| 10 |

35 17 0
                                    

Diary


Last day nanamin sa school bago mag summer break. Last day na last day pero nag cu-cutting kami ni seint. Wala namang gagawin ngayon, yung iba nag co-comply lang sa mga kulang nila.

Seint and I decided to stay here on the rooftop and play ML.

"Hoy puta ang lupit nun, mikka ah!" sigaw ni seint nang maka savage ako. Well...basic.

Victory!

Natapos na ang pag lalaro namin, syempre MVP nanaman ang lola n'yo.

"Grabe buhat na buhat kami ah. Pwede ba tayong maging ML buddies?" He asked while doing puppy eyes. Kadiri, di naman cute.

"Oo na. Sabihan mo lang ako pag gusto mo mag laro"

"Iyown! Labyu talaga bro. Pakiss nga" Palapit pa lang yung mukha n'ya ay tinulak ko na 'yun palayo.

"Kadiri! Kilabutan ka nga" I rolled my eyes on him.

I went to the railing to watch the students from here. Sumunod naman sa'kin si seint. Ipinatong pa n'ya yung siko nya sa railing.

"Seint, anong gagawin mo pag nalaman mong nag sisinungaling pala sayo yung isang tao?" I asked without looking at him.

"Listen to his or her reason? Ewan, depende sa sitwasyon" Sagot niya.

That's when I questioned myself. Is my reason valid? Is it reasonable for me to hurt him just because I want to reach my dream?

I don't know. I really don't. Some part of me thinks it is reasonable but there's a part of me that think he don't deserve it.

Oo nga't di ko na itutuloy, pero paano pag nalaman nilang ginamit ko parin sila? Hays, bahala na. Basta titigilan ko na 'tong kalokohan na 'to.

"Bakit mo pala natanong?" Seint asked.

"Wala lang. May naisip lang ako" Sagot ko. Napatingin naman siya sa relo niya.

"Di ka pa ba baba? May pupuntahan pa ako e" Sambit niya.

"Ah sige una ka na. Ako na lang mag sasara nito"

"Okay. Pag nagutom ka kuha ka lang dun sa box na 'yon. May psp din dun pag naboring ka. Alis na 'ko ha. Bye, potato head" Pinitik pa niya ako sa noo.

"Ay potato head, sumama ka na sa Baguio pleaseee. Malungkot pag wala ka e" Para siyang batang inagawan ng lollipop. Bahagya naman akong natawa sa inakto niya. Minsan imbis na mainis ka sa ginagawa niya, matatawa ka na lang e. Only Seint Ramirez.

"Ewan. Pag iisipan ko pa" I said, a little bit unsure. Tuluyan na siyang lumabas ng rooftop. Lumapit naman ako dun sa box na itinuro n'ya kanina.

Hindi ko alam na may ganito pala dito. Di ko to napansin nung una akong napunta dito.

Pag bukas ko ng box ay bumungad sa akin ang mga malalaking chichirya, may chuckie pa na hindi malamig. Meron pang remote control na helicopter, psp, earphone, mp3, at.....

Diary?

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Isa itong diary na brown leather na may naka ukit na 'Every sunset, there's a darkness after it'.

It's...

It's my diary. The diary I lost when I was in junior high school. Pinapersonalize ko 'tong diary na to doon sa tagaytay nung nag hiking ako dati. Meron pang TGTH sa taas, yung logo nung nag pe-personalize.

The Lies Beneath the Sunset Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon