| 8 |

44 28 1
                                    


Fireworks


BIGLANG NAG INIT yung mukha ko nang ma-realize kong sobrang lapit ng mukha namin.

I can feel his breathe and, his heart beats fast, like mine. Concern is written all over his face. I can even smell his vanilla scented perfume, my favorite scent.

"Are you okay?" Tanong ni shan.

Shit! Yung sampung kabayo sa dibdib ko nag karera nanaman. Ibinaba na niya ako. Sana hindi niya naririning yung pag tibok ng puso ko, feeling ko kasi ang lakas lakas ng tunog nun.

"Mikka! Anong nangyari?" Tanong ni seint. Halata sa mukha nila ang pag aalala.

"ah wala. Bobo kasi nung lumot e" Pag kasabi ko nun ay nauna na akong mag lakad sa kanila. Nahihiya ako sa nangyari kanina.

Na fall lang naman ako kay shan.

Figuratively.

Na medyo literally. Joke!

After an hour ay nakarating din kami sa tuktuk ng budok. The fresh air brushed on my skin as the beauty of sunset welcomed us.

I sat on the grass, I looked up to see the aesthetic beauty of the sunset, the sky is covered by yellow orange color. I took time appreciating everything around me, the sound of the birds chirping everywhere, the refreshing air i breathe, the trees and the green, brown, orange leaves, and the soft and comforting feeling of the grass I sat on.

I was so amazed by the view when someone speak.

"Beautiful, isn't?" Nilingon ko naman yung nag salita.

"Yes. The calmness and peacefulness it gives, I'm in love with it" Sambit ko. Umupo si shan sa tabi ko at sabay naming pinanood ang sunset.

"Her sweetest escape" He whispered.

Naalala ko tuloy yung diary ko. Doon lahat nakalagay ang hinanakit ko sa mundo. Nasaan na kaya yun ngayon?

"Sinong her?" Tanong ko. Chismosa ako e bakit ba?

"Someone I know, she's in love with the sunset too" Sambit niya habang nakatitig sa sunset.

Siguro isa yung babaeng yun sa dahilan kung bakit Sunset Pen ang pangalan ng banda nila. Kaano ano niya kaya yung babae?

Ngayon ko lang napansin yung ibang estudyanteng pagod na pagod. Yung iba ay kinukuhanan ng litrato yung sunset, yung iba naman ay nakupo o nakahiga sa damo halatang mga napagod sa pag akyat.

Tinawag naman kaming lahat ng professor namin at pinaupo pabilog.

"I know you are all tired. Mag papahinga muna tayo ng ilang minuto bago natin itayo ang mga tent. Sa tent bawal mag sama ang lalaki at babae, school activity parin ito kaya sumunod kayo. After that, you can rest or eat" Sambit ni prof.

After a minute ay nag simula na kaming mag tayo ng tent.

"Potato head tulungan na kita!" Sigaw ni seint habang tumatakbo papalapit sa akin.

Di na niya ako kailangan tulungan dahil sanay na sanay na ako mag tayo ng tent.

"Kaya ko na 'to. Saan yung tent mo?" Tanong ko

"Si drace nag tatayo ng tent namin. Ako na nag dala e" Mayabang na sagot niya.

Lumingon naman ako kung nasaan si drace. Si elly yung nag tatayo ng tent nila, nakaupo lang si drace sa damo. Kawawang elly, sunod sunuran kay drace.

Nang matapos na kaming mag tayo ng tent ay napag kasunduan ng lahat na kumain muna bago simulan ang mga activities.

Konti lang ang blanket na nadala kaya grupo grupo ang pwesto namin. Syempre kila shan ako sumama.

The Lies Beneath the Sunset Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon