Her Sex God Boyfriend [10]

4.7K 48 0
                                    

I pulled him inside the mall. Kahit na asa state of daze pa ako sa nangyari kanina ay nagawa ko pa ring tumayo at ngayon ay tumatakbo na ako habang hila hila ang kamay ni Fidus. Aaminin ko, after that hot encounter namin earlier, halos hindi ako makatayo. My knees are trembling like crazy. Dapat maalala kong bumili ng balut mamaya.

Nung makita ko na kung saang table naroon sila Ann, Wella, Joy at Jillian ay nagpigil na ako ng takbo at ngayon ay para akong naglalakad sa altar habang hawak ang kamay ng mapapangasawa ko. Ay mali. Hindi ba dapat siya yung naghihintay sa akin? Hmm, yaan na nga.

Unang napatingin sa amin kahit medyo malayo pa lang kami ay si Joy. Matalas kasi ang mata niyan pag may gwapo. Naramdaman sigurong mayroong hottie sa paligid kaya yan. Ehh, binubulungan niya na sina Ann pero hindi pa rin naalis yung tingin niya sa amin. Nakakaloka pa siya kung ngumiti.

Hanggang sa yun nga. Nakarating kami sa table nila sa labas ng isang food chain tapos lahat pa sila nakanganga sa amin ni Fidus. Hindi ko nga alam kung matatawa ako o ma-o-awkward sa mga mata nilang naglalakihan eh? What? Imposible bang may tumabi sa aking gwapo?

Unang nakabawi ay si Joy at ang loka humirit agad. "Uy kuya, pwede ka nang umalis. Salamat sa pagsakay sa trip ng bunso namin."

"Kaya nga. " Pagsang-ayon ng impaktang si Jillian. "Ikaw Aisha, nakisabay ka pa talaga kay kuya para kunwari magkasama kayo at pagkamalan kayo ano ano?"

"Huy, wag nga kayong ganyan. Pasensya ka na kuya ha." pati ba naman ikaw Ann?

"In fairness ang gwapo." Landi mo talaga Wella.

Napatingin na lang ako sa reaksyon ni Fidus at naramdaman kong itaas niya yung magkahawak naming kamay at gaya nga ng inaasahan ay mas nanlaki ang mga mata nilang dalawa.

Nahulog pa nga yung ulo ni Joy sa kamay niya tappos si Jillian ay naibuga pa yung juice na iniinom niya.

"Seriously Jils, kadiri." sabi ko. Nagsitayuan naman silang apat at hinila ako sa isang sulok. Dito sa mismong ilalim ng escalator. Mga loka loka. Tinitignan nga kami nung babaeng nagtitinda ng mga accessories sa tabi eh.

"Nagkatotoo ba ang orasyon?" tanong ni Wella.

"Ang adik nito kung nagkatotoo nga yung wish mo dahil dun." hindi makapaniwalang sambit ni Ann.

"Grabe, ang yummy nun ah. Pag ba ako nag-orasyon mabibigyan din ako ng ganyang kagarang papa?"

"Joy, may jowa ka na. Huwag ka nang maghanap ng iba. Ako na lang!" sabi ni Jillian.

"Haller may boyfriend ka na rin kaya. Yung kalabaw. Hahaha!" sang-ayon ako kay Wella sa isang yun. Hindi naman sa panglalait no. Pero totoo talaga yun. Pati nga si Jillian aminado kaya lang daw mahal niya talaga daw kahit na gago yung boyfriend niya. Ewan ko ba dito. Pinagtitiisan kasi mahal daw. Shunga lang.

"Hinay hinay lang sa tanong niyo." sabi ko.

"My god! Ang haba ng hair mo naiipit sa escalator. Careful baka masabunutan kita este ng escalator." biglang ngumisi si Joy. Loka loka talaga tong isang to.

Narinig ko na lang na may umubo at nakita kong ang lapit lang ni Fidus. So in short narinig niya lahat ng pinag-usapan namin at ngayon ko lang narealize na hawak niya pa rin ang kamay ko. Paanong hindi ko yun napansin kanina pa? Weird.

"Ano kayo ngayon? Ang daldal eh." wika ni Wella. Para namang siya hindi. Hehe.

"Yaan na. San ba tayo pupunta since naman hindi niyo ko hinintay at tapos na kayong kumain?"  Nagulat na lang ako nung biglang agawin nila Joy at Jillian si Fidus. Nung una pa nga mukha siyang iritable. I wonder why eh mahilig naman ito sa mga babae, hence his title nga di ba?

"Hiramin muna namin siya ng mainterrogate." sabi ni Joy at hayun nauna ng pumasok sa quantum ang tatlo.

"Totoo nga bang galing siya sa spellbook?" tanong ni Wella sa akin. Hayan na siya sa serious look niya samahan pa ni Ann na nakalokong ngisi rin.

Sasabihin ko ba ang totoo? Wala naman sigurong mali di ba? Tutal kung hindi naman dahil sa kanila ay wala si Fidus ngayon. Ngumiti ako at sinundan ng maliit na tango.

"Totoo?!" sabay pa sila niyan na napatigil sa harap ko. Sinenyasan ko naman sila na wag maingay at pinagtitinginan na kami ng mga tao.

"Oh, interesting." sabi ni Wella sabay hawak pa sa baba niya na parang detective na iniisip ang next move niya. Napailing na lang ako.

"So kumusta naman ang may boyfriend?" tanong ni Ann na biglang nagpamula sa akin. "Sinasagot na ng pamumula mo ang lahat. Yan tayo eh." pang-aalaska pa nito.

Bigla ko kasing naisip yung mga pinagsaluhan naming halik. Lahat ng iyon ay naghatid sa akin ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Bigla bigla na lang akong nakakaramdam ng init sa loob ng katawan ko at hindi ko iyon paliwanag. It feels good pero it seems to be so dangerous. Na para bang pag umusad pa ako ay baka masunog na lang ako bigla dahil si Fidus ay parang isang apoy at ako naman ang gamo gamong nais makalapit sa kanya.

"Ang lalim ng iniisip mo ah." sabat ni Wella at napansin kong nakarating na kami sa loob at nakita kong naglalaro na yung dalawa yung sa arcade. Teka asan si Fidus? Shems, baka nawawala na yun ah. Bat kasi hinayaan nitong dalawa?

"Hinahanap mo ko?" agad akong napalingon sa bandang kanan at nakita kong nakalean siya doon sa may toy factory. Yeah, he looked dangerous o'right but at the same time, so inviting. Natetempt akong agwin dito yung ginagawa namin sa bahay. The kiss thing.

Napansin ko naman yung mga asa gilid niya, tss. He's attrating so much attention again. Masisisi ko rin ba sila. Pero naiinis ako ah. Huwag niyo siyang tignan ng ganyan! Ako lang may karapatang tumingin sa kanya na para bang siya na ang appetizer, main course at dessert.

"Excuse me girls but my girlfriend needs me." bigla kong naramdaman ang pagnudge sa balikat ko nila Ann at Wella at nung tignan ko silang dalawa ay parehong kinikilig ang mga loka.

"Hey." usal ko dahil bigla ba naman nila akong tinulak. Pareho silang ngumisi at nagcross arms sa akin at pagkatingin ko sa direksyon ng kinatatayuan ni Fidus ay bigla na lang nasagi ng ilong ko ang isang bagay. Tumingala ako at nakita ko ang nakangising mukha ni Fidus.

He gave my hair a soft stroke as he push the loose locks behind my ear.

"Miss me?" he whispered at naramdaman ko ang hininga niya sa aking noo.

"Di ah." yeah, itanggi mo Aisha. Smooth move. Real smooth.

"Weh?"

"San mo natutunan yang expression na yan?"

"Sa kaibigan mo si Joy?" Ah kaya naman pala.

"Anong mga tinanong nila sayo? Sinabi mo ba ang totoo?" tanong ko at tumango naman siya.

"I told them you're my girlfriend." get a grip Aisha! Lahat na lang pinagbla blush-an mo. Mahiya ka nga.

"Tama na nga kayo dyan! Baka dito pa kayo maglabing labing!" napalingon naman ako kay Joy at asa likuran niya ang tatlo.

Her Sex God Boyfriend [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon