Her Sex God Boyfriend [1]

20.1K 94 1
                                    

Wala na akong time para iproof read kaya sensya na sa errors! Peace yow!

---


"Dapat sana nagpasabi ka muna. Yan tuloy napasugod ako dito." bumusangot ako nun pero tumawa lang siya.

Nahihiya naman ako dito sa itsura ko ngayon. Nakashorts lang kasi ako tapos nakaloose tshirt. Di pa masyado nakapagsuklay kasi naman yung sinakyan kong tricycle kanina para atang may lakad at nagmamadaling maihatid ako. Tsk.

"Kamusta ka na nga pala? Tagal din nating di nagkita ah." napalitan ng ngiti yung busangot ko kasi naman ang ganda pa rin nitong bestfriend ko tapos namiss ko din siya no. Kahit na ang tagal din naming nawalan ng communication, abat kita niyo't siya pa ang tumawag para makipagkita. Sweet niya talaga!

"Ayos lang naman ako. Ikaw? May trabaho ka na ba?" kinuha niya yung OJ niya tapos uminom mula dun sa straw.

Hindi ako napakali sa kinauupuan ko kasi itong bestfriend ko ay kakagraduate niya pa lang samantalang mas nauna ako ng ilang buwan sa kanya na grumaduate. Tapos ngayon eh hindi pa rin ako nagkakarun ng trabaho. Medyo nahihiya pa ako kasi nga ganun. Siguro iniexpect niya na na kumikita na ako. Yumuko ako ng unti tapos tumunghay muli sa kanya bago umiling ng tipid.

"Wala pa." sabi ko.

Ayaw kasi akong pagtrabahuin ng parents ko. Tutal daw may business daw kami. Yun na lang daw ang atupagin ko kesa naman sa pumasok ako sa iba eh kakarampot naman daw ang kikitain. Yun din ang sabi nitong si Mae. Kaya lang ayoko. Gusto ko sanang gumawa ng sarili kong pangalan. Kaya lang laging hinaharangan ni papa yung mga interview ko.

"Oh so? Ano pinagkakaabalahan mo ngayon?" Nangibit balikat lang ako.

"Wala, sa bahay. Tambay." ngisi ko para matakpan yung lungkot na gustong umemprenta sa mukha ko.

"Ah okay. Di ba may sinusulat kang novel?" biglang umaliwalas yung mukha niya kaya pati ako naexcite.

Nagsusulat nga ako pero pampalipas oras lang habang wala pa akong mahanap na trabahong tutumbas sa kagustuhan ni papa.

"Pabasa naman ako oh." naglean siya at nagpout pa.

Ang hirap magresist pero hindi ko talaga yun pinapabasa sa iba. Ayokong mabasa niya ang mga sekreto ko. Kapag kasi naffrustrate ako o basta kung anong mood ko lumalabas sa mga sinusulat ko tapos yung mga characters pa eh sobrang lapit samga taong kilala ko pati yung mga eksena may pagkakatulad sa totoong buhay ko.


Ayoko din namang mabasa niya yung pagiging hopeless romantic ko. Kasi naman.


"Ayoko nga." umirap ako at nagcross arms pero ngumiti din agad yan tuloy nakatanggap pa ako ng tulak mula sa kanya.

"Ang adik mo." sabi niya habang tumatawa. Ako naman nakisabay na rin.

"Seriously? Kumusta ka na ha Aisha?" medyo kinurot pa ako sa tagiliran kaya muntik pa akong mapatalon.

"Huy! Tigilan mo nga ako." saway ko habang natatawa pa rin at tinitignan ang paligid. Baka kasi sabihing malandi kami.

"May boyfriend ka na no?" tanong ni Mae sa akin na ikinamula ko.

"Wala." bulong ko, pero pinagkunutan lang niya ako ng noo sabay kurot ulit sa tagiliran ko. "Mae naman eh!" sabi ko at umayos ng upo.

"Sige na tama na." sabi nito habang tumatawa tawa pa.

Kumuha na lang ako ng chips saka sinubo iyon ng magtanong muli si Mae.

"May suitors ka na?" Halos mabilaukan ako sa tanong niya. Naramdaman ko naman ang paghaplos niya sa likod ko tapos abot nung juice ko.

Pagkatapos ko naman uminom ay napahinga ako ng malalim.

"Okay ka na?" nagthumb up naman ako bilang sagot habang tumatango pa.

Sumandal ako sa upuan at tinitigan si Mae. "Wala akong kahit ni isa." tapos ngumiti na lang ako. "I have no connections to any boys." dugtong ko.

"Eh sa girls?" medyo hindi ko nagets yung sinabi niya nun pero tumango ako.

"Yep." pagsasatinig ko. Pagkasabi ko naman nun ay bigla siyang lumayo sa akin at nag-iba ang timpla ng mukha niya. "Bakit?"

