang dahil hindi sila ang nakasama ni seint.
Hala paano yung performance? Makakausap ko kaya ng matino tong si seint? Minsan parang may sira sa utak to e.
"That's all for today. Meron pang 10 minutes, pwede kayong mag usap-usap kung anong gagawin niyo sa performance niyo. Okay! Class dismissed!"
Hindi pa ako nakakalapit kay seint ay marami ng nanlilisik na matang nakatingin saakin.
"Hey kakambal ni marina!" Tawag sakin ni seint. "Punta ka na lang ng bahay ah? Alam mo naman kung saan yun."
"Ah, sige. Chat mo na lang ako"
"yeah sure. Sige, alis na ko may pupuntahan pa ko e. Bye, sweetheart" Sambit ni seint at kumindat pa bago umalis. Lahat naman ng kaklase ko ay napatingin sa akin.
"Did he just called you "sweetheart"?" Tanong ni adi. Bakit selos ka? Wag ka mag alala, ikaw lang sapat na hehehhe. Jejejejje.
"Wala yun. Baka ganun lang talaga tawag niya sa lahat ng babae" Depensa ko.
"Hindi kaya. Lagi siyang kumikindat para mag mukhang cool pero NGSB yun at hindi niya tinatawag na sweetheart yung mga fans niya" Adi explained
"Paano mo nalaman? Stalker ka ba ni seint?" Tanong ko. Kung makapag salita tong si adi akala mo fan siya ni seint. Baka crush niya si seint. Yieee bromance heheheh.
"Hindi no. Idol ni bri si seint, alam mo namang mahilig sa drummer si bri e".
Ay oo nga no. Mahilig din pala sa banda si bri, tapos lagi siyang natutuwa sa mga drummers. But sad to say, hindi marunong mag drums si adi kaya ekis siya dun sa bagay na yun.
Kinabukasan naman ay nakatanggap ako ng chat mula kay seint.
Seint: Chain mail pu ituuuuu. I-message mo sa sampung tao na "ang pogi ni seint". Pag hindi mo ito nagawa sa loob ng isang oras mag kakaroon ka ng kurikong sa noo.
Mikka: ha-ha saya ka? Ano kailangan mo?
Seint:Change of plans po boss. Sa school na lang tayo mag practice, nakapag paalam na ako kay Mrs. Mendoza.
Mikka: ah okiee. Anong oras?
Seint: 9:00 am po boss, mag papractice din kasi sila shan mamayang 12:00
BINABASA MO ANG
The Lies Beneath the Sunset
Teen FictionSa isang laro, may nananalo at may natatalo. At sa likod ng bawat laro, hindi mo alam kung ikaw ba ang mananalo. Mikka Salvador Naismith, she never cares about anything besides her dream. To become successful in Music Industry. But because of her o...