Training
I STILL GOT 3 MORE DAYS before I start the dare for Mr. Ice king.And today will be my first training to become a "lady", according to my twin sister.
Nandito sa bahay sila bri at ari para i-train ako. Di ko alam kung anong maitutulong ni bri, parehas lang naman kaming di nag aayos ng sarili.
So yeah, let's start this training.
"okay, so today, tuturuan ka ni mrina at ari kung paano mag lakad ang isang babae using those heels" Pag papaliwanag ni bri sabay turo duon sa mga nakahilerang heels.
"at ikaw? Anong ganap mo dito?" Tanong ko kay bri.
"taga tawa HAHAHA"
"oh great" Sambit ko sabay irap.
I don't like wearing heels, mukha kasing masakit sa paa. Lagi lang akong naka rubber shoes or boots.
Mrina sat down next to me and hand me the heels.
Ang daming ekis ekis na tali ng heels na 'to, paano ba ito isuot?
"itali mo kasi pataas sa binti mo" Tinulungan na ako ni mrina isuot yung heels. 2 or 3 inches siguro yung taas nung heels.
"Jesus Christ! " Muntik pa kong bumagsak nung tumayo ako.
"alright, now try to walk" Sambit ni ari.
Lumakad naman ako hanggang pintuan ng biglang tumawa si bri.
"Bakit ganyan ka mag lakad? Ano ka? Penguin? HAHAHAHHA" Tawa ni bri.
Pigilan niyo ko, babatuhin ko ng heels to.
Maliliit lang kase yung mga hakbang ko, baka madapa ako eh.
"Ganito kasi. Try to imagine na nag lalakad ka lang sa hangin. Huwag mong tigasan yung katawan mo. Huwag ka ring hukot, chest out. Then, walk" Mrina instructed.
"alright, i'll try" Huminga muna ako ng malamin. Nag imagine na nag lalakad lang ako sa hangin.
WOAH I DID IT!
"I DID IT! OMG! I DID IT!" Tuwang tuwa kong sambit. Grabe ganun lang pala kadali yun.
"Konting lambot na lang ng katawan, parang naninigas pa din yung katawan mo. Sway it a little, sis" Mrina instructed again.
Nag lakad ulit ako at ginaya yung ginawa ni mrina pero bigla na lang ako nadapa.
"HAHAHAHHA FVCK! THAT WAS EPIC HAHAHHA" Tawa ng tawa si bri sa nangyari kaya binato ko siya ng sapatos. Nakakainis hindi pa tinamaan.
"May papikit pikit pa ng mata bago mag lakad tapos madadapa lang pala HAHAHAHA" Pang aasar ulit ni bri. Konti na lang sisipain ko na to palabas.
"stop whining, get up!" Tinulungan ako ni ari tumayo.
"Go, try again" Sambit ni mrina.
After a few walks we ended the training. May mga assignment at projects pa kaming tatapusin.
---------------------------------------
DAY 2 OF TRAINING.
"Ang lesson natin ngayon ay kung paano kumain ang isang lady"
Si bri naman ang mag tuturo sakin ngayon. Kabilang kasi sa royal family si bri kaya alam niya yung mga bagay na ganto, kung paano kumain ang mga pabebe.
"Yes! Finally, something enjoyable" Sambit ko sabay palakpak pa.
It's food! Kailan ba ko tumanggi sa pagkain? Hehehe
BINABASA MO ANG
The Lies Beneath the Sunset
Novela JuvenilSa isang laro, may nananalo at may natatalo. At sa likod ng bawat laro, hindi mo alam kung ikaw ba ang mananalo. Mikka Salvador Naismith, she never cares about anything besides her dream. To become successful in Music Industry. But because of her o...