Mobile Legends
I see your true colors
Shining through
I see your true colors
That's why I love you.
Tahimik kaming nakikinig ni shan ng tugtog dito sa mcdo habang kumakain. Big mac at float lang ang inorder ko at ganun din ang kay shan.
I'm pretty sure mrina and the girls would freak out pag nalaman nilang kasama ko ngayon si shan. Naisipan ko tuloy picturan si shan para i-send sa gc namin. Kinuha ko sa bag yung cellphone at nag panggap na may ka chat para di niya malamang kinukuhanan ko siya ng litrato.
3
2
1
BOOM MAY FLASH!
ANG EPIC!!!!!
BAKIT MAY FLASH!
ANAK NG TIPAKLONG!
Lumingon naman siya sakin at bahagyang natawa pa. Shit! Nakakahiya!
Ilang beses na 'ko napapahiya sa kanya ha!
Ayoko na! Untog ko na lang ulo ko dito. =.=
"that was epic" Komento ni shan. Alam ko! Wag mo ng ulitin. Yumuko na lang ako para itago yung hiya. Gusto ko na lang mag palamon ngayon sa lupa.
"you can ask for a picture, mikka. Mas okay yun kesa sa stolen"
Did i heard him right?
Si Shan Mandalion pa ba 'tong kausap ko?
At alam niya ang name ko! Akala ko hindi nila alam pangalan ko, marina's twin kasi tawag nila sakin.
"what's your name on facebook? I can send you some photos"
Sabi ko sainyo mayabang 'tong isang to e. I-sesend ko lang naman kila mrina tapos ngayon iniisip na tuloy niya na nagwagwapuhan ako sa kanya.
Mas gwapo parin sayo si adi no!
"H-hindi naman kita pinipicturan. Bigla ko lang napindot yung flashlight"
"Ahh flashlight.. So ano ngang pangalan mo sa facebook?" Shan asked again.
Luh seryoso talaga siya?
May facebook naman ako pero puro sharedpost lang yun tungkol sa music at favorite bands ko at syempre memes, si Hayley Williams pa nga profile picture ko. Wala siyang makikitang picture ko dun.
Sige na nga bigay ko na nga.
"Mikka Salvador Naismith" Sagot ko.
"accept mo ko ha. Anyways, pupunta ako kila seint, yung classmate mo. Gusto mo sumama?" Tanong ni shan. "Don't worry, may mga babae din dun"
HUWAT?! close na ba kami?
Omg! Grab the opportunity, mikka! Malay mo konting kembot na lang maging bet ka na ni Mr. Ice king.
Tumango ako. "kailan?" Tanong ko. Mukhang malapit ng matapos 'tong dare na to ah.
O baka assumera lang talaga ko.
"Ngayon. Let's go" Sambit niya. Tumayo na siya at naunang mag lakad. Ang gentleman niya no? Hindi marunong mag hintay.
May dala namang kotse si shan kaya mabilis kaming nakarating sa bahay nila seint. Huminto kami sa malaking bahay, para siyang mansion pero modern yung style. Malalaking salamin ang paligid ng bahay. May swimming pool pa. May garden pa, ang ganda.
BINABASA MO ANG
The Lies Beneath the Sunset
Teen FictionSa isang laro, may nananalo at may natatalo. At sa likod ng bawat laro, hindi mo alam kung ikaw ba ang mananalo. Mikka Salvador Naismith, she never cares about anything besides her dream. To become successful in Music Industry. But because of her o...