Try Not to Laugh Challenge
"Hi guys welcome to my channel" Masayang sambit ni seint sa camera niya.
I decided to come with them. Nandito ako ngayon sa bahay nila seint, hinihintay pa namin 'yung iba. May practice daw. Next week na yung kasal. Mag istay din kami sa Baguio ng three days.
Umaakto akong hindi ko alam yung sikreto ni seint, syempre hahayaan ko lang s'ya kung ayaw pa niyang sabihin sa'kin 'yun. Kung ready naman na s'ya sasabihin naman n'ya yun.
"Potato head kaway ka naman sa viewers ko" Tawag sakin ni seint. Inirapan ko lang s'ya at yung camera n'ya. Ayokong ibahin yung trato ko sa'kanya. Kung paano n'ya ko nakilala, ganun parin ang gagawin ko. Mukha namang komportable s'ya sa ginagawa o inaakto ko e.
"Ganyan lang talaga yan. Masungit, feeling cute kasi" Bulong ni seint sa camera niya pero sakto na 'yun para marinig ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Hoy potato head tulungan mo kong gawin yung challenge! Para sa viewers ko!!!" Sambit niya habang inaalog pa niya yung balikat ko.
"Seint aware ka ba na walang kwenta yung channel mo?" Tanong ko. Para siyang si chanyeol ng exo, parehas kung ano lang ang mailagay sa youtube channel nila. May vlog siya na nag suswimming lang siya, meron namang kumakain lang siya ng almusal niya, meron namang nag lilinis siya ng drum set niya, pati pag pu-push up niya pino post pa.
Ang pinag kaiba lang nila ni chanyeol, cute kasi si chanyeol e siya mukha siyang tubol na ngiti lang ng ngiti sa camera niya.
Madami naman siyang subscribers dahil sikat siya sa school. Tsk.
"Dali! Masaya 'tong challenge na 'to" Pangungulit niya.
"Ano ba kasing challenge?" I asked lifelessly.
"24 hours mag jowa challenge" Sinuntok ko naman siya agad.
"Gago! Kilabutan ka nga!" Tawa naman siya ng tawa sa naging reaksyon ko. Kung wala ka lang cancer binugbog na talaga kita e.
"Joke lang! Chill lang! Try not to laugh challenge kasi!" Sambit niya.
Pumayag na lang ako para di na n'ya ko kulitin. Sinet na n'ya yung camera at umupo na kami sa sofa. Binigyan niya ako ng tubig at tuwalya. Anong gagawin ko dito?
"Para saan to?" Tanong ko.
"Mag lalagay kasi tayo ng tubig sa bibig para pag natawa tayo maibubuga natin yung tubig HAHAHA LT YUN GAGI" He explained.
Pota ang matured!
Cancer ba sa utak ang sakit n'ya?
Nag simula na kaming manood ng videos sa youtube. Di naman nakakatawa yung mga videos na lumalabas.
Bigla namang tumawa ng napakalakas si seint at naibuga niya yung tubig sa mukha ko. Ibinuga ko din yung tubig sa mukha niya. Palaban ako e.
Napaka dugyot pala nitong challenge na 'to.
Nung lumabas na yung next video ay ganun nanaman ang nangyari. Feeling ko sinasadya na niyang ibuga sa mukha ko yung tubig e.
"HOY ANAK KA NG TOKWA! SINASADYA MO NA E" Sigaw ko. Kinuha ko yung isang basong tubig at ibinuhos 'yun sa'kanya. Yan! Now it's a tie.
BINABASA MO ANG
The Lies Beneath the Sunset
Teen FictionSa isang laro, may nananalo at may natatalo. At sa likod ng bawat laro, hindi mo alam kung ikaw ba ang mananalo. Mikka Salvador Naismith, she never cares about anything besides her dream. To become successful in Music Industry. But because of her o...