"So may girlfriend ka?" tanong niya. Tumango naman ako.

"Oo may connections ako sa girls." sabi ko at mas lalong nalukot ang mukha niya.

Ano bang mali sa pagkakaron ng connections sa girls? Eh ang tinutukoy ko naman ay yung mga naging kaibigan ko nung college. Madalas kaming magkatext at magkita at magjamming. Compared sa mga lalaki. As in wala akong katext na lalaki. Wala din naman akong kakitaan. Talagang zero love life. Pero kahit ganun hindi rin naman ako malungkot.

Nagtaka naman ako nung bigla niyang hawakan yung buhok ko. "Nagparebond ka?"

Medyo umaliwalas naman yung mukha ko kasi baka sabihin niyang bagay ko. Yung mga kaibigan ko kasi sa college yung mga naging barkada ko ay sinasabing gumanda daw ako nung nagpastaright ako ng buhok.

Tumango naman ako bilang sagot. Kumunot yung noo niya habang nakatingin sa buhok ko. "Bat parang tingting?" bulong niya pero narinig ko.

"Ano?" sabi ko na parang nagkukunwaring hindi ko nakuha yung sinabi niya pero sobrang intindi ko naman. Umiling siya at ngumiti. Hindi ko na lang yun pinansin at nginitian din siya.

"Numinipis ata ang buhok mo?" napatunghay ako sa kanya nung sabihin niya yun. Nakatitig siya sa ibabaw ng ulo ko at parang sinusuri iyong mabuti.

"Ah baka sa rebond." kako na lang pero talagang hindi ko na nagugustuhan yung ginagawa niyang pagpansin tapos sa paglalarawan niya sa itsura ko.

"Kelan pa yan?" tanong niya. Medyo yumuko naman na ako bago ko sagutin. "Nitong November lang." sagot ko.

"Ah. Pabirthday nila sayo?" tanong niya. Umiling naman ako dahil hindi naman talaga.

"Well, bakit wala ka pa ring suitor?" ayokong sagutin dahil hindi ko din naman alam ang isasagot ko kung bakit wala pa ring nanliligaw sa akin o kaya ay lumapit man lang kaya para maiba ay binalik ko na lang sa kanya yung tanong.

"Ikaw ba? Kamusta na yung nanliligaw sayo?" tanong ko nang hindi ko inaalis yung pagkakayuko ko.

Naramdaman ko na lang na biglang umuga yung kinauupuan namin. Konnected kasi yun kaya napatingin din ako sa kanya at bumuntong hininga siya at parang nagbabaliktanaw.

"Wala na yun!" sabi niya. Akala ko ay matatapos na dun pero may sasabihin pa pala siya. "Yung bestfriend ko nga eh nagpaparamdam sa akin." dugtong pa niya tapos nung tignan ko yung mukha niya eh nakataas ang isa niyang kilay.

"Sino? Si Anthony?" tanong ko pero napasampal lang siya sa mesa at tumingin sa akin na parang gulat.

"Ano ka ba wala na yun. Iba to!" sabi niya tapos halata mo pang kinikilig.

"Ang dami mo namang bestfriend na lalaki." sabi ko at muling yumuko. Buti pa siya may bestfriend na lalaki. Ako kasi wala. Never kong natry yun. Puro babae kasi mga kaibigan ko at hindi ako nalapit sa mga lalaki.

Natawa siya bigla. "Duh, ayaw ko sa kanya no. May girlfriend yun!"

Tumango na lang ako. "So may boyfriend ka ulit?" Tanong ko pero umiling siya.


"May suitors ako." ganyan naman lagi.

Ikkwento niya sa akin yung tungkol sa mga manliligaw niya pagkatapos niyang isa isahin ang itsura ko. Gusto ko sanang sabihin na hindi na niya dapat isampal sa pagmumukha kong hindi ako kagandahan dahil matagal ko nang memorize yun. Sa inaraw araw ba namang pagharap ko sa salamin.

Yun naman lagi ang topic namin sa tuwing magkikita kami. Para ngang tinawagan niya lang ako para inggitin. Alam niya kasing nbsb ako. Ewan ko ba. Hindi naman ako ganun kainggit kaya nga lang parang pinapaalala niya sa akin lagi na parang napag-iiwanan na ako.

Hindi naman kasi yan ganyan nung high school kami. Pareha nga kaming nbsb nun eh. Iniisip ko nga na baka nahawaan ng kalandian sa pinasukan niyang school.

Matapos niyang ikwento yung tungkol sa mga lalaki na nagkakandarapa sa kanya eh tinanong niya ako sa kung ano daw bang plano sa buhay ko.

As usual, nginitian ko na lang. Kasi naman no, ano nga bang plano ko? Wala naman akong mapasukan dahil sinasala lahat ni papa ko.

"Ay naku sana makahanap na ako ng trabaho." nag-inat siya sa tabi ko. "Baka maging tambay lang din ako. Ayoko." tapos ay tumingin siya sa akin. Ano namang tinutumbok ng babaeng ito? "Uy wala akong ibig sabihin dun ha." dugtong niya.


Umiling na lang ako saka kunwaring tinignan yung cellphone ko bago tuluyang tumayo. "Ah sige na Mae, mag-ala singko na pala. May pinapabili sa akin sila mama eh." sa totoo lang wala naman talaga. Ayoko lang na huminga sa parehong hangin nitong babaeng to. Naiinis na ako sa mga pasimpleng linya niya.

Hindi ko na matandaan kung papaano ko pa siyang tinuring na matalik na kaibigan noon magpahanggang ngayon. Hindi lang naman niya ako ngayon ginaganyan eh. Hindi ko alam kung bakit napagtiisan ko pa siya ng ganito katagal.

Totoo nga yung sinasabi nila. Nagbabago ang tao.

Tumayo din naman siya at kinuha ang bag niya. "Samahan na kita." sabi niya pero inilingan ko na lang.

"Huwag na baka hinahanap ka na nila tita." sabi ko at humakbang patalikod.

"Oo nga no. Sige ingat ka Aisha! Pakikumusta na lang ako kina tito!" sabi pa niya habang nakangiti. Tinanguan ko na lang siya. Nung makatalikod na ako at paunting nakalakad palayo ay tinanggal ko ang salamin ko para mapahiran ko ang mga mata ko.

Pakiramdam ko tuloy, pumunta lang ako dito para lait laitin ng tinuring kung bestfriend ng walong taon. Tss.

Ang totoo niyan eh plano ko lang pumunta sa grocery at bumili ng mga comfort foods ko at pagkatapos nun ay pupunta na lang ako sa nbs para makapagunwind. Dun ko kasi nahahanap ang peace of mind pag mga ganitong nagseself pity ako.

Ito talaga ang nangyayari sa akin sa tuwing nakikipagkita kay Mae. Hindi ko na nga makalimutan yung last time na ganito ako eh. Kasi naman matagal na din kaming hindi nagkita nung babaeng yun. Ang lagi kong kasama ay yung mga new found friends ko nung college.

Nung makauwi na ako ng bahay ay gabi na rin nun. Dineretso ko yung mga binili kong chips at isang galloon ng ice cream sa kwarto ko. Mabuti na lang at laging ginagabi sila papa at mama ng uwi at hindi na nila ako iniistorbo.

Nagpalit lang ako ng pj's ko at dun sumalampak sa sahig at nagmukmok pagkatapos kong isalang yung kurushitsuji. Mabuti pa si Ciel meron siyang perfect na demon butler na susunod sa lahat ng gusto niya. Kung ako sana meron ding ganyan eh di hindi lang siya magiging butler ko. Instant boyfriend ko na agad siya.

Pero sino ba ang niloloko ko? Eh hindi naman ito totoo eh.

Nakakalahati ko na yung ice cream nung biglang tumunog yung cellphone ko sa tabi.

"Hello." sabi ko matapos kong suminghot.

"Uy babe! Teka, umiiyak ka ba?" tanong nung asa kabilang linya. Ito na nga ba ang dahilan kung bakit ako napagkakamalang tibo eh.

"Huwag mo nga akong inuumpisan Wella, walang tayo! Hindi tayo at kailanman ay hindi magiging tayo!" sigaw ko sabay subong muli nung ice cream.

"Ay shunga! Ano na naman bang nangyayari sayo dyan ha?" sigaw nito na naging dahilan para mailayo ko ng unti yung cellpone.

"Wala! Bat kasi ang pangit pangit ko! Kaya ayan walang nagkakagusto sa aking boylet! Grabe lang! Bakit si Jillian? Ha? Nagkakaboyfriend agad pagkatapos niyang makipagbreak? Bakit ako kahit isa wala man lang nagkagusto sa akin!?" Napasinghot akong muli at tumulong muli yung mga panibagong luha sa aking mga mata.

"Hoy bakla ka! Lasing ka ba?" Napatawa na lang ako. "Hala! Nabaliw na."

"Maybe yes? Maybe no? Kung nakakalasing siguro ang ice cream. Baka naman nahaluan ko ng the bar ng di sadya itong ice cream? Hahahaha!" ayun tumawa na ako ng tumawa at umiyak na lang ulit.

"Teka nga at pupuntahan kita dyan." sabi niya at napalingon na lang ako nung may kumatok sa pinto. Pinunasan ko agad yung mga mata ko at baka makita ako ni Mama na umiiyak na naman dito na parang tanga.

-

Turn to the next page!

Her Sex God Boyfriend [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon