"Anong ginagawa mo?" Tumaas naman yung kilay ko saka nagroll eyes.
"Hindi ba obvious nagluluto ako." sabi ko sabay halo nung sinigang.
"Masarap ka bang magluto?"
"Oo. Pero hindi kita bibigyan. Hindi ka naman kumakain eh." yung inoffer ko sa kanya kasi kaninang cookies tinitigan niya lang eh. Ano bang alam ko? Baka siguro walang ganun sa pinanggalingan niya.
"Kakainin ko basta luto mo." natigil yung paghahalo ko dun sa sinigang na hipon at pakiramdam ko eh hindi lang basta usok na galing sa kaserola ang sanhi ng pag-init ng pisngi ko. "Kaya bilisan mo na dyan. Tagal eh." Ang maldita naman nitong lalaking to. Pag talaga napuno ang salup kakalusin na kita!
"Kung ikaw kaya dito ano?" Haharap na sana ako sa kanya pero agad akong napako sa kinatatayuan ko ng haplusin niya ang kamay ko na may hawak ng sandok at maramdaman kong dumampi ang katawan niya sa likod ko. Isa pang nakapagpatigas sa akin sa kinatatayuan ko ay ang biglaang paghigit niya sa akin palapit gamit ng braso niyang nakaakap sa may tyan ko. "A-anong ginagawa mo?" Aisha! Ano ba!? Alam mo kung anong ginagawa niya pero bakit hindi mo magawang lumayo!?
"Alam mo kung anong ginagawa ko." Damn! That whispering sexy voice, samahan pa ng hininga niya sa may batok ko. Kick him in the gut Aisha! For Pete's sake! Get a grip kahit ngayon lang!
"Lumayo ka." napapikit na ako ng mata habang hinahabol ang hininga ko. I don't know! Hindi ko pa to nararamdaman dati! Para akong nagmarathon at naubusan ng hangin ang lungs ko.
"You know you want this." huminga ako ng malalim. Kahit na super landi pa nang pagkakasabi nitong Fidus sa to ay kailangan kong panghawakan ang pangako ko sa sarili ko. Ayokong madeflower ng ganun ganun na lang ano! I need the assurance of the sanctity of marriage.
"Lumayo ka nga!" siniko ko siya at parang walang nangyari na hinalo ang sinigang bago tuluyang patayin yung burner. Humarap ako sa kanya at hayun nakaupo na siya sa isang stool sa kichen island. "Ano bang problema mo? Ang landi mo masyado!"
"You can't blame me." tapos nangibit balikat siya. Oo nga naman. He's the Sex God for crying out loud! Paniguradong parang hobby na lang niya ang pakikisiping sa iba't ibang babae. Tss. Naalibarbaran tuloy ako!
"Handa na yung ulam. Pwede ka nang kumain." naghain na ako para sa aming dalawa at ngayon ay magkaharap kami dito sa lamesa. Ayaw ko kayang tumab dyan baka kung anong milagro na naman ang gawin eh.
"Alisha, gusto ko ang anghang nitong niluto mo. Iniisip ko lang..." Oh, siyempre namaster ko na ata ang pagluluto dito. Favorite ko kasi tapos gusto ko din na medyo maanghang para may kunting sipa sa taste buds at hindi basta asim lang.
"Ano?" sabi ko sabay subo ng kanin.
"Ganito ka din kaya kaanghang?" tuluyan ko nang naibuga pabalik yung kinakain ko at sinamaan ko siya ng tingin pero todo ngisi pa siya. Asar! Akala ba niya nakakatuwa itong pinagsasabi niya?
"Tumahimik ka na nga lang." sabi ko matapos kong punasan ang bibig ko. Nakakawalang gana itong lalaking to. Pati yung paborito kong ulam para ko na ring pinandidirihan.
Natapos ang pagkain namin sa katahimikan at nung naghuhugas na ako ng pinggan ay napansin kong iba na yung suot niyang damit.
"San mo kinuha yan?" tanong ko habang nakatutok sa mga hugasin. Nakasandal lang naman kasi siya sa gilid ng lababo.
"Sa akin." napatawa ako ng unti.
"Huwag mong sabihing may dala kang maleta at balak mo na ditong tumira?"
"San ba dapat ako tumira?" dun an ako napatingin sa kanya.
"You're kidding right?" pinagtaasan ko siya ng kilay pero nangibit balikat siya.
"Sa kwarto mo lang ako, hanggang matapos ang kontrata."
"Kontrata? Anong kontrata?"
"If your heart finally gets what it wanted."
"Well, wala akong alam dyan." Umiling ako. Ni hindi ko nga alam kung ano ba talagang gusto ng puso ko. So goodluck with that. Ang alam ko lang ay gusto kong maitry na magkarun ng boyfriend.
"Hey what do you think you're doing?" tinignan ko siya.
"Tinutulungan ka." tapos nginitian niya ako. And again, my heart seemed to skip a beat. What's wrong with this heart? May sira na ata. Kailangan ko na bang ipagawa?
"Ahm, tinutulungan na?"
"Maghugas ano pa ba?" tapos yun nagsuplado na naman.
"Alam ko, pero bakit yung kamay ko ang hinuhugasan mo?" gusto ko sanang matawa pero pinigilan ko na lang sa pamamagitan ng pagkagat sa babang labi ko.
"Hmm? Ang liit kasi. Ang gandang paglaruan." kumuha naman ako ng bula at winisik sa kanya.
"Sira ulo!" tapos yun bumawi siya sa akin. Asar nga eh, halos maitapon na sa akin lahat ng laman nung palanggana. Tss.
*
"Oh, magpalit ka nga, baka mamaya magkasakit ka." papaakyat na sana ako sa kwarto para makaligo. Hindi pa kasi ako nakakaligo. Hehe. Kakahiya. Kung hindi pa siguro kami magbabasaan ng tubig eh hindi ko pa maiisipan.
Lumingon ako sa kanya para tignan siya pero nagulat na lang ako nung naging kulay gray yung tshirt niya at hindi na siya basa.
"Paano mo nagawa yun?"
"Yung?" napasapak na lang ako sa noo ko.
"Yung nakapagpalit ka agad ng damit." sabi ko habang turo turo siya.
"Ganito?" tapos yun na halu halo at sunud sunod na nagpapalit yung damit niya na para siyang isang app sa cellphone.
"Tigilan mo yan nakakahilo."
"Okay." ngayon naman para siyang robot kung sumagot. Hay naku.
"Whatever. Dyan ka lang ah." tapos hayun, pumasok na ako sa kwarto ko. Nilock ko muna baka kasi makapasok yun eh.
Naghubad na ako at dumeretso sa banyo. Lumubog muna ako sa bathtub para makapaghilod ng mabuti. Nakakastress ang lalaking yun.
"Gusto mo ng tulong?"
"Hindi na kaya ko to." nanlaki yung mga mata ko nung makaramdam ako ng ekstrang kamay sa likod ko at hinahaplos haplos niya pa yun.
"Ahhhhh!" nagsisigaw ako na parang baliw. Sino bang hindi sisigaw kung makita mo si Fidus nakahubad tapos tinutulungan ka pang maghilod!
"Manyak ka! Labas! Labas! Labas!!!!!" pinagbabato ko siya ng kahit anong mapulot ko, sabon, bote ng shampoo! "Labas! Manyak!"
"Gusto lang sana kitang tulungan eh." tapos nakaharap pa siya sa akin. Nilubog ko agad ang sarili ko pati mukha ko sa bula. Shems, nakahubad kaya siya! As in walang kahit anong suot! Pinikit ko ang mga mata ko.
"Di ko kailangan ng tulong mo! Labas!"
Imbyerna yung Dyos ng Kahalayan na yun! Sino ba siya sa akala niya at papasok pasok siya dito! Saka paanong?
Grr! Aisha, kailangan mo na ng plano! Now na!
Dali dali akong naghugas at habang ginagawa ko yun ay panay tingin ko sa likod at sa paligid ko. Baka kasi sumulpot na naman yung sungot na yun eh. Tss
Buti na lang at may sarili akong bath robe. Sinilip ko muna ang loob ng kwarto bago tumuloy doon. Baka kasi andyan siya sa tabi tabi. Tss.
Nung coast clear na eh dumeretso ako sa closet ko at kukuha na sana ng damit ng may biglang umubo. Napalingon ako at andun siya at nakahilata sa may kama.
"Hindi mo ba alam ang salitang privacy?" naiirita kong tanong.
"Wala yun sa bokabularyo ng dalawang taong nagmamahalan." mas lalo naman akong nainis sa sinabi niya.
"FYI, hindi tayo nagmamahalan." saka ako nagcross arms.
"Bakit may sinabi ba akong tayo?" at umismid pa siya. Okay, ilang klase ng Fidus ba ang makikita ko ngayong araw?
"Okay hindi na kung hindi! Paano ka ba kasing napunta doon ng hindi ko namamalayan!? Me sa maligno ka ba?" Nagulat na lang ako nung tumayo siya at isang kurap ko pa lang ay nasa harapan ko na agad siya.
"Paano mo yun nagawa?"
"Just how I did the last time?" he smirked and leaned closer to me. Oh air! Nasusuffocate ako oh! Asan ka ba kung kelan kailangan kita? Ha!? I need air.
At parang narinig ni Fidus ay nagexhale siya at naamoy ko ulit yung nakakaadik niyang hininga. Grabe lang!
Naramdaman ko ulit yung ilang boltahe ng kuryente sa may tyan ko. The F!? Nakalapat ang isa niyang kamay sa loob ng robe ko, sa mismong tyan ko! Gumalaw yung mata niya at tumingin sa baba at nung bumalik ito sa akin ay ngumisi siya. Seriously nung ginawa niya yun kinilabutan ako.
I felt exposed! Tinulak ko siya agad at sinampal pagkatapos.
"How dare you!" My nose flared upon spitting the three condemned words.
Hinawakan niya naman yung panga niya at muling tumingin sa akin. What shocked me was the next thing he did. He surged to me and closed the gap between us as well as pinned me to my closet.
"You're fiesty. I like that. Ni minsan walang umayaw sa akin at kung iisipin ikaw ang unang tumawag sa akin. Is that your way to get me fired up? Because baby it's working."
Hindi ko alam kung namamalikmata ako pero sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin ay hindi ko mapigilang humanga sa kagwapuhan niya. All his former doings forgotten nung magkatagpo ang mga tingin naming dalawa. Natatakpan ng dilim ang mga mata niya at hindi ko alam kung anong dahilan. Is it because he's aroused? Hell no. That's impossible. No one's been aroused because of me. And the Sex God, it even makes the whole concept a big joke.
Naramdaman ko na lang na haplusin niya yung pisngi ko and I found myself leaning on his touch. Anong nangyayari sa akin? What kind of sorcery is this? Ito ba ang kapangyarihan ni Fidus, The Sex God?
"You don't know how much I wanted to get under your skin right now," he breathed. At nakita ko na lang ang sarili kong pinanghahawakan ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. "I can't, as long as you don't ask for it yourself." Pagkatapos nun ay naramdaman ko na lang ang paghaplos ng ilong niya sa sarili kong ilong. Ang sarap sa pakiramdam.
I was asking for more. That felt too good to be true pero hindi iyon nagtagal at lumayo na siya sa akin. I opened my eyes but was still in the daze because of what he did.
"Now you know how you make me feel."
LONGINGS. Ngayon ko lang ganoon napagtanto. It's so real. Longings are so damn real kapag natry mo na.
"Wala ka bang ibang sasabihin?" para akong nagising at napakurap ng ilang beses.
"Lumabas ka nga ng kwarto ko!"-
BINABASA MO ANG
Her Sex God Boyfriend [FIN]
FantasyPara sa SMP ngayong pasko. Nbsb ka? Desperate to have a boyfriend? Pero paano kung sa pagiging desperada mong makahanap ng jowa eh isang 'Sex God' ang nakita mo? Di ba ang imposible? Kasing imposible ng paghahanap ng jowa ng isang araw lang. Pero pa...