Humikab ako habang nag-inat na para bang tamad na pusa. Hindi ko pa man naibubukas ang mga mata ko ay naramdaman ko na ang isang maliit na peck sa aking labi. I smiled like that rejuvinated my body and immediately felt refreshed. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ang kagigising na itsura ni Fidus. He's looking down on me. Those intense gaze. Drools! Hahaha!
This is my man. Yan ang gustong gusto kong ipagsigawan sa buong mundo pag biglang nagkaroon ako ng boyfriend at ngayon meron na nga ako, and a very hot man indeed. Gulo gulo ang kanyang buhok at hindi ko mapigilan na mapangiti ng palihim dahil naalala kong that's how it looked pagkatapos nung passionate kiss namin. Makapassionate wagas! He did a lopsided smile and that made my heart melt. Yown! Hindi na naman napigilan ni heart at ngayon naman ay parang ice cream na natunaw dahil lang nginitian ng isang Sex God.
Napatakip na lang ako bigla ng kamay sa bibig ko nung hahalikan niya na sana ulit ako.
"What?" tanong niya na parang nagtataka.
"Hindi pa ako nagtotoothbrush!" I muttered wide eyed. Nakakahiya! May gulay Aisha! Nakakahiya ka! Hinahayaan mong malasahan niya ang panis mong laway! Ugh, naglalaway pa man din ako minsan! Ano na lang ang iisipin niya na balahura ako?
Bigla siyang ngumisi at pilit naman niyang tinatanggal yung takip ko sa bibig.
"Hey cut it out." sabi ko habang natatawa na rin. Narinig ko na naman yung sexy niyang pagtawa habang inuudyok niya akong tanggalin yung kamay ko. At dahil nga malakas siya, I had to roll my eyes on that, di nagtagal ay nakita ko na lang ang sarili kong nakapin sa kama with him on top of me at hawak hawak niya ang magkabila kong kamay sa ibabaw ng ulo ko gamit lang ang isa niyang kamay.
I closed my lips tightly habang tinitignan ko siya, pinipigilan ang tawang kumawala sa aking bibig. He grinned and tipped my chin to meet him. I shut my eyes close partly dahil ayaw kong makita yung mga mata niya habang papalapit na siya ng papalapit sa mukha ko. You don't know what you're doing to me. Kanina pa nagpplay ng drums si heart habang todo head bang! Gah!
He then urged my lips to part by licking on the corner of my lips. It's not gross at all. Hindi tulad nung lagi kong sinasabi tuwing makakakita ako ng nagpiPDA sa labas. Ang buong akala ko ay nakakadiri ang ginagawa nila. But now, I was more willing to oblige. I puckered my lips and he brushed his lips on mine and fresh zing of electricity traveled through every nerve endings.
Humiwalay siya agad and that left me wanting for more at inangat ko na yung ulo ko para sana abutin siya. Ehh, pabitin naman to. Nung buksan ko na yung mga mata ko ay umismid lang siya. Hayup ka sa kagwapuhan! Loko to.
"37" Sabi niya. Tumaas naman ang kilay ko dun.
"Huh?"
"That's our 37th kiss." Tinitigan ko siya ng may mga nanlalaking mga mata. Seryoso siya?
"Pangatlo lang kaya yun." sabi ko sa kanya at umiling lang siya. Ibinagsak niya ang katawan niya sa tabi ko at tumingin siya sa akin.
"I've been kissing you in your sleep." he smirked again at ako naman eh nakangagang nakatingin sa kanya.
"Come again?"
"Ow, wag kang magmaang na hindi mo naintindihan ang sinabi ko."
"No, it's just frustrating! Ang daya! All this time! Nirirape mo ang lips ko eh!" tumagilid siya ng higa at ipinatong ang ulo niya sa kamay.
"Aww, don't worry. Next time I rape your lips, I promise you'd feel every bit of the sensation." he smirked. "And you have to give it to me, it took me every once of control not to do you all the way."
"Salamat ha kasi nagcontrol ka pa sa lagay na yun." I said sarcastically at ngumisi naman siya.
"Welcome." inikot ko na lang yung mata ko bago tumayo at pumunta sa banyo.
"Siguro naman ngayon pwede na akong sumama maligo?" napalingon agad ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin.
"Subukan mo at hindi ka na matutulog katabi ko!" and then I slammed the door in his face.
Tumingin ako sa salamin at napansin kong ang pula pula ng mukha ko. Para akong nakainom ng ilang bucket ng beer and to top it all, my lips are swollen. Sinubukan kong damhin pero napapikit ang isa kong mata sa kirot. Ugh!
"Nakakainis!" sigaw ko ng bonggang bongga! First night and he did that? Nakakainis na nakakakilig. Ahee! Nababaliw na ata ako. I'm torn between hating him for what he did and getting butterflies in my stomach for also the same reason. Ganito ba magkarun ng boyfriend? Nakakabaliw?
"Anong meron?" napatingin ako sa tabi ng repleksyon ko at nakita ko siyang nakatayo doon. Tinikom ko ang mga mata ko.
"Would it hurt to knock?" sabi ko kasabay ng paghinga ng malalim.
"Oh." yun lang masasabi niya? Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko siyang maglakad papunta sa pinto. Binukas niya iyon at sinara at sunod ko na lang na nalaman ay kumatok siya ng dalawang beses at binuksan niya ulit iyon. "Better?" he asked. Bigla na lang akong napadampot ng tissue at binato sa direksyon niya.
At some point natawa ako sa ginawa niya pero nainis pa rin. See? Sintomas na ata ito na nababaliw na ako.
-
"I'm going out with my friends." Nag-organize na naman kasi si Wella ng jamming at ngayon nga ay pumipili ako ng maisusuot kong damit.
"Can I go?" tinignan ko yung repleksyon ni Fidus sa salamin ng closet at kasalukuyan siyang nakaupo sa dulo ng kama at nakatingin sa akin.
"I don't know. Baka kasi pagkaguluhan ka nila eh. I don't want that." may gusto pa sana akong idagdag na baka macrushan nila siya. Ayoko nga! Akin lang si Fidus. Ugh, ngayon naman nagiging selfish ako. Teka di ba dapat naman talagang maging selfish pagdating sa boyfriend ko? Nakakainis naman to, nagkakamood swings na naman ako. Malapit na ata akong datnan. Grrr. "Hey."
Binaling ko yung ulo ko sa isang direksyon nung maramdaman kong niyakap na naman niya ako at nakapatong ang ulo niya sa balikat ko. Medyo nasasanay na rin ata ako sa bigla bigla niyang pagsulpot.
"Isama mo na ko, please?"
"And when did the Sex God became this cute?" I laughed pero napatigil din agad ako nung maramdaman kong ipinasok niya yung kamay niya sa loob ng robe ko at maramdaman ko yung init sa abdomen ko. Shucks. This volts of electicity again!
"Huy!" tinulak ko siya. Kaya pala nagpapacute eh may hidden agenda lang pala. "Huwag mo na uulitin yun!" pakiramdam ko ay namumula ako habang pinagsasabihan siya. Nawawalan tuloy ng diin yung mg sinasabi ko.
"We both know that you liked it." he shrugged. Heto na naman siya sa pagiging arogante niya.
"Hoy kahit nagustuhan ko o hindi, wala ka pa ring karapatan na hawak hawakan ako kung san mo gusto no!" sigaw ko sabay talikod. Narinig ko lang na nag-tss siya.
Hindi na siya kumibo simula noon. Ewan ko dito bigla na lang nagpasilent type. Nakokonsensya tuloy ako sa pagsigaw sa kanya. Kaya lang ako naman ang asa tama eh. Baka naman kasi nasaktan sa mga sinabi mo. Huy heart ha huwag kang makikialam dito. Paano naman siyang masasaktan eh totoo naman yung sinabi ko sa kanya. Wala siyang karapatang hawak hawakan na lang ako basta na hindi man lang tinatanong kung pwede! Bakit papayag ka ba kung tinanong niya? Err, depende, ewan! Hindi no! Baka mamaya kung san pa mapunta. So hindi mo siya pinagkakatiwalaan sa sinabi niyang maghihintay siya? Hindi yun ganun okay!? Ang lagay eh hindi ko pinagkakatiwalaan ang sarili kong mapanatili ko ang control ko sa sitwasyon namin. Oh di inamin mo din na gusto mo. Manahimik ka nga! Bat hindi ka na lang dyan mag-iiyak o matulog na lang kesa itong pinapangaralan mo pa kami ng utak ko.
Kinuha ko na yung sling bag ko sa sabitan nito sa pader at sinuot na yun bago humarap kay Fidus na nakahiga sa kama. Feel na feel na talaga nito ang kama ko ah.
"Halika na." tumingin siya sa akin pero binawi lang din niya agad ito at tumingin na ulit sa kisame. Teka, mas maganda ba yung kisame kesa sa akin? Charut. "Uy, halika na, akala ko ba gusto mong sumama?" nagbuntong hininga lang siya matapos kong mag-effort na magpacute dun? Tss.
Tatamaan tong hypothalamus nito sa akin eh.
"Fidus?" Naglakad na ako papalapit at umupo sa gilid ng kama. "Ano bang kailangan kong gawin para pansinin mo ko?" Naku ang desperada nung tanong na yun ah. Teka nga lang eh yung pagiging desperada ko nga ang dahilan kung bakit may hot na papang nakahiga sa kama ko ngayon di ba?
Tinignan niya lang ako at walang kahit na anong expresyon sa mukha niya at ang napaka nitong lalaking ito eh nagawa pa akong talikuran.
Kaya naman tinadyakan ko siya sa bagang!
Di joke. Umisod ako at hinawakan ko siya sa braso niya at pinilit na hilahin paharap sa akin pero hindi siya sumusunod. Nanatili lang siyang nakatalikod. Sumampa na ako sa kama at tinanggal ko yung bag ko at tinoss yun sa kung saan. I don't care, nagtatampo si baby ko.
"Hey, tinitiis mo ko ha." I pulled at his arm at lumingon naman siya. I hovered at him at nung asa ibabaw niya na ako ay bigla akong sinampal ng hiya. Nakatingin siya sa akin at hindi ko alam kung anong iniisip niya. First time ko tong gawin. As in! I'm already feeling my cheeks burn.
I traced my finger on his abs. Kahit nakasuot siya ng green shirt sa ibabaw eh nadarama ko pa rin yung bumps niya. Gah! Sagarin ko na tong kahihiyan ko! Mas umisod ako ng upo at dun pumwesto sa may bandang V line niya. How'd I know? Eh kasi naman tumaas yung shirt niya nung ginagawa ko yun. He remained unaffected sa ginagawa ko at wala pa ring expression ang bumabakas sa mukha niya. Now what? Maghubad kaya ako dito? Tignan natin.
Pero joke lang yun. I'm still not ready. Kaya ang ginawa ko ay pinatong ko na lang yung kamay ko sa chest niya until I leaned on to him at subukan siyang halikan. Pero iniwas niya yung mukha niya. Loko to ah!
"Ayoko na nga!" Siya na nga itong sinusuyo tapos tatanggihan pa ako. Aba, ilang sako din ng hiya ang nilunok ko para gawin to ha.
When I was about to get up ay naramdaman ko ang hawak niya sa wrist ko at nauntog ako sa batuhang chest niya nung hilahin niya ako. Erhm. Hindi ko ito inaasahan. Tumunghay ako sa kanya at nakitang napupuno ng kadiliman ang kanyang mga mata.
"Ain't you gonna try again? You sure give up easily." sabi niya as he hoists me up inside my thighs and his hands landed on my waist, my spine until they reached my cheeks which by the way are flaming red by now.
Kinopya ko yung ginawa niya at hinawakan ko siya where his stubbles were. They sure tickle my hands. I kissed him on his left cheek and licked at the corner of his lips which made him smirk after.
"You've learnt fast." I smiled and mumbled 'I learnt from the God himself.' I felt him shove a hand through my hair. My scalp prickled at the mere touch. Hinalikan ko siya with all that I have, with all that I can give. Our lips locked and once again I was sent to heaven.
Nung mawalan na ako ng hininga ay humiwalay ako pero nakita ko ang sarili kong hinila pabalik ni Fidus. Kahit na hinahabol ko pa rin ang hininga ko ay pinagbigyan ko ulit siya. This guy's insatiable. Kahit ata ikamatay ko na ang pagkaubos ng hininga ko sa halikan naming dalawa ay hinding hindi pa rin siya makokontento.
The time he pulled away was the time I was gasping for dear life. But it felt good, I mean the sensations I'm feeling right now is unfathomable. He dipped his forehead on mine and then he uttered the words which all the more blew my mind away.
"I'm beginning to like you Alisha Dazee Saavedra."-
BINABASA MO ANG
Her Sex God Boyfriend [FIN]
FantasyPara sa SMP ngayong pasko. Nbsb ka? Desperate to have a boyfriend? Pero paano kung sa pagiging desperada mong makahanap ng jowa eh isang 'Sex God' ang nakita mo? Di ba ang imposible? Kasing imposible ng paghahanap ng jowa ng isang araw lang. Pero pa...