Her Sex God Boyfriend [14]

3.9K 42 0
                                    

Nakatingin ako sa kisame habang nakasubo ng toothbrush. Heto na naman ako pag kinakabahan. Nawawala ako sa sarili kong katinuan. Lagi naman di ba? Pero iba tong ngayon. I'm actually nervous for later. Yep, mamaya na yung reunion namin at gaganapin lang naman siya sa isang hotel restaurant. Yeah ba. Sosyalin sila eh. Ayaw sa ktv bar.

It's been a week simula nung dumating sa akin si Fidus. Para ngang regalo kung iisipin at ngayon ko lang narealize na christmas eve na mamaya. Siguro siya na nga yung maagang pachristmas sa akin. The perfect gift of all. We share our sunrise together. We sleep side by side, snuggling. At hindi ko mapigilang tanungin ang sarili ko kung totoo nga ba ito. Ilang beses ko na ngang kinukurot ang sarili ko at nararamdaman ko yung sakit dun kaya I guess there's no way to doubt if this is true or not.

Magmumumog na sana ako nang makarinig ako ng katok sa pintuan.

"Anak, ready na ba ang susuotin mo?" halos malunok ko yung pinangmumog ko sa boses ni mama. I spit it out and hurriedly ran for the door.

"Ma, andito kayo." sinubukan kong silipin kung asaan si Fidus at hindi ko siya makita sa loob ng kwarto.

Napatingin sa likod niya si mama at kumunot ang noo nito nung humarap sa akin. "Ano bang tinitignan mo? May kasama ka ba dito?" she looked at me accusingly pero umiling lang ako.

"Wala ah. Bakit nga po pala kayo andito?" tanong ko. She pressed her lips tightly na para bang iniisip niya kung itutuloy niya pang sasabihin o hindi.

"Naisip lang namin ni papa mo. Gagabihin ka sa reunion niyo di ba?" tumango ako.

"Siguro po kasi baka late na po yun magsimula saka plano ata talaga nilang itapat sa christmas eve." Tumango tango naman si mama.

"In that case, lalabas na lang kami ni papa mo. Is that alright with you?" ngumiti ako at tinanguan siya. "Okay. Sabihin mo sa akin kung mayroon ka pang kailangan ha." dugtong pa niya at saka niya ako niyakap. "You should open your gift after we've gone out." bulong nito at nung kumalas na kami sa yakap ay nginitian niya ako ng sobra iniisip ko nga na baka biglang umilaw yung ipin ni mama. "Siya, ingat ka sa lakad mo ha."

"Kayo din po ma. I love you."

"Sweet ng anak ko ha. Baka mamaya may surpresa ka sa aming hindi ko inaasahan." sa sinabi niyang yun hindi ko mapigilang magblush at sa parehong pagkakataon ay isipin kung mayroon siyang nalalaman. Pero nah, imposibleng may alam sila.

"Joke lang anak." sabi niya at umalis na. Sinara ko yung pinto ng banyo at napasandal na lang dun as a sigh of relief wash over me.
 
"You have a good mother." napatunghay ako at nakitang nakatayo sa harapan ko si Fidus.

"She's not just good. She's great." sabi ko at saka lumakad lagpas sa kanya. "Now go, at kailangan ko pang maghanda." and when I turned around he's gone.

-

"Mas gumanda ka Alisha." tinignan ko siya mula sa trifold mirror ng vanity table at napansin kong nakatingin siya sa akin.

"Weh, baka sinasabi mo lang yan dahil boyfriend kita?" sagot ko habang inaapply ko yung final touches ng make up ko.

"I'm telling the truth and I'm not just your boyfriend. I'm also The Sex God, who's willing to control his urges just for you."

Hindi ko inaasahan yung ganoong bagay na manggagaling sa kanya pero hindi ko rin mapigilang hindi mapangiti ng palihim. Fidus is turning out to be someone I thought he wouldn't be. Because based from what I thought about his title, he's someone who lives just to get laid by numerous women.

"Speechless huh." sabi niya at tumayo na ako paharap sa kanya at napansin ko agad ang pagtingin niya sa mukha ko hanggang sa pagbaba nito sa paanan ko pabalik sa mga mata ko.

"Who's speechless now?" I teased at umiling lang siya na para bang sinusubukan niyang buuin muli ang isip niya. Kala mo ha. Two can play at your game.

"Don't you think we're running late?" sabi nito at naglakad na papunta sa may pinto.

Narinig ko yung sasakyan nila mama na lumabas na kanina kaya okay lang kahit na libutin niya ang buong bahay.

Tinignan kong muli ang sarili ko sa salamin and I found myself contented. Hindi ko na matandaan yung panahon kung kelan ako nag-abalang mag-ayos ng ganito. Suot suot ko ang creamy dress na may black collared ribbon na pinili nila Wella sa mall pati na rin sa bagong heels na nagmamatch sa damit.

"Baka mabasag yang salamin." sabi ni Fidus kaya sinamaan ko lang siya ng tingin at ngayon ko lang napansin na he's looking his best himself in his black ombre long sleeves rolled up to his elbows. And what am I gonna do with that perfectly mussed hair? He's totally a hundred percent drool worthy.

"Are you done checking me out?" he perked with a lifted eyebrow. I just rolled my eyes. This guy truly knows his effect on women.

"Yeah, ano naman ngayon?" sabi ko at iniankla yung kamay ko sa naghihintay niyang braso.

"Wow, that's new."

"Ang alin?"

"Inaamin mo na kasing patay na patay ka sa akin." tumawa siya at ako naman ay napatigil dahil ang sarap lang pakinggan nung paraan ng pagtawa niya. It's like music to my ears. Wow, pumapuchline ka Aisha ah. Shut up heart!

"Halika na nga bago kita paliguan ng halik dyan." sabi ko

"Aba mas lalo akong hindi titigil. Tara, halikan mo na ako Alisha!" pinalo ko nga sa braso. Ang kulit eh.

Nacucutan ka lang eh.

Isa na lang ha, isa na lang.. Babagangan kita.

Nung makalabas na kami ay tumakbo ako papunta sa christmas tree at nangunot ang noo ko nang isang maliit na velvet box lang ang madatnan ko. Anong laman nito? wedding ring?

Napatingin ako kay Fidus at nangibit balikat lang siya. Kinuha ko yun at binuksan. Wala naman kasing wrapper na pupunitin.

Mas lalong nangunot ang noo ko nang makita ko ang asa loob. "Lock at susi?" Tumunghay ako kay Fidus at muling bumalik sa hawak kong regalo. "O may gulay!" Napatili ako at agad na nagtatakbo palabas ng bahay at naroon ang isang red mazda 3.

"Gee. Seriously?" napatalon ako palabas ng bahay papunta sa kotse. May ribbon pa yun sa ibabaw. Habang manghang mangha ako sa pagtingin s akotse ay nakita kong may papel na nakaipit sa may windshield.

'Drive safely anak. -Pa at Ma'

"O may gulay! Mama, papa! I love you na talaga!" I squealed kahit na hindi naman nila ako naririnig. Grabe kaya pala ganun si mama kanina. Hindi talaga ako makapaniwala na binilhan nila ako ng kotse!

Pumasok na agad ako sa loob at hinimas ang upuan pati ng manibela.

"You just had a car and you forgot all about me." Napatingin ako kay Fidus na ngayon ay nakaupo na sa aking tabi at nagpapacute ang loko.

"Eh sorry naexcite lang eh." sabi ko habang nakangiti ng malapad at mahigpit na nakakapit sa manibela at nag-acting na kunwari nagmamaneho na ako. Grabe, ang sarap ng amoy sa sarili kong kotse.

"Sana ako yang hawak mo." napatingin ako kay Fidus at ang loko nakangisi. Medyo naslow ako dun ng unti pero nagets ko agad.

"Loko ka!" sabi ko at hinampas ko lang naman siya habang siya ay ineenjoy ang nangyayari. Grabe langs.

"Ako na magmaneho."

"Marunong ka?"

"If I can drive you crazy what's a car?" at umismid siya.

"Ang hangin eh." lumabas na lang ako at nagpalit kami ng upuan. Nung makapasok na kami ay humarap siya agad sa akin.

"May sasabihin ako."

"Ano?" Ano na naman kayang sasabihin nito? He motioned me to come closer. Eh, may nalalaman pang ganito. Kami lang naman ang andito.

"Closer."

"Ano ba kasi yun." naglean na ako yung tipong face to face na kami.

"Tastes like strawberries." He grinned and with that naiwan akong nakatulala. Bakit ba kailangan niya pa akong nakawan ng halik eh willing naman ako? Landi mo Aisha! Pero aaminin ko, mas nakakakilig pag nasusurpresa ako..

-

Her Sex God Boyfriend [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon