| 6 |

62 38 0
                                    


The last project


Cuz I've been waiting all my life

For someone just like you

But you're it

You're the ultimate, you

You're it

You're the ultimate, you....

Pag tatapos ni seint sa performance namin. Napag kasunduan naming siya ang kakanta ng last line para may surprise sa bandang dulo. Pag katapos ng performance namin ay napuno ang auditorium ng sigawan galing sa mga kaklase namin at sa ibang section.

Halata sa mukha ng mga nanonood ang gulat at saya nang marinig nila si seint kumanta. Syempre sinong hindi mamamangha sa boses niya, e ganda ng boses niya.

Dumiretso naman kami ni seint sa backstage pag katapos ng performance namin.

"I told you magugustuhan nila yung boses mo!" Tuwang tuwa kong sambit at pabiro ko siyang sinuntok sa braso. He pats my head and bend a little para mag pantay yung mukha namin.

"Thank you sa lahat, potato head" He whispered.

I smiled "and again, you're not welcome, shithead"

"Tara kain tayo sa canteen, libre mo" Kumindat pa siya at umakbay sakin.

"Kapal ng mukha ha. Mag lilinis pa tayo ng auditorium. Tsaka kasabay ko kumain mamaya yung barkada ko e. Next time na lang" Sambit ko

"Alright next time, libre mo ha" He chucked. Umalis na siya ng auditorium, syempre hindi siya tutulong sa pag lilinis. Tamad yan e.

"feeling close kay seint. Tsk" Sambit nung president naming balyena at umirap pa talaga sakin.

"akala niya siguro papatulan siya ni seint." Sambit naman ni nikka, yung kaklase naming naging kafling ni drace dati.

"Akala niya siguro mag ka level na sila ni marina porket mag kakambal sila" Si kim, alam ko may gusto ito kay adi.

Galit na galit? Saya kayo diyan?

They can hate me, i dont fvcking care. Di ako papatol sa mga utak ipis tulad nila. Patuloy pa rin akong nag dadampot ng kalat ng mga audience kanina, nang biglang lumapit sakin yung tatlong kuto.

"Hey! What's your relationship with seint?" Mataray na tanong ni president.

"my relationship with him is called 'none of your business'" Walang buhay kong sambit habang nag dadampot ng kalat.

"Oh really? I see... Flirting with seint and adriel at the same time huh?"

Hindi ba ako pwede mag karoon ng lalaking kaibigan ha? Mga bobo.

"Oh ano hindi ka mag sasalita?"

Imbis na mainis ako ay natawa pa ako sa kanila. Imagine college students na sila pero ganiyan parin sila umasta, elementary brats HAHAHA. Sarap sipain pabalik ng elementary.

"what's so funny?" Maarteng tanong ulit ni nikka.

"Fix your attitude, maybe, just maybe mapansin din kayo ng mga crush niyo" Pang aasar ko. Kumindat pa ako sa kanila. Sasampalin na sana ako ni kim ng bigla siyang tumigil. Para siyang nanigas sa kinatatayuan niya, bakas sa mukha niya ang gulat at takot.

"Sh-Shan..." Nauutal na sambit ni kim. Lumingon naman ako sa likod ko, bumungad sa akin si shan with his poker face.

"Alam mo ba shan, nakikipag flirt yang si mikka kay adriel, tapos ngayon si seint, yung drummer niyo ang nilalandi niya" Pag susumbong nung president naming kupal.

The Lies Beneath the Sunset Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